CHAPTER 16

1232 Words
“Theo, hindi ko alam kung tama ba na nandito ako eh! Si Mommy and Daddy kasi eh! Feeling ko masama itong pinasok ko!” reklamo ko agad kay Theo habang kausap ko siya sa phone. “Relax, Trish! Andiyan naman pala ang parents mo. Siguro naman walang mangyayaring masama sayo diyan.” Naroon ako sa isang hotel para sa wedding anniversary ng mga magulang ni Jace kung saan invited ang family namin. Ayaw ko sana na pumunta pa pero naging mapilit ang parents ko. “Trish, let’s go?” narinig kong aya sa akin ng kuya ko. “S-Sige na Theo, tinatawag na nila ako. Ba-bye na!” paalam ko sa lalaki sa kabilang linya. “Bye, Trish. Nagda-drive din kasi ako. Ingat ka nalang diyan.” Kinakabahan ako ng pumasok na kami sa isang hall kung saan naroon ang celebration ng parents ni Jace. Pinagmasdan ko ang paligid, halatang pinaghandaan ng mga ito ang party na iyon. Napakagandang tingnan ng paligid na pulos pink roses lalo na sa pinakang-sentro kung saan naroroon ang mga magulang ni Jace. Nakita ko ang mga magulang ko na nasa isang tabi malapit sa entrance at naghihintay sakin. “Trish, honey! Kanina ka pa namin iniintay ng Dad mo! Akala ko ay hindi ka na darating!” salubong agad sa akin ng Mommy ko sabay halik sa pisngi ko. Napakagandang pagmasdan ng Mom ko sa ayos niya at ganoon din ang Daddy ko. Samantala, ako lang ang nag-make up sa sarili ko kaya higit na mas manipis iyon kumpara sa ayos ng ilang kababaihan na naroon din sa party. “S-Sorry, Mommy. Medyo busy kasi,” pagdadahilan ko nalang. “It’s okay. Let’s go at batiin na natin sila.” Naglakad kami patungo sa mga magulang ni Jace. Gusto kong manliit dahil sa ayos ng mga kababaihan sa paligid. Pawang kay gaganda ng mga suot nila, kumpara sa akin na napaka-simple lang. Hindi nakakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ng ilang bisita pagkakita sa itsura ko. Inilibot ko ang mata sa paligid, umaasa na makikita si Jace. Pero hindi ko naman alam kung paano siya kakaharapin kung sakaling magkita kami. Hindi ko na alam kung magkaaway ba kami o hindi. Ngumiti agad ang mag-asawang Robles pagkakita sa amin. “Happy Anniversary!” bati ng Mommy ko kay Tita Anita. “Thank you! We’re glad that you came!” masayang sagot ng Mommy ni Jace. Lumipat ang tingin niya sa akin at lalong lumapad ang pagkakangiti niya. “Trisha! Dalagang dalaga ka na talaga!” “H-Hello po, Tita! Happy anniversary po sa inyo ni Tito,” nahihiyang bati ko sabay halik sa pisngi niya. Hinila ako ni tita Anita. “You see hija, Jace brought someone. Someone named…Anne?! Hindi ko ba alam sa anak kong iyon, may problema yata sa mata. Higit naman na maganda ka kesa sa Anne na iyon!” tahasan na sabi nito sa amin. “Anita! Ano ka ba? Nakakahiya dito kay Trish,” saway ni Tito Isidro sa asawa. “Pasensya ka na Trish dito sa Tita mo,” baling din niya sa akin. Hindi lingid sa lahat ang pagkagusto sa akin ni Tita Anita para sa anak niyang si Jace. Hindi ko man aminin pero labis na ikinatutuwa ko iyon. Siguro ay isa din iyon sa mga dahilan kung bakit nadaragdagan ang pag-asa ko na mamahalin din ako ni Jace balang araw at kung bakit hindi ako bumibitiw. “Hmp! I don’t know, pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa Anne na iyon!” sagot parin ni Tita Anita. “Hindi naman si Jace pipili ng hindi matino. Masyado mo kasing gusto itong si Trish kaya siguro lahat nalang ng babae na nagugustuhan ni Jace ay hindi mo gusto,” natatawang sagot ni Tito Isidro. “Syempre naman! Look at Trish! Napaka-simple! Maganda, matalino at siguradong matino. Ano pa ba ang hinahanap ni Jace sa ibang babae?” Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa mga papuri ni Tita Anita. Nakita ko ang Mommy ko, kahit pa tumatawa siya sa mga sinabi ni Tita Anita ay ramdam ko ang mga mata niya na matamang nakamasid sa akin. Alam kong sinusubukan niyang basahin ang nararamdaman ko kung kaya iniwasan ko ang mga tingin niya. “Hi Mom! Dad! Happy Anniversary!” Nanigas ako sa kinatatayuan at bigla ang pag-ahon ng kaba ko sa narinig kong boses sa likuran ko. Alam kong si Jace ang dumating at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon sa gawi niya. Lalong tinambol ang dibdib ko ng makita ang babaeng katabi niya. Napakaganda ni Anne sa suot niyang gown. Her hair is styled in a messy curl. Lalo akong nakaramdam ng panliliit sa ayos niya ngayon. Nagtama ang mga mata namin ni Anne at agad ko siyang nginitian pero hindi siya gumanti ng ngiti sa akin. Nagtatakang tumingin ako kay Jace pero iniwasan din niya ang mga mata ko. “Hello, Tita Anita! Happy anniversary!” bati ni Anne sa Mommy ni Jace. Napilitan akong tumabi dahil nakaharang ako sa pagitan nila. “Oh, Jace, I’m glad you made it. Akala ko ay hindi ka darating, magtatampo na sana ako,” sagot ni Tita Anita. Hindi nito pinansin ang pagbati ni Anne. “Mom, of course, I won't miss your party!” sagot ni Jace. Hindi na ako mapakali sa sitwