“How dare you, Trish!”
Nagulat ako pagkarinig ko sa malakas na sigaw ni Anne. Sinundan pala niya ako at nang sulyapan ko siya ay nabasa ko ang galit sa kaniyang mga mata.
“W-Why? Anong—“
“Why? Tinatanong mo kung bakit? Huh?! I’ve been good to you! Tapos sisiraan mo lang ako kay Jace!”
“Anne, I…I’m sorry. Maniwala ka wala akong intensyon na siraan ka—“
“Oh really? Talaga ba?” nakakalokong tiningnan ako ni Anne. “You think I didn’t know?”
“Ha? Ang alin? A-Anong ibig mong sabihin?” nagugulohang tanong ko.
“Akala mo ba hindi ko napapansin kung paano mo si Jace tingnan? Alam kong baliw na baliw ka sa kaniya at gustong-gusto mo siyang agawin!” sigaw ni Anne. Napansin ko ang ilang guests na papasok sana sa room pero hindi na tumuloy dahil sa lakas ng boses ng dalaga.
“Anne, please…” pakiusap ko.
“Anong please? Totoo diba? Gustong gusto mo siyang agawin sa akin! Kaya noong nakahanap ka ng pagkakataon, siniraan mo ako agad!”
“Nagkakamali ka. H-Hindi iyon ang intensyon ko. Hindi ko sana sasabihin sa kaniya pero…pero..maniwala ka. I’m sorry, Anne,” pakikiusap ko sa dalaga. Dahil sa totoo ay ayaw ko din siyang magalit sa akin. Nagsisisi na ako sa ginawa ko dahil sa galit niya sa akin ngayon. Idagdag pa na dumadami na ang taong nakiki-usyoso sa amin.
“Eh ano? Bakit mo sinabi kay Jace kung ganoon? You could have asked me instead!”
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Tama naman siya. Dapat ay siya ang una kong tinanong.
“I…I’m sorry,” umiiyak na hingi ko ng pasensya. “I’m so sorry Anne. I’m so sorry.”
Dahan-dahang lumapit sa akin si Anne. Akala ko ay mapapatawad niya ako kaya nagulat ako sa sunod niyang ginawa. May hawak siyang wine glass at ibinuhos niya ang laman noon sa mukha ko.
“Oh ayan! Para magising ka na sa katotohanan na kailanman ay hindi ka magugustuhan ni Jace!”
Narinig ko ang pagsinghap ng mga nakakita sa amin na naroroon din sa lady’s room. Labis-labis ang pagkaawa ko sa sarili. Tumalikod na si Anne at akmang lalabas na ng ladies room ng tawagin ko siya.
“Sandali lang!” Pinunas ko ang mga luha sa aking mga mata. Nilingon ako ni Anne at nakataas ang kilay niya pero sa pagkakataong iyon ay sinalubong ko ang mga tingin niya. “I know what I saw, Anne. I saw you flirting with that guy at pagkatapos ay sumama ka sa kaniya paalis ng bar! Mali ba ako?”
Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa pagkapahiya. “How dare you! Anong klaseng babae ka! Gagawin mo talaga ang lahat para lang masira kami ni Jace!”
“At anong klaseng babae ka din na makikipagharutan at sasama sa ibang lalaki sa kalagitnaan ng gabi kahit na may boyfriend ka na! Ngayon mo ako sagutin! Saan kayo pumunta? Hindi ako papayag na lokohin mo si Jace!”
“I am not flirting with that man!” tanggi ni Anne. Mabilis siyang humakbang patungo sa pwesto ko at sa pagkabigla ko ay malakas niyang hinablot ang buhok ko. Napasigaw ako dahil sa paghila niya sa buhok ko at gayundin ang mga tao sa paligid namin. Ngunit ni isa man ay walang lumapit sa amin para pigilan si Anne.
Pilit kong inalis ang mga kamay ni Anne na mahigpit na nakakapit sa buhok ko ngunit bigo ako. Bigla ay may naramdaman akong dumating at inalis si Anne sa pagkakahawak sa akin. Tiningnan ko kung sino iyon at nakita ko si Jace. Noon ko na-realize na kasama pala niya ang mga magulang ko maging sina Tito Anita at Tito Isidro.
