CHAPTER 3
MAHIGIT isang lingo na si Kitty sa lugar nina Zeny, and she was actually having a lot of fun in this vacation. Malaki ang pagkakaiba ng buhay sa probinsiya sa Maynila. Dito sa probinsiya, simple man ang pamumuhay ng mga tao nakikita niya ang kakuntentuhan sa mga ito. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain at panustos sa araw-araw ay sapat na.
Dito sa probinsiya, ligtas at malaya ang pakiramdam. Hindi gaya sa Maynila na talamak na ang krimen. Maingay, overpopulated, kahit saan ka lumingon polusyon. Laging binabaha. Kaya naman pangarap niya dalhin dito sa probinsiya ang pamilya niya balang araw.
This past few days at wala na silang ginawa ni Zeny kundi mamasyal, magluto at magpakain ng mga bata sa parke.
Kasalukuyang silang nasa kusina ng bumungad si Jun-jun at hilahin siya sa kamay. "Anti, inta agindayon diay tree park." anang paslit.
Napangiting lumingon siya kay Zeny na naghihiwa ng kamatis para sa gagawin nitong salad. "Ano daw?!" natatawa niyang tanong dahil hindi niya maintindihan ang lengguwaheng ginamit ng bata.
Natawa si Zeny. "Kailangan talaga mag-aral ka na ng Ilocano kung lagi kang mapapadpad dito. Kung hindi madali ka na lang ibenta nga sinuman na tagarito."
"Anti intan ah." pangungulit ulit ng bata habang hila-hila pa rin siya sa kamay.
"Uy bulinggit, tagalogin mo si tita. Haan na maawatan ta ibagbagam." natatawang utos ni Zeny sa bata.
"Anti punta tayo sa tree park, mag-indayon tayo doon." ulit nito.
Lalo namang napahagalpak ng tawa ang kaibigan. Parang gusto tuloy niyang salaksakan ng kamatis ang bibig nito. Naiinis siya kapag pinagkakatuwaan siya nito dahil hindi siya makaintindi ng Ilocano.
"Ano ba?!" singhal niya kay Zeny.
"Sabi niya samahan mo daw sa parke upang makapagduyan." pagta-translate nito sa sinabi ng bata.
"Ganun ba? Oo ba." sang-ayon naman niya. Hinawakan ang munting kamay ng paslit.
"Sandali! Sasama ako." sabi naman ni Zeny. Inilagay nito sa loob ng ref ang nahiwang kamatis pagkatapos ay naghugas ng kamay.
Pagdating nila sa parke ay marami ng bata ang naglalaro doon. Hapon na kasi. Oras na din ng pahinga ng mga tao galing sa trabaho.
Katabi ng parke ay isang maluwang na basketball court. May mga nag-uumpukang mamamayan roon. Mukhang may importanteng pinag-uusapan.
Nakiusyuso si Kitty. Sina Zeny at Jun-jun ay naiwan sa parke.
There, standing in front of the crowd is a man whom she guessed, maybe a five feet and seven inches tall. He's wearing a Ralph Lauren polo shirt and it was not tucked-in in his black denim pants. May bahid din ng natuyong putik ang laylayan ng pantalon nito. He's wearing a black combat boots.
Muling tumaas ang tingin ni Kitty sa mukha ng lalaki. Mataman niyang pinag-aralan ang hitsura nito. Ang buhok nitong hanggang balikat at banayad na isinasayaw ng hangin. Paminsan-minsan ay hinahawi nito at iniipit sa tenga ang ilang hiblang tumatakip sa mukha nito. He's also wearing a dark eye glasses. Curios tuloy siyang malaman kung ano ba ang itinatago ng mga mata nito sa loob ng de-kulay na salamin.
Kitty's eyes went down to his jaw. Balbas sarado ang lalaki. Ilang linggo na yatang hindi nag-aahit. Halos puwede na ring tirintasin ang goatee nito dahil sa haba. Nagmukha tuloy itong terorista sa paningin niya at minana nito kay Osama Binladen ang goatee. Mukha din itong kontrabida sa mga tagalog action movies. But despite those things, his bad-ass look was an asset lalo na sa mga babaeng mahilig sa lalaking agresibo. Mga tipong pang-badboy look. Parang Robin Padilla ang dating.
