“Anong hi ka dyan?” Singhal niya sa’kin nang lumabas siya. Hindi ko alam kung ano bang itsura ko at kung bakit napangiti siya bigla. Bitbit ko ang plastik na may laman na limang tub ng ice cream at ang paper takeout holder na may laman na limang starbucks. Bukas ang polo ko at hindi maayos ang pagkaka tuck in nito.I try to look presentable at all times, but I'm not sure what happened to me right now. “Look, I’m being nice to you, Aurora. Don’t laugh at me,” Sabi ko bago umikot ang mga mata ko. “Sorry,” Aniya. Tumatawa pa rin ito nang banggitin niya ang salitang ‘yun. Nag-so-sorry pero tawang-tawa pa rin. Ano bang mali sa itsura ko? Kahit gusot at magulo ang damit ko ngayon, gwapo pa rin ako. At saka, Aurora is well aware that I do not dress like this. “Bakit ba kasi bitbit mo ang mga ‘y

