PROLOGUE
May mga taong dumarating sa buhay mo na parang ulan—biglaan, magulo, at hindi mo inaasahan.
At may mga taong parang bahaghari.
Maganda. Tahimik. Nakakahinga.
Pero panandalian lang.
Hindi ko alam kung alin doon si Gio.
Ulan ba siya na dumating para guluhin ang tahimik kong mundo?
O bahaghari na dumaan lang… para ipakita sa’kin na may kulay pala ang buhay ko, kahit saglit lang?
“Oliver, bakit ka nakatingin sa langit?”
Hindi ko siya sinagot agad.
Kasi paano mo ipapaliwanag sa isang tao na sanay ka sa dilim?
Na sanay ka sa tahimik, sa routine, sa mga araw na pare-pareho lang ang pakiramdam?
“Wala lang,” sagot ko, kahit alam kong hindi totoo.
Narinig ko siyang tumawa.
Hindi malakas.
Pero sapat para maramdaman kong may nagbago sa paligid ko.
“Liar,” sabi niya.
At doon ko na-realize— ang dali niyang basahin ako.
Hindi kami close noon.
Hindi kami yung tipong agad magiging magkaibigan.
Hindi rin kami yung laging magkasama sa campus.
Pero somehow…
lagi siyang nandun.
Sa likod ng lecture room, naka-earphones, nakatingin sa bintana na parang may sariling mundo.
At ako?
Hindi ko alam kung kailan ako napatingin sa mundo niya.
“Do you believe in forever?”
Random niyang tanong isang hapon, habang nasa rooftop kami ng building.
Mahangin. Tanging tunog lang ng ulan ang maririnig.
“Hindi,” sagot ko agad.
Napatingin siya sa’kin, may konting amusement sa mata.
“Ang bilis mo naman sumagot,” natatawa sabi niya. “but why?”
Tumingin ako sa kanya.
Kasi minsan, ang totoo… hindi mo basta sinasabi.
“Kasi everything ends,” sabi ko.
Tahimik siya sandali.
Tapos ngumiti.
Hindi masaya.
Hindi rin malungkot.
“Siguro,” bulong niya. “Pero hindi ibig sabihin nun… hindi na siya worth it simulan.”
Doon nagsimula lahat.
Sa simpleng usapan.
Sa simpleng tanong.
Sa simpleng presens’ya niya.
Hindi ko napansin kung kailan siya naging parte ng buhay ko.
Kung kailan naging normal na hanapin ko siya sa classroom.
Kung kailan naging mas tahimik ang buong campus kapag wala siya.
At higit sa lahat—hindi ko napansin kung kailan ako natakot.
Na baka isang araw…
mawala siya.
Kasi ang mga bagay na magaganda
— hindi naman talaga nagtatagal, diba?
Parang ulan.
Parang bahaghari.
Parang siya.
This is the story of how I met Gio…
and how I lost him—
before I even had the chance to say I loved him.