Jessica's P.O.V. Parang binuhusan ng likido ang aking mata dahil sa nakikita ko ngayon. Mula rito sa sala ay tanaw ko ang dalawa. Masaya silang nag-ku-kwentuhan sa balkonahe ng kwarto ni Alvaro. Tanging paninikip lang ng dibdib ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero alam kong masaya si Alvaro kay Aurora. Sa labing-anim ko sa trabahong ito, ngayon ko lang nakita na ganito ka-saya si Alvaro. Ngayon ko lang nakita ang mga tingin na yun, na kahit kailangan ay hindi niya ako tiningnan kung paano niya tingnan ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon. Sa labing-anim ko sa serbisyong ito, hindi ko akalain na mararamdaman niya ang saya sa babaeng isang linggo niya pa lang nakakasama. Kahit kailan, hindi siya tumawa ng ganyan kapag kasama ako. Isang tahimik,

