bc

The Seventh Prince of Labyrinth

book_age16+
332
FOLLOW
1.4K
READ
adventure
royalty/noble
drama
mystery
witty
male lead
swordsman/swordswoman
magical world
rebirth/reborn
war
like
intro-logo
Blurb

Rise From The Ashes: King from Nobody Entry

Comments for bonus!

Click this book and leave your ideas or suggestions, you may be offered 200 bonus!

A Tagalog Fantasy Novel by FilipinangManunulat

Ahren Domingo is known as a troublemaker in their university. But when he met Miyaka he tried to change. They also promised each other that they would graduate from college together.

But unexpectedly Ahren sacrificed his own life to save Miyaka's life. Ahren has accepted what happened to him because he is happy that he saved Miyaka, the woman he loves the most. But Ahren was surprised to learn that he was reborn in the body of Prince Tyrant, the seventh prince of the Labyrinth in the world of Arcadia.

Will Ahren be able to accept his fate especially since he has a huge responsibility in the Labyrinth Kingdom as Prince Tyrant?

Is there really something special about Ahren so he was chosen by the Gods and Goddesses of Arcadia to save the kingdom of the Labyrinth?

Will he really be able to prevent the impending destruction of the Labyrinth kingdom or will he just leave his responsibility?

"I am the seventh prince but that does not mean I am the weakest."

