Kabanata 2: Pagkamatay at pagkabuhay

1493 Words
Kabanata 2: Pagkamatay at pagkabuhay Ahren POV "Hello Ahren? Sorry ngayon ko lang nasagot ang tawag mo. Masyado kaming nag-enjoy ng mga kaibigan ko eh. May problema ba?" napanatag ako nang marinig ko ang boses ni Miyaka. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kanya dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko kanina pa. "Nasaan ka na ngayon Miyaka? Ihahatid na kita sa inyo," sinubok ko pakalmahin ang boses ko dahil alam ko naman na malakas ang pakiramdam ni Miyaka pagdating sa emosyon ko. "Patawid na ako papunta sa main entrance ng mall. Doon na lang tayo magkita." Pero imbis na sagutin ako ni Miyaka ay biglang naputol ang tawag kaya naman binilisan ko ulit ang takbo ko para makatawid agad ako. Ang kaso kapag minamalas ka nga naman naabutan pa ako ng stoplight. Tinanaw ko ang overpass sa may kaliwa ko. May kalayuan iyon dito sa kinatatayuan ko. Pagkatawid ko kasi ay ito na ang main entrance ng mall pero matagal pa bago mag red light ulit. Tatakbo na sana ako papunta sa overpass pero narinig ko ang boses ni Miyaka kaya naman napahinto ako. "Ahren!" boses ni Miyaka kaya naman hinahanap ko kung saang pwesto siya. "Dito Ahren!" Pagkatingin ko sa kabilang kalsada sa harap ng mall nakita ko si Miyaka na nakangiti habang kinakawayan ako kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya na nasa maayos na kalagayan. Naisip ko tuloy na baka pinaprank lang ako ng kung sino man ang nagbigay ng puting kalapating walang buhay. "Huwag kang aalis jan!" sigaw ko rin saka ko siya nakita na nakangiti na tumango sa akin. Naiinip na ako dahil ang tagal mag red light gusto ko na mapuntahan si Miyaka doon. Pero parang may mali kaya naman tumingin ako sa kapaligiran ko. May mga namumukhaan ako na tao. Kaya naman napatingin ako kay Miyaka at sa mga katabi niyang tao at gano'n na lang ang takot ko ng makita ko na ngumisi ang lalakeng nasa malapit ni Miyaka. "Miyaka!" sigaw ko at tinignan niya ako ng tingin na nagtataka dahil sa biglaang pagsigaw ko ngunit agad ding napalitan ng gulat at takot ang ekspresyon ni Miyaka dahil sa ginawa ko. "A-Ahren!" Parang nag-slowmo ang kapaligiran ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras tumawid na ako kahit na patuloy pa rin ang pagdaan ng mga sasakyan. Naririnig ko ang busina ng mga sasakyan pati na ang sigawan ng mga tao. Pero ang buong atensyon ko ay nasa taong papalapit na kay Miyaka at kay Miyaka na bakas ang gulat at pagkatakot dahil sa biglaang pagtawid ko. Maski nga ang pagsigaw ni Miyaka ay rinig na rinig ko ng malinaw. Hindi ako pwedeng magkamali yung taong papalapit na kay Miyaka ay ang mismong leader ng gang na nakabangga ko dahil iniligtas ko mula sa kanila si Miyaka. Kitang-kita ko kung paano inilabas ng leader na iyon ang kutsilyo habang nasa likuran na siya ni Miyaka. Pero hindi ko hahayaan na may masamang mangyari kay Miyaka. "Ahren, ano ba ang ginagawa mo?!" rinig ko na tanong sa akin ni Miyaka pagkatapos ko siyang maabot at mayakap saka ko siya inikot habang nakaharang ang katawan ko sa kanya upang maprotektahan ko siya. Sinubukan ko pa na lumaban sa leader ng gang habang yakap ko pa rin si Miyaka. Ngunit hindi ko inaasahan na may kasama pa pala siya na sumaksak sa tagiliran ko kaya naman napatigil ako saka napatingin kay Miyaka na ngayon ay nanlalaki na ang mata dahil sa pagkagulat. Napasinghap ako ng maramdaman ko na may bumaon pa na matalim na bagay sa aking likuran. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko na namalayan na nakaluhod na ako habang inaalalayan ni Miyaka. Naririnig ko pa ang sigawan ng mga tao at ni Miyaka ngunit nanghihina na ako. Isama pa na ramdam na ramdam ko na ang sakit, kirot at kakapusan ng hininga. "Ahren! T-tulong! Tulungan niyo kami!" nakita ko na may dugo sa kamay ni Miyaka at ng makita niya iyon ay nanginig ang buong katawan niya. Wala rin siyang tigil sa pag-iyak at hindi ko pa man gusto na nakikita siyang ganito kaya naman hinawakan ko ang kamay niya. "M-Miyaka," pinilit ko na lakasan ang pagtawag sa pangalan niya para naman marinig niya ako. "H-huwag...." "Huwag ka na m-magsalita Ahren. Kapit ka lang ha paparating na ang ambulansya," ramdam ko na nakahilig na ang ulo ko sa balikat ni Miyaka kahit na namamanhid na ang katawan ko. Pinilit ko pa rin na itaas ang kamay ko para maabot ko ang kanyang pisngi saka ko pinunasan ang kanyang luha. "Huwag ka na umiyak, hindi bagay sa 'yo." sabi ko sa mahinang boses at naramdaman ko na napasuka ako ng dugo kaya mas lalong nataranta si Miyaka. "T-tumawag na kayo ng ambulansya parang awa niyo na! Ahren kumapit ka, pakiusap!" "P-pasensya na M-Miya...ka. Hindi ko matutupad ang p-pangako ko sa 'yo," sa pagkabigkas ko ng mga katagang iyon ay doon na rin bumagsak ang luha ko dahil naalala ko ang pangako namin sa isa't isa na sabay kaming gragraduate at hindi namin iiwanan ang isa't isa. "Kahit hindi na matupad iyon Ahren.... Basta mabuhay ka lang pakiusap!" "M-mahal kita Miyaka kaya natutuwa ako dahil ligtas ka..." suminghap muna ako ng malalim dahil talagang nahihirapan na akong huminga. Madami pa akong gustong sabihin kay Miyaka ngunit hindi ko na maibuka ang bibig ko sa labis na panghihina. Unti-unti na rin nandidilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan ko na iyong naipikit. Pakiramdam ko ay may humihila sa akin upang makatulog ako at unti-unti na ring bumagsak ang kamay ko at sa bisig ni Miyaka ako nalagutan ng hininga. Siguro kaya ako maagang nawala sa mundong ibabaw ay dahil madami akong naging kasalanan. Pero kahit mamatay ako ngayon ay nailigtas ko naman ang buhay ni Miyaka. Iyon nga lang ay hindi na kami magkakasamang dalawa at hindi ko na matutupad ang binitawan kong pangako sa kanya. Hangad ko ay ang kaligtasan at kasiyahan ni Miyaka sa oras na matanggap niyang wala na ako. Sa hindi malamang dahilan ay napamulat ako ng aking mata. Ang kaninang madaming taong nakapalibot sa amin ay napalitan ng puting liwanag. Walang katapusang puting liwanag. Saka hinanap ng mata ko si Miyaka pero napatawa na lang ako sa sarili ko dahil naalala ko ngayon na patay na nga pala ako. "Oo nga pala, patay na ako," sa una ay natatawa pa ako pero maya-maya ay hindi na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. "P-patay na ako," sabi kong muli saka ako napayuko. Hindi ko aakalain na magiging saglit lang ang buhay ko pero sa kabilang banda ayos lang dahil nailigtas ko si Miyaka. "Prinsipe Tyrant." "Sino iyong nagsalita?" naputol ang iniisip ko nang makarinig ako ng isang mahinang bulong kaya nagpalingalinga ako kung may makikita akong tao pero wala. Hanggang sa ang puting liwanag ay mas lalong kuminang ng nakakasilaw kaya naman napatakip ako sa mata ko dahil nakakasilaw iyong liwanag. Maya-maya ay napadilat ako at sumalubong sa akoin ang kulay asul na kalangitan. Napasinghap ako ng malalim na para bang galing ako sa pagkalunod. Napapaubo rin ako dahil pakiramdam ko ay matagal akong hindi nakahinga ng maayos kaya may nakabara sa aking lalamunan. Tumama sa mata ko ang sinag ng araw kaya naman napatakip akong muli sa mata ko kaya nakita ko ang kamay ko. Saka ko napagtanto na nag-iba ang kapaligiran ko dahil napansin ko ang mga puno sa paligid. "Nasaan ako?" unti-unti ay bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. "Ito na ba ang langit?" "Prinsipe Tyrant?" dali-dali akong tumayo dahil may isang matandang medyo kuba na ang lumapit sa akin. Nakasuot pa ito ng itim na cloak at may hawak na isang matangkad na tungkod. "S-sino po kayo?" gusto ko rin sana na tanungin kung sino ang tinatawag niya pero pagpikit ko pa lang ng isang beses ay nasa harapan ko na agad siya. "Hindi ikaw si Prinsipe Tyrant ngunit nasa katawan ka niya. Nakikita ko ito sa iyong mga mata. Sabihin mo sino ka?" napakunot ang noo ko dahil sa kanyang itinanong pero sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako natakot ng ganito ng nanlisik ang mga mata niya at itinutok sa akin ang mahaba niyang tungkod. Ngayon ko lang din napansin na umiilaw ang pulang gem na nasa dulo ng tungkod niya. "Magpakilala ka!!" napaigtad ako ng sumigaw siya ng malakas. "A-Ahren po, ako si Ahren," pagpapakilala ko sa kanya saka siya huminahon kaya napabuntonghininga ako saka ako napabulong. "Nakakatakot naman ang matandang ito." "May sinasabi ba?" masamang tingin na tanong niya sa akin. "W-wala po, pero mawalang galang na po. Tanong ko lang, ito na po ba ang langit?" "Tama ang hula ko na wala kang ideya sa lugar na ito. Buweno, Ahren hindi ba? Hindi mo ba alam na muli kang nabuhay?" napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ng matandang nakacloak. Anong pinagsasabi niyang nabuhay akong muli? "M-muling nabuhay?" ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD