"Eh bakit ka ba kasi nag-resign? Akala ko ba kailangan mo ng trabaho?" Singhal sa'kin ni Mama nang sabihin ko sa kanya na wala na 'kong trabaho dahil nag-resign ako. Ang hirap naman yata manatili sa isang trabaho lalo na't hindi binibigyang halaga. Nandun ako para alagaan siya, iniintindi ko ang mga rules, at ang mga nakalagay sa kontrata. Ginawa ko ang lahat para maging mabuting nurse para sa kanya. Hindi lang dahil sa nangyari, kundi dahil sa takot na baka mapahamak na naman siya dahil sa'kin. "Ano? Tatawag ka tapos mananahimik ka lang dyan." Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang maliit pero malakas na boses ni Mama. "Ma, payagan mo na kasi akong pumunta dyan. Mas malaki sweldo ko dyan, Ma." Para akong si Toni Gonzaga kung paano ko banggitin ang salitang "Ma". Kahit yata lumupag