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Ahren Domingo - (Ahren's Reborn Arc)
Kabanata 1: Ahren Domingo - (Ahren's Reborn Arc) Ahren POV "Apolinario," tawag ng professor namin sa kaklase kong si Apolinario. "Sa susunod na exam galingan mo pa." "Yes po Sir." "Next, Bautista." Pagdating talaga sa subject niya ay naboboring ako. Sa palagay ko hindi lang naman ako pero wala kaming magawa dahil nag-fefeeling major siya samantalang minor subject lang namin siya. Napatingin na lang ako sa orasan ko. Medyo matagal-tagal pa ang hihintayin ko para lang umalis sa harapan namin 'tong professor namin. "Medyo lumayo ka na lang sa kanya Miyaka, baka mamaya bastusin ka nanaman niyan eh," rinig kong sabi ng isa ko pang kaklase kay Bautista. Terror na nga kahit minor subject lang, m******s pa. Kaya ilag din jan ang mga kaklase naming babae. Ilang beses din siyang narereklamo pero dahil malakas ang kapit ay hindi siya napapatalsik sa bulok na sistema ng Unibersidad na ito. "Miss Bautista, ano gusto mo ako pa ang lumapit sa 'yo jan?!" "P-papunta na po Sir Ram." Ang sarap dukutin ng mata niya sa pagkakatingin niya sa kaklase naming si Bautista. Madami sa amin na lalake ang gusto na siyang sapakin katulad ng ginawa ko sa kanya noong nakaraang taon pero hindi namin magawa ngayon dahil ibabagsak niya kami. Katulad na lang ng nangyari sa akin. Ibinagsak niya ako kahit na mataas ang grade ko sa kanya dahil ilang linggo ding nagtagal sa mata niya ang black eye. At ayoko na ulit umulit ng subject sa kanya. Masayang-masaya pa naman yang si Sir Ram kapag may binabagsak siya kasi alam niyang malakas ang kapit niya. "Alam mo Baustista, magpa-tutor ka na lang kaya sa akin? Marami akong free time," sabi nito sabay hawak sa kamay ni Bautista na agad din namang binawi ng dalaga saka mabilis na kinuha ang kanyang test paper. "Hindi po Sir, maraming salamat po," sabi pa ni Bautista saka siya dumiretso sa kanyang upuan. Naiwanan naman si Sir Ram na parang nagpipigil ng kanyang pagkainis. "Domingo," tumayo na ako para makuha ang test paper ko agad pero hindi niya iyon ibinigay kaagad sa akin. Bagkus tinignan niya muna ulit ang score na nakuha ko saka siya ngumisi. "Akalain mo 'yun Domingo naka-perfect score ka pa din kahit tarantado at barumbado ka." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil sanay naman na ako sa kanya. Mahilig siya na asarin ako dahil nagawa niya akong ibagsak. Pabalik na sana ako ng upuan ko ng muli nanaman siyang magsalita. "Gayahin niyo sana si Domingo laging mataas ang marka. Pero advice ko lang sayo Domingo na hindi porket matalino ka eh magsisiga-sigaan ka na. Hindi lahat kayo mo," mayabang na pagkakasabi niya sa akin kaya humarap ako sa kanya saka ako naman ang ngumisi sa kanya. Pinagmamalaki niya na naibagsak niya ako ng isang beses at gusto niyang ipamukha na kaya niya ulit gawin iyon. "Atleast ako, hindi ako manyak," dahil sa sinabi ko ay narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kaklase ko at natutuwa ako sa naiinis na mukha ni Sir. "Sinong manyak naman ang tinutukoy mo ha Domingo?" "E 'di yung kaharap ko. Sino pa ba sa tingin mo Sir?" walang ganang sagot ko sa kanya at mabilis na dinampot ni Sir ang pambura sa whiteboard saka marahas na ibinato sa akin kaya narinig ko ang pagsigaw ng iba kong babaeng kaklase. Pero agad ko rin namang nasalo at ibinato ko rin iyon pabalik sa kanya pero ang pinatamaan ko ay ang whiteboard. Kita sa mukha ni Sir ang pamumutla dahil akala niya ay sa kanya iyon tatama. "T-tarantado ka talaga Domingo!" "Tarantado nga ako Sir, pero hindi kasing manyak mo." Nasa rooftop ako ngayon ng building ng department namin habang nakaupo sa railings. Pinapanuod ko ang kapwa studyante ko na abala sa bawat ginagawa nila. Dalawang oras ang vacant time namin bago ang sumunod na subject. At kapag ganitong vacant ay nakahiligan ko na talagang tumambay dito sa rooftop ng department namin. "Sabi ko na nandito ka lang eh," hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa mata ko saka ko naramdaman ang yakap niya mula sa likuran ko. "May dala akong pagkain," dagdag pa niya at halata sa boses niya na nakangiti siya ngayon kaya naman umayos na ako at tumayo sa harap niya. "Sana hindi mo na lang pinatulan si Sir Ram kanina. Tiyak ikaw nanaman ang malalagot," sabi niya sa akin habang nakain siya ng sandwich at nakita ko na may ketchup ang lumampas sa pisngi niya kaya agad ko iyong pinunasan. "Hindi lang talaga ako nakapagtimpi kanina lalo na sa pambabastos niya sa 'yo," sagot ko sa kanya saka uminom sa juice na dala niya. "Pero kalat nanaman sa buong campus ang ginawa mo. At ikaw ang lumabas na masama," bakas sa kanyang boses ang labis na pag-aalala kaya naman napabuntonghininga na lang ako. "Miyaka," hinawakan ko muna ang kamay niya bago ako muling nagsalita. "Huwag ka na mag-alala sa susunod ay magtitimpi na talaga ako. Saka wala naman akong pake sa sasabihin ng iba sa akin. Sanay na ako sa kanila." Ang buo kong pangalan ay Ahren Domingo, kilala bilang takaw sa gulo dito sa campus namin. Masama ang reputasyon ko dito dahil lagi akong napapaaway sa ibang studyante o sa mga guro dito. Sila naman kasi ang nangunguna lumalaban lang naman ako. Ang nasa harapan ko naman ay si Miyaka Bautista, ang babaeng iniligtas ko mula sa isang gang sa ibang unibersidad. Gusto kasi siya gahasain ng mga iyon at saktong ako ang nakakita sa pagdukot sa kanya. 'Yun pala ay kaklase ko siya. Dahil doon ay pinahuli sila ng mama ni Miyaka at nakulong pero agad na nakalaya. Dati na mainit ang dugo sa akin ng leader nila at mas lalong lumala dahil sa nangyari. Hanggang sa naging malapit kami ni Miyaka sa isa't isa at nagkaaminan ng nararamdaman. Simula noon sinikap ko na magbago paunti-unti. Hindi na rin ako nainom ng alak dahil kapag napapainom ako ay mas lalo ako napapalapit sa gulo. Lapitin nga daw ako sa gulo sabi ni Miyaka. Iniiwasan ko na rin ang pagsama sa mga barkada ko dahil mas gusto ko na kasama si Miyaka. Hindi pa naman kami dahil ang gusto ni Miyaka ay makapagtapos muna kami saka niya ako sasagutin. Okay lang naman iyon sa akin dahil isang taon na rin naman at gragraduate na kami sa kursong Business Management. "Ahren, huwag mo na pala muna ako ihatid," napatingin ako kay Miyaka dahil sa kanyang sinabi. Nasanay na kasi ako na kapag tapos na ang klase namin ay ihahatid ko siya sa kanila. Kahit na ayaw akong makita ng mama niya. Ayaw sa akin ng mama ni Miyaka dahil alam niya na masama nga ang reputasyon ko dito dahil dati siyang nagtuturo dito sa unibersidad. "Bakit naman? May pupuntahan ka ba? Sasama na lang ako," nakangiting sabi ko sa kanya. "Hindi pwede Ahren, saka puro kami babae doon at bawal ang lalake," natatawang sagot nito sa akin. "Kasama ko naman sina Stacy eh kaya huwag ka na mag-alala." "Basta mag-iingat ka," nakangiting tumango sa akin si Miyaka kaya naman ginulo ko ang buhok niya na lagi kong ginagawa. Basta nakikita ko ang matamis na ngiti ni Miyaka ay natitiklop ako. Kaya naman pumayag na ako na hindi sumama sa kanila. Saka kilala ko naman si Stacy dahil kaklase din naman namin siya. Saka minsan na lang din naman sila magbonding mga kaibigan niya dahil iba-iba na ang tinatahak nilang kurso sa college. Minsan ay ipinakilala ako sa kanila ni Miyaka at agad ko rin naman silang nakasundo. Nagtagal pa kaming dalawa ni Miyaka sa rooftop hanggang sa natapos ang aming vacant time. Sabay kaming pumasok sa classroom. Wala naman na interesting na nangyari sa buong klase. Isang typical na boring na hapon lang. Nag-quiz lang kami ng saglit sa iba pang subject at hindi na namin namalayan na uwian na pala nina Miyaka. May isa pa kasi akong subject at hanggang ala siyete iyon ng gabi. Nagpaalam na sa akin sina Miyaka na mauuna na sila ni Stacy dahil sa mall ang meet up nilang magkakaibigan. Hinatid ko muna sina Miyaka sa may sakayan ng taxi bago ako dumiretso sa susunod kong klase. Maya-maya lang habang papaumpisa na ang klase namin ay nakatanggap ako ng text mula kay Miyaka na magkakasama na silang lahat kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Mabilis lang ang oras para sa akin kapag gabi na kaya naman uwian na rin namin ngayon. Nagbibigay na lang ng instruction ang professor namin tungkol sa research namin na ipapasa next month. Pagkatapos ay agad na akong lumabas ng classroom. Balak ko sana sundan si Miyaka para maihatid ko siya pauwi sa kanila. "Ikaw ba si Ahren Domingo?" napatingin ako sa lalakeng humarang sa akin saka ako tumango. Pagkatango ay agad niyang ibinigay sa akin ang isang box na kulay itim saka siya tumakbo paalis. "Ano naman kaya ito?" sabi ko sa aking sarili at binuksan ko na ang box pero agad ko iyong nabitawan dahil sa aking nakita. Isang puting kalapati na wala ng buhay at naliligo pa ito sa sarili niyang dugo. Nahagip pa ng mata ko ang litrato ni Miyaka na may pulang ekis sa kanyang mukha. Kaya naman kinabahan ako ako agad. Halos madapa ako sa kakatakbo para lamang makalabas sa unibersidad namin kasabay no'n ay sinusubukan ko na tawagan si Miyaka pero hindi niya sinasagot. Masama ang kutob ko at sino naman kaya sa mga walanghiyang nakabangga ko ang nagpadala ng ganito. "Ano ba Miyaka! Sagutin mo!" ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook