Kabanata 14: Ang paglayas ni Ahren

1107 Words
Kabanata 14: Ang paglayas ni Ahren Ahren POV "Akala niyo ay hindi ko malalaman kung ano ang nangyari kahapon sa pamilihan?" sabi ni Nana Vera sa aming dalawa ni Farrah. Pagkatapos kasi naming kumain ng agahan ay sinabihan kami ni Nana Vera na pumunta ng labas. Magkatabi kaming dalawa ni Farrah at hindi niya pa din ako kinikibo. Sinubukan ko siyang kausapin kaso umiiwas pa din siya hanggang sa ito na nga pinagsasabihan kaming dalawa ni Nana Vera. "Wala naman pong kinalaman si Farrah dito," sabi ko at wala pa ding kibo si Farrah sa aking tabi. "Siya ang kasama mo at hinayaan ka lang sa gusto mong gawin," seryosong sabi ni Nana Vera kaya naman napayuko si Farrah. "Paumanhin po Nana Vera," malungkot na wika ni Farrah saka siya humingi ng paumanhin kay Nana Vera. "Madaming paninda ang napinsala sa away niyo ng dalawang miyembro ng swan. At hindi ba pinagbawalan kita na masanggot sa kahit na anumang gulo Ahren," sermon sa akin ni Nana Vera. "Ano po ba ang mali sa aking ginawa Nana Vera? Pinagtanggol ko lang naman yung matandang inaapi nila kahapon," hindi ko kasi maintindihan na bakit nagagalit sa akin si Nana Vera. Mamamayan niya yung inapi kahapon ngunit hindi niya maintindihan ang ginawa ko. Hindi naman ako basta lang nakipag-away. "Hindi sa lahat ng oras ay gagamit ka ng dahas Ahren. Hindi lagi iyon ang solusyon." "At ano po ang solusyon Nana Vera? Hahayaan ko lang at papanuorin ko lang na mabugbog yung matanda dahil hindi siya nakapagbigay ng buwis sa dalawang unggoy na iyon? Ang laki-laki ng katawan nila ngunit hindi sila nagtratrabaho," naiinis na sabi ko at naiinis din ako sa tuwing iniisip ko na hinahayaan lang ito ni Nana Vera. "Ang patakaran ko ang siyang masusunod dahil nakikitira ka lang sa aking pamamahay. Hindi mo alam kung anong nilalang ang mga swan," sagot sa akin ni Nana Vera. "Kaya ba nagpapadaig kayo sa takot sa kanila? Oo nga po nakikitira lang ako sa inyong pamamahay ngunit alam ko sa aking sarili na tama lamang ang aking ginawa. At hindi ko hayayaan na manatili sa aking pinamumunuan ang mga gano'ng nilalang. At hindi ko hahayaan na masaktan ng basta ang aking mamamayan dahil lamang sa takot ako sa group nila kung sakali na ako ang namumuno dito," sagot ko kay Nana Vera at nakita ko na nagalit ito sa aking sinabi. Sinabi ko talaga iyon upang magising din siya. Siya ang namumuno sa lugar na ito ngunit hinahayaan lang niya na masaktan ang kanyang nasasakupan. "Ahren, bawiin mo ang sinabi mo kay Nana Vera. Kahit kailan ay hindi pinabayaan ni Nana Vera ang mga nakatira dito. Hindi maganda ang iyong sinabi," naiinis na wika naman ni Farrah sa akin. "Kung gano'n ay bakit wala siyang magawa na paalisin ang mga swan dito? Nahihirapan at nasasaktan na ang kanyang nasasakupan dahil sa buwis na pilit na kinukuha sa kanila," sagot ko. "Kung hindi mo nagugustuhan ang pamamalakad at patakaran ko ay makakalayas ka na sa aking pamamahay," sabi ni Nana Vera saka ito tumalikod sa akin. Hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi. "Nana Vera," halata sa boses ni Farrah na nagulat din siya sa sinabi ni Nana Vera. "Kung iyan po ang gusto niyo. Lalayas po ako dahil hindi ko matanggap na hinayaan niyo lang ang mga swan sa inyong nasasakupan. Maraming