"S-sinubukan ko naman ang lahat para hindi niya isipin na s-sa'yo ang gamot na 'yun. I tried my b-best to convince her that soon, I will take Jessica's p-position. Para hindi siya magkaroon ng ideya na private nurse mo 'ko, A-Alvaro. Pero wala…" Hindi ko alam kung naintindihan niya ang paliwanag ko dahil sa aking paghikbi. Nakahawak siya sa bewang niya habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung dapat ko na bang i-handa ang sarili ko dahil kahit na anong oras ay pwedeng mawala sa'kin ang trabahong 'to. Mas lalong bumubuhos ang mga luha ko sa tuwing naalala ko na kahit anong oras ay mawawala sa'kin ang trabahong 'to. Simula nang bumalik ako rito, hindi ko na kailanman nakita ang sarili kong umalis dito nang hindi pa siya gumagaling. Gusto kong umalis sa kanya kapag hindi na niya kailan

