"I gave you her address and even her comfort foods. What else do you want, Alvaro?" Hindi ko man siya nilingon pero alam kong naiinis na siya dahil sa tono ng kanyang boses. Kanina pa 'ko nandito sa office niya, siguro mga isang oras na ako rito. Nakapangalumbaba ako at nagpanggap na hindi ko narinig ang sinabi niya. Pagkagaling ko kayna Aurora, dumaretso agad ako rito. I'm still offended that she rejected my offer. Hindi na niya gustong bumalik as my private nurse. Ganun ba ako kasama? Malaki ang sahod niya, doble sa mga sahod ng mga normal na private nurse dito sa Pilipinas. May maganda at malaking kwarto, sa kwarto ko pa nga siya natutulog, e. Sobrang swerte na niya d'ba? So anong oras para tanggihan ang isang katulad ko? I'm always buying her clothes and spoiling her with everythin