“Anong nangyayari dito?!” sigaw ni Tito Isidro. Tiningnan niya ako at lumipat ang mga mata niya kay Anne. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya dahil sa sobrang pagkapahiya. Sa party pa ng mga ito kami nagkagulo ni Anne.
Nagulat nalang ako ng biglang umiiyak na yumakap si Anne kay Jace. “Love, I’m…I’m sorry. Kasi…kasi she confronted me and accused me of flirting with another man…H-Hindi ko magagawa iyon at sobra akong nasaktan sa mga salita niya. Hindi ko akalain na may galit pala siya sa akin..I thought okay kami..” Hindi ako makapaniwala na ito ang Anne na nakasama ko ng ilang araw. Ang Anne na inakala kong mabait.
Tiningnan ako ni Jace. Sa tagal na naming magkaibigan ay noon ko lang siya nakitang magalit sa akin. “What did you do, Trish?” Alam ko na pinipigil lang niya ang galit.
What? Ako itong sinasabunutan ni Anne tapos ako pa ang tatanungin kung anong ginawa ko?
“W-Wala akong ginawa Jace. Maniwala ka sakin! Siya ang lumapit sa akin..hindi ko magagawa ang sinasabi niya.”
“Sinasabi mo bang nagsisinungaling si Anne?” galit na tanong ni Jace.
Natigilan ako. “Y-Yes--”
“Enough! Trisha!” malakas na sigaw ni Daddy at napapitlag ako sa takot. “What is wrong with you?! Nakakahiya ka!”
Napansin kong napalitan ng pag-aalala ang mga mata ni Jace na nakatingin sa akin dahil sa pagsigaw ni Dad.
“D-Dad, please—“
“Uuwi na tayo!” sigaw ni Daddy. “Pasensya na sa kahihiyang ginawa ng anak ko,” baling niya sa mag-asawang Robles. “I’m sorry, hijo,” narinig kong hinging paumanhin din niya kay Jace. Lalong nadagdagan ang sama ng loob ko. Bakit naniniwala agad si Dad na ako ang may kasalanan?
Si Tita Anita ang sumagot. “O-Okay lang sa amin kumpadre. Huwag na muna kayong umalis, naniniwala ako kay Trish—“
“Salamat, pero kailangan kong makausap itong anak ko,” sagot ng Dad ko. “Let’s go!” galit na baling niya sa akin. Noon ko lang siya ulit nakitang magalit sa akin matapos ang mahabang panahon. Napakasakit. Ano ba ang tingin niya sa akin?
Nakatungong tumayo ako at sumunod kay Dad papalabas. Alam ko kung paano siya magalit. Maging si Jace ay alam ang pagiging strikto niya. Kasabay ko si Mommy na halatang kinakabahan din sa posible kong sapitin. Hiyang-hiya ako sa tinginan sa akin ng mga tao sa paligid habang naglalakad papalabas. Lalo ang hiya ko sa mga magulang ni Jace dahil sinira ko ang kanilang party. Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko at paghikbi. Pakiramdam ko ay wala akong kakampi. Pagtapat kina Tita Anita at Tito ay Isidro ay humingi ako ng paumanhin sa kanila. “I..I’m sorry, Tita, Tito. Sorry po talaga.”
Hinawakan ni Tita ang kamay ko at pinisil iyon. Nag-aalalang pinagmasdan niya ako habang papalayo. Pagtapat ko sa pwesto nila Jace ay iniwasan ko na silang tingnan pa. Labis ang sama ng loob ko kay Anne at maging kay Jace narin. Hindi ko akalain na magagawa ni Anne na saktan at ipahiya ako. Magmula ngayon ay wala na akong balak na makigulo pa sa kanila. Iiwasan ko na si Jace at kakalimutan ang pagmamahal ko sa kaniya.
Magmula ngayon wala na akong pakialam sayo, Jace!