Chapter 2

1796 Words
KANINA pa nangangati si Kitty dahil sa init. Isang oras pa lang silang nasa biyahe papunta sa lugar nila Zeny ay mukha na siyang bahasan sa itsura niya. Ang bestfriend naman niya, naghihilik na sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung paano ito nakakatulog sa init ng panahon at maalikabok na hangin na pumapasok sa bintana ng bus. Paano naman kasi, sa ordinaryong bus lang sila sumakay. Mini bus nga ang sinakyan nila. Walang aircon, ang upuan wala na yatang kutson kaya masakit sa puwet, hindi rin adjustable kaya kahit gusto niyang ihiga ang nangangawit na niyang likod, hindi niya magawa, kung anu-anong amoy pa ang nanunuot sa ilong niya. Dahil sa pawis, burado na rin ang make up niya. Puwede na rin siyang magprito ng itlog sa mukha niya dahil nagmamantika na ito dahil sa init. Gusto na niyan gisingin si Zeny at sisihin dahil sa kakuriputan nito. Mahal daw kasi pag bus na may aircon. Palibhasa sanay na ito, eh siya hindi. Malamang pagdating nila, ang mala-barbie doll niyang kagandahan ay maging ragged doll na. Nalanta na rin ang bulaklak na inipit niya sa kanyang tenga kaya inalis na niya iyon at itinapon sa labas ng bus. Maya-maya ay tumigil na naman ang bus upang mamulot ng pasahero. Gusto na niyang sigwan ang driver. Puno na nga nagpapasakay pa. Tuloy nagsisitayuan na ang iba.Tapos may uutot pa. "Zeny, gumising ka nga", yugyog niya sa kaibigan na nasa kasarapan pa rin ng tulog. Siguro maski madidisgrasya na hirap itong magising. "Ano ba 'yon?" tanong nito pupungas-pungas sabay kusot sa mata. "Utang na loob lumipat na tayo ng sasakyan. Masusufocate akp sa bus na ito", reklamo niya. "Tumingin ka sa paligid mo. Ikaw lang ang puro reklamo. Maarte ka lang kasi." sabi naman nito. "Ako ang magbabayad ng pamasahe basta lumipat tayo ng bus", pilit pa rin niya dito. "Magrelax ka na lang ok? May tubig at pagkain naman taying baon kaya kumain ka na lang muna. Baka gutom lang 'yan." sabi nito bago muling ipinuwesto ang sarili upang bumalik sa pagtulog. "Nakakainis ka!" gigil niyang sabi. Hindi na ito sumagot. Kung alam lang niya ang mismong lugar ng kaibigan iiwanan niya ang hitad. Kaso hindi, kaya kailangan talaga niyang magtiis ng mga anim o pitong oras na biyahe. Inilabas niya ang isang chips sa bag at bote ng tubig. Nagugutom na nga siya dahil sa kunsumisyon. Hinding hindi na talaga niya papayagan na sumakay sila sa ganito sa susunod. Sa tatlong oras na lumipas ay wala na siyang ginawa kundi kumain, makinig ng music at manood ng movie sa kanyang cellphone hanggang sa ma-lowbat. Siya na rin ang nakaubos ng pagkain na baon nila. Wala siyang itinira para sa kaibigan. Bahala itong magutom mamaya kapag nagising. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata upang matulog pero hindi niya magawa dahil sa sikip ng kinauupuan niya. Ni hindi niya maipuwesto ang sarili sa paraang komportable siya. Malapit na talaga siyang mabuwisit. Ang kaibigan niya tulog pa rin hanggang ngayon. Tatlong oras na itong tulog. Tibay ng resistansiya ng walang hiya sa sari-saring polusyon na nasa loob na ng bus. Ingay, amoy, discomfort at kung anu-ano pang toxic materials na kalakip ng bulok na bus na ito. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Naiihi siya. "Mamang driver, magstop-over naman tayo kung saan may cr oh", tawag pansin ni Kitty sa driver ng bus. Tatlong upuan lang ang pagitan nila kaya alam niya narining siya nito. "Nag-stop-over na tayo kani-kanina lang miss kaya mamaya ulit", magalang naman nitong sagot. "Manong, puputok na po ang pantog ko. Kapag ako nagka-infection sa kidney kasalanan mo ito at ng bus mo, idadamay ko na rin pati konduktor mo na nagdeodorant yata ng pickled guava", pang-aasar niya dito. Hindi na nga maganda ng serbisyo na bigay ng bus nila, hindi pa kayang pagbigyan ang simpleng kahilingan ng mga pasahero nito. "Sige na Ms. Panalo ka na kaya puwede huwag ka ng maingay? Magising ang mga natutulog sa lakas ng boses mo", sabat naman ng konduktor. Inirapan siya nito. "Hmp! Salamat!" mataray din niyang tugon dito pagkatapos niyang taasan ng kilay. Tumigil nga sa isang kainan ang bus. Bago bumaba si Kitty ay ginising niya si Zeny. "Hoy gumising ka na nga. Grabe ka matulog. Ginagapang ka na ng mga alikabok naghihilik ka pa rin", aniya dito sabay yugyog ng malakas. "Bakit ba? Panira ka talaga ng moment Kristina", naaasar na wika nito. "Bantayan mo ang mga gamit natin. Bababa muna ako." utos niya dito habang siya'y nagsasalamin. Pupungas-pungas namang inayos nito ang sarili upang tuluyang magising. "Pahingi ngang tubig. Nauuhaw ako." anito. "Wala na. Naubos ko na." "Ano?! Dalawang litro yata 'yon, linaklak mo lahat?!" "Eh sa nauuhaw ako eh. Kaya nga ihing-ihi na ako. Kasalanan mo rin to. Kung sa de lux tayo sumakay di sana ang sarap ng tulog ko." sisi niya dito. "Sige na. Bumaba ka na. Bumili ka ng tubig sa baba ha?" Hinalungkat ng kaibigan ang bag nila. "Pati mga baon nating pagkain ubos mo na rin?!" tanong nito nang walang mahagilap na chips maski isa. "Oo." maikli niyang sagot habang nagsusuklay. Nagpahid na rin siya ng pulbo. Hindi pa nagsawa nag-lipstick na rin siya. "Grabe ka. Ano 'yang bituka mo? Drum? Tsaka sa cr ka lang pupunta kundi make up ka pa." inis naman nitong sabi. "Tsee! Hindi ko pinapakialaman yang ganda mo kaya huwag mo ring pakialaman ang kagandahan ko." buska din niya pabalik dito. "Bibili na lang ako ulit sa baba. Basta bantayan mo ang mga gamit natin, baka nakawin." sabi niya ulit sabay panaog na ng bus. Naiwan itong nakasimangot. Nakaramdam siya ng ginahawa nang makalanghap ng sariwa at malamig na hangin sa labas. Dumeretso siya sa comfort room. Pagkatapos niyang umihi ay naghugas ng kamay sa may lababo pagkatapos ay lumabas na upang bumili ng pagkain nila. Nang makabili ay hindi muna siya umakyat sa bus. Umupo muna siya sa bakanteng silya sa may tapat ng isang store upang magpahangin. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtawag na ang konduktor. Umakyat na siya ng sasakyan. Sigurado ilang oras na namang sasakit ang puwet niya at mangangawit ang buong katawan niya sa biyaheng ito. Sa sumunod na dalawang oras na biyahe ay nagkuwentuhan na lang silang magkaibigan. Hindi na ito pinayagang matulog ulit para may kausap siya. Sinamahan na lang siya nito sa panonood at pakikinig ng music sa i-pod. "Inaantok na ako." maya-maya ay reklamo ni Kitty. "Diyan ka ohh, sa kabilang upuan. Total bakante, puwede kang humilata diyan." suhestiyon naman ni Zeny. Sumunod naman siya. Lumipat siya pagkatapos ay pinagkasya ang maliit na katawan sa pandalawahang upuan ng bus. "Huwag ka munang matulog. Ako muna. Salitan tayo." baling niya sa kaibigan bago pumikit. "Oo na." narinig naman niyang sagot nito. Matagal bago siya naidlip. Maigay kasi ang makina ng bus at matigas pa sa likod ang upuan. Added na kailangan niyang mamaluktot dahil hindi naman 'yon kahabaan. *********** Nang magising si Kitty ay papalubog na ang araw. Tiningnan niya ang relos. Mga dalawang oras din yata siyang nakatulog. Lumipat siya sa dating upuan nila ni Zeny at inayos ang sarili. May kausap ito sa cellphone. Puro 'my loves' ang naririnig niya dito kaya hula niya ang boyfriend nitong taga-probinsiya ang kausap. "Musta ang tulog mo?" baling nito sa kanya pagkatapos tapusin ang usapan sa telepono. "Sakit ng katawan ko." nakangiwing daing niya. Humagikgik ito. "Normal lang 'yan." "Hee!" singhal niya dito. "Hindi ito normal. Dahil ito sa kakuriputan mo." Hindi nito pinansin ang reklamo niya. "Hindi