salamat po sa pagligtas at pagpapatuloy sa akin," sabi ko at dumiretso na ako sa pag-alis sa bakuran ng bahay ni Nana Vera. Sa huling pagkakataon ay lumingon ako upang tignan sina Farrah at Nana Vera, maging ang bahay nito. Ngunit hindi nila nakita ang paglingon ko dahil parehas silang nakatalikod sa akin. Saka nagdesisyon ako na maglakad na lang ulit. Nagpasya ako na pumunta na lang sa pamilihan upang makibalita na rin. Sinubukan ko na hanapin doon yung matanda at ang kasama nitong batang babae pero nakasarado ang kanilang tindahan. Saka ko naman nakita na nagkukumpuni ang mga nagtitinda dito sa kanilang nasirang tindahan. Kaya upang makabawi ay tumulong ako sa kanila. Bahagya pa nga silang nagulat sa aking pagtulong ngunit ikinatuwa din nila ang aking pagtulong sa kanila na mag-ayos ng mga nasira. "Hindi ba kay Nana Vera ka nakatira?" tanong sa akin ng isa sa ale na tinutulungan ko na ayusin ang kanyang nasirang pintuan ng kanyang tindahan. "Opo, ngunit hindi na ako nakatira sa kanya ngayon," sagot ko dito at binigyan niya naman ako nh may pagtataka sa kanyang mukha. "Bakit naman? Pinaalis ka ba niya?" usisa pa ng isang matandang lalake. "Hindi nagustuhan ni Nana Vera ang ginawa ko na pakikipag-away sa dalawang miyembro ng swan kahapon," magalang na sagot ko at napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin ako sa kanila. "Naiintindihan ko naman po si Nana Vera." "Ayaw lang kasi ni Nana Vera na may mapahamak. Ilang beses na niyang kinakausap ang pinuno ng swan ngunit patuloy pa din sila sa kanilang ginagawa," kwento naman ng isang di naman katandaan na lalake. "Tiyak akong babalikan ka ng dalawang nakalaban mo kahapon kaya sana ay mag-iingat ka ng tuluyan simula ngayon. Kilala namin ang mga swan hindi sila titigil hanggang hindi sila nakakaganti sa 'yo," paalala pa sa akin ng ale na tinutulungan ko sa kanyang pintuan. "Salamat po sa pag-aalala. Pero hindi ko lang maintindihan si Nana Vera kung ayaw niyang may mapahamak sa inyo ngunit bakit wala siyang ginagawang aksyon patungkol sa swan?" usisang tanong ko naman. "Nagbanta kasi ang pinuno ng swan na kapag patuloy pa ding nakialam si Nana Vera ay susunugin nila ang nayon namin at papaslangin kami isa-isa sa kanyang harapan," nagulat ako sa sinagot niya sa akin. Hindi ko inaasahan na gano'n pala pagkatapos ay nakapag salita ako ng di maganda kay Nana Vera mamaya. "Gustuhin man lumaban ni Nana Vera ay hindi niya magawa. Dahil alam niyang totohanin ng lider ng swan ang kanyang bata. At simpleng mamamayan lang kami dito. Walan kaming taglay na kapangyarihan hindi katulad ng lider nila. At kapag lumaban si Nana Vera at kami ay tiyak mauubos kami dito sa nayon." "Alam naming sa kabila no'n ay hindi kami papabayaan ni Nana Vera. Alam namin isang araw ay makakalaya din kami mismo sa mga gahaman na swan na iyon," sabi sa akin ng isa sa kanila. Gabi na at nandito ako nakaupo sa malapit sa may pamilihan. Inalok nila ako na maaari akong tumira sa kanila pasamantala ngunit tinanggihan ko sila dahil ayaw ko na silang madamay pa. Dito na lang muna ako matutulog sa inuupuan ko ngayon. Bahala na. "Tignan mo nga naman kapag sinuswerte ka. Hindi na natin kailangan lumayo upang mahanap ang lapastangan na ito." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD