Ilang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng nangyari. Hindi na rin ako nakakagawa ng mali sa trabaho ko dahil natatakot ako na baka ito na ang huling chance na maibibigay sa'kin ni Alvaro kapag nagkamali pa 'ko. Nang makita ko siyang sumusuka sa sahig noon, akala ko katapusan ko na. Akala ko mawawala na ang trabaho ko sa'kin pati na rin ang lisensya na ilang taon kong pinaghirapan. Pero… Hindi nga ako nagkakamali sa trabaho ko, unti-unti naman lumayo ang loob sa'kin ni Alvaro. Sa ilang linggo na nakalipas, napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo ni Alvaro sa'kin. Nag-uusap lang kami kapag tungkol sa kalusugan niya, hindi na tulad ng dati na nag-uusap kami tungkol sa kahit na anong bagay. Natatandaan ko ‘yung mga panahon na nakikipagbiruan pa siya sa’kin at malaya ko ring na-ku-kwent