bale malapit na tayo. Isang oras mahigit na lang." "Puwede rin yatang mag-eroplano para minutos lang eh. Kunsabagay, de aircon nga na bus namamahalan ka na, eroplano pa kaya." parang type niya talaga itong asarin ngayon. "Tumigil ka na Kristina! Sasabunutan na kita?!" banta nito. Pinandilatan pa siya ng mata. "Ssshhhh..." sabi naman ng isang ginang sa likuran nila dahil sa ingay nila. May natutulog kasing bata. Nagkatinginan sila sabay nagkangitian. Siguro akala ng ibang nakakarinig nag-aaway sila, pero ganun lang talaga sila mag-usap. Pareho na silang sanay sa ugali ng isa't isa. Alas siyete ng gabi nang tuluyan nilang marating ang lugar ng Isabela. Pagkababa nila ng bus ay may sumalubong agad sa kanilang isang binatang maitim pero guwapo. "Hi my loves." nakangiting bati nito kay Zeny. Hindi yata napansin ang presensiya niya. Nahulaan na niya, ito siguro ang bf ng kaibigan. "My lovesss!" Kinikilig ding ganti ni Zeny. Nagyakapan ang dalawa. Bigla tuloy siyang nainggit. Buti pa ang kaibigan niya ang saya ng lovelife. Siya, linggo-linggo yata bigo siya sa pag-ibig. Sa isang linggong pag-ibig lang yata siya nagtatagal. Mga pesteng lalaki kasi, mga manloloko. "Siyanga pala bebe." ani Zeny nang maghiwalay ang dalawa. "Kaibigan ko, si Kitty." pakilala ng kaibigan sa kanya. "Hello Kitty." bati naman ng lalaki sabay hagikgik. "Ako naman si Felipe."pakilala nito sa sarili sabay abot ng palad na malugod naman niyang tinanggap. Pagkatapos ng ilang minutong balitaan ay sumakay na sila sa dala nitong isang owner type jeep. Kalahating oras na biyahe ulit bago nila tuluyang marating ang mismong bahay nila Zeny. ******** "Anti! Anti!" salubong sa kanila ng isang paslit pagbaba nila ng jeep. Tantiya niya nasa limang taong gulang lamang ito o mahigit. "Uy bulinggit", tuwang-tuwang salubong naman ni Zeny sa bata. Nagyakapan at naghalikan ang magtiyahin. Mukhang miss na miss talaga ang isa't-isa. Si Felipe naman ay ibinaba ang mga bag nila. Sumalubong din ang mga magulang ni Zeny. Kilala na niya ang mga ito. Nakilala niya sa Maynila nang dumalaw ang mga 'to kay Zeny. Pumasok sila sa loob ng bahay upang maghapunan. Pagkatapos kumain ay dumeretso na si Kitty sa kuwarto ni Zeny upang magpahinga. Matindi pa sa jetlag ang tinamo niya. Ang leeg niya nagka-stiff neck, ang paa niya lumaki na yata ang masel at ang bewang niya parang binabale. Pero for sure, mag-eenjoy siya sa pagbabakasyon dito sa lugar ng Isabela. Kinabukasan ay nagising si Kitty na masakit ang buong katawan. Para siyang nagdaan sa hazing ng isang fraternity. Iyong tipong ibinitin patiwarik pagkatapos ay pinapalo ng tabla. Paano naman kasi, sobrang sakit ng bewang niya. Hindi niya maigalaw. Pakiramdam niya maghapon siyang tumuwad. Ang paa niya kunting pisil lang sa masel maskit na, at ang leeg niya lumubog na yata. Hirap mang kumilos ay nagtungo pa rin siya sa kusina ng bahay. Wala si Zeny sa kuwarto ng magising siya. "Oh kumusta ang tulog mo?" si Aling Lita, nanay ni Zeny. Nagtitimpla ito ng kape. "Okey lang po." sagot niya pero nakangiwi. Naupo siya sa harapan ng mesa. "Si Zeny po?" "Nasa parke hija. Nagpasama kasi si Jun-jun para maglaro." sagot nito sabay abot sa kanya ng isang tasang kape. "Salamat po." magalang niyang tugon. Dahan-dahang humigop para mainitan ang sikmura niya. Siya namang pagpasok ng dalagitang si Len-len. Nakatatandang kapatid ito ni Jun-jun. Mga anak ng kuya ni Zeny. Ang nanay ng mga bata ay nasa abroad daw kaya madalas ang mga ito sa bahay ng kanilang lola kung nasa trabaho ang kanilang ama. Pangarap niyang tumira dito sa ganitong lugar. Tahimik. Malayo sa ibat-ibang klase ng polusyon sa Maynila. At sana nga dito na niya mahanap ang mapapangasawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD