Nagmamadali akong bumababa ng hagdan hanggang sa marinig ko ang pag sunod sa'kin ni Alvaro. Pinapawi ko ang luha ko habang nilalakbay ko ang mahaba at malawak na hagdan na ito. "Can you please stop, Aurora? We need to talk." "May karapatan akong hindi ka kausapin, Alvaro. Ano pang dapat mong i-explain? Pagkatapos kong makita lahat ng 'yun, you're expecting me to stay? Makakaabot 'to kay Dr. Red," Sambit ko. Nang malapit na ako sa dulo ng hagdan ay bumungad sa'kin si Jessica. Magkadikit ang kilay nito at pinapanood kami ni Alvaro. Nang maabot ko ang dulo ng hagdan ay mabilis niya akong hinawakan sa braso. "Hindi lang isang beses kita sinaway dahil sa pagsagot mo kay Mr. Hernandez. Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na baguhin mo ang pakikipagusap sa kanya?" Galit kong tinabig ang br

