Still surprised. I found myself staring at Jessica's car and how it slowly vanished from my eyes. Lasing siya kaya't hindi ko mapigilan ang mag-alala. Kaya't agad kong dinial ang number ni Jomar. Inangat ko ang kamay ko at inilagay sa aking tainga ang aking telepono. Naramdaman ko ang pagkirot ng siko ko dahil sa pagkaka bagsak ko kanina kaya't bahagya akong napangiwi. [Aurora? Bakit ka tumawag? May problema ba dyan?] Sigurado akong naroon siya sa gate kaya't siya ang tinawagan ko. "Jomar, pa-labas si Jessica. Can you drive her home?" [Sure. Bakit?] "Lasing kasi siya at may nangyari lang kaya… Hindi ko pa maipaliwanag ngayon, kailangan ko lang talaga ng taong maipagmamaneho siya." [Paano kung hindi siya pumayag? Mataray pa naman yun.] "Gawin mo ang lahat, Jomar. Kung kinakaila