Para kay Kitty, charming para sa kanya ang mga lalaking gaya nito. Kaya nga idol niya si binoy eh.
All in all, this man look so rugged. Pati ang bawat kumpas ng kamay nito, hakbang ng bawat paa at galaw ng mga balikat ay kontrolado at puno ng kasiguraduhan.
Dumako ulit ang tingin ni Kitty sa malapad na dibdib ng lalaki. Dahil bukas ang dalawang butones ng damit nito, aninag ni Kitty ang mamasel nitong pangangatawan. Base sa tindig, mukhang mahilig itong mag-ehersisyo at sigurado siya, walang sinuman ang makakapagpatumba dito pagdating sa manu-manong labanan.
Lalong natuon ang atensiyon ni Kitty sa lalaki nang magsalita ito.
"Hindi na po ako magbibigay ng palugit sa inyo. Kapag hindi niyo pa nabayaran ang mga lupang sinasaka niyo, ibebenta ko na lang ito sa iba." he said.
Makapangyarihan ang boses ng lalaki. Nakakasindak. Nakakatakot. Yung tipong kapag nag-utos ay hindi puwedeng hindi sundin. Batas ang bawat salita. He's like a king everybody was afraid of.
Isang matandang babae ang tumayo upang sumagot sa lalaki. "Senyor, nagmamakaawa na po kami. Bigyan niyo po ulit kami ng kunti pang panahon." anang matanda. Sa tingin ni Kitty ay nasa edad sisenta na ito.
"Hindi na po maari. Hindi ko na babaliin pa ang mga sinabi ko." sagot ng lalaki.
Nanlulumo namang naupo ulit ang matanda.
Nainis naman si Kitty sa katigasan ng puso ng lalaking 'to sa mga tao. "Wala ka na bang natitirang awa? Palugit lang naman hinihingi nila hindi mo pa maibigay?" sabat niyang bigla.
Agad na napatingin sa kanya ang lalaki. Pati mga tao ay nabaling sa kanya ang atensiyon.
"And who are you?" The man came closer to her na halos isang dipa na lang ang pagitan nila. He took off his shades.
Napahawak naman si Kitty sa upuan na nasa tabi niya upang doon kumuha ng lakas kasabay ng paglunok ng sunod-sunod. His eyes are deep and dark. Pakiramdam niya nag-aapoy ang mga iyon at tila siya natutunaw sa titig nito.
"Sa--sabi ko, maawa ka naman sa kanila." utal niyang sagot. "Peste! Ba't ka pa kasi nangialam." saway ng isang boses sa isipan niya.
The man then again stepped closer to her. Napaatras nang bahagya si Kitty. Nanaig ang kanyang takot na baka kung anong gawin sa kanya ng lalaki.
They were just one feet away from each other at dinig na dinig ni Kitty ang malakas na tambol ng kanyang puso. Pati ang paghinga ng lalaki ay ramdam niya. At ang mga mata nito. His eyes were like a ball of fire na kahit hindi niya titigan ay nagpapalambot sa kanyang tuhod. He's good looking kahit pa balbas sarado. Ni wala kang maaninag maski isang tigyawat or marka sa kanyang makinis na pisngi. He's flawless. Napakadelicate ding tingnan ang matangos na ilong nito. And his lips were sensual and a bit pinkish.
"I'm not asking for your opinion lady. I'm asking who you are." masungit niton sabi. His breath were mildly blowing on Kitty's face. Nanindig ang kanyang balahibo dahil dun. She then again swallowed dahil pakiramdam niya made-dehydrate siya sa lakas ng epekto ng lalaki sa kanyang katauhan.
"I'm Kristina. Bakasyonista ako dito." matatag niyang sabi. Itinaas niya ang noo at sinalubong ang mga mata nito. She can't just let this man insult her in the public place.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Hindi ka pala tagarito pero nakikisawsaw ka sa usapan." he smirked. Humalukipkip pa ito at handa yatang makipag-asaran sa kanya buong maghapon.
