Inaayos ko ngayon ang mga gamot ni Alvaro. Nilalagay ko ito sa medicine organizer ko para mabilis ang pagpapainom ko sa kanya ng gamot. Nilingon ko si Alvaro na tahimik na nagbabasa ng libro sa office chair niya rito sa kanyang kwarto. Ito na naman siya sa seryoso niyang mukha. Hindi ko alam kung ma-gwa-gwapuhan ba ako sa kanya o matatakot e. Tumunog ang relos niya kaya't agad nitong pinatong ang libro niya sa kanyang study table at agad na tumayo. Pumunta ito sa harapan ng kanyang salamin at napansin kong hindi niya magawang ayusin ang kanyang neck tie. Nababahala ako, at ako mismo ang nahihirapan dahil sa ginagawa niya. Iniwan ko ang ginagawa ko at mabilis na lumapit sa kanya. Pumunta ako sa harapan niya dahilan para matakluban ko ang salamin. Hinawakan ko ang necktie niya at marahan

