Mariin at galit na tono ang mayroon si Mr. Hernandez kaya't hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Isa sa mga strikto at isa sa mga doktor na kinatatakutan ng mga nurse dito si Dr. Red kaya't ganito na lang ang panginginig ko. "Naiinom ba niya yung mga gamot niya?" Pinaling ko ang tingin ko kay Ms. Jessica na mabilis ding umiwas ng tingin sa'kin. Tinapunan ko ulit ng tingin si Dr. Red bago ako marahan na tumango. “If he takes his medicines, his white blood cells will remain normal.” "W-wala naman pong patlang ang pag-inom niya ng gamot, Dr. Red." Umiling ito sa'kin bago marahang alsin ang stethoscope niya sa kanyang batok at nilagay sa kanyang bulsa. "I've been a doctor for decades, Nurse Ysa. Imposibleng mali ang findings ko kay Mr. Hernandez. Is it true that you're doing your jo