"Mas mabuti na 'yong sawsawera kesa sayo na walang konsensiya." mataray din niyang sagot.
Naging seryoso ang mukha ng lalaki. Lalong umapoy ang mga mata nito. "You don't who you're talking to lady so zip your mouth." he said. His voice was in control not to lose his temper.
Pinigil ni Kitty na huwag nang sumagot pa. She doesnt know what this man is capable of. Kahit guwapo ito kung may pagka-psycho naman 'di bale ng tumanda siyang dalaga.
Bigla siyang napangiti sa kanyang iniisip. Masyado naman yata siyang advance. Ni hindi nga niya alam ang pangalan nito at hindi naman ito nagpapakita ng interes sa kagandahan niya.
"You're a waste of time." narinig niyang sabi ng lalaki. He gave her a who-do-you-think-you-are look then started walking away.
Muling umusok ang ilong ni Kitty sa inasal ng arogante at mayabang na lalaki. Talaga yatang wala itong puso. Kung makapambastos pa ng tao eh wagas. Puwes! Hindi niya aatrasan ang mga katulad nitong matapobre at mapangmata sa kapwa.
"Hoy! Hindi ka sana patulugin ng konsensiya mo mamayang gabi!" pahabol niyang sigaw dito.
Nagbulungan ang mga taong nakikinig lang sa kanilang bangayan, kung bangayan nga bang matatawag 'yon.
Biglang napatigil sa paglalakad ang lalaki patungo sa sasakyan nito. Dahan-dahan itong lumingon sa kinaroroonan niya. He walks towards her with a smile on his face.
Natakot naman si Kitty sa nakakalokong ngiting iyon ng lalaki. Mukhang may balak itong hindi maganda.
Tumigil ito sa harap niya. "Ok. Bibigyan ko sila ng palugit pero may kondisyon ako." he said.
Kitty can sense na may binabalak nga itong 'di maganda.
"At ano 'yon aber?" she courageously asked. Akala siguro ng lalaking ito natatakot siya. Well, oo. Pero slight lang naman. Buti nga guwapo ito, nakabawas sa parang terorista nitong asta.
"Ikaw kapalit ng isang taong palugit na ibibigay ko sa kanila." sabi nito. Hinuhuli nito ang kanyang mga mata upang doon alamin ang reaksiyon niya.
"Hoy! Anong tingin mo sa akin aber?! Kagamitan na walang damdamin na puwedeng ipambayad utang?!" huramentada niyang sagot dito. This man is really annoying. Sarap ipakain sa mga buwaya.
"See? Hindi mo pala kayang ibigay ang hinihingi kong kapalit. Pinapaasa mo pa ang mga taong ito, wala ka naman palang maitutulong." pangongonsensiya nito sa kanya.
Napalingon si Kitty sa mga magsasakang nakikinig lamang sa kanila. She can see in their eyes hope. Begging her to help them. At hindi bato ang puso ni Kitty upang hindi maramdaman 'yon.
Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Magaling talaga magpa-ikot ng tao ang teroristang 'to.
"Papayag ka ba o hindi? Marami pa akong gagawin. Mahalaga ang bawat patak ng segundo sa akin." masungit nitong sabi.
Walang misagot si Kitty sa binata dahil sa inis. Ang tigas ng pagmumukha ng walang hiyang damuho.
"So? Silence means yes I guess." Tumalikod na ito patungo sa nakaparadang sasakyan.
Hindi pa man nakaka-apat na hakbang ang lalaki ay pinigil na ito ni Kitty. "Sandali!" naiinis ang boses na awat niya dito.
Tumigil naman ang lalaki at sa pangatlong pagkakataon ay lumapit sa kanya. Binigyan niya ito ng matalim na titig. "Anong gusto mong gawin ko?" labag man sa kalooban ay kailangan niyang gawin 'to. Baka sunugin siya ng mga mamayan dito sa plaza pagkatapos ng pagpupulong.
Itutuloy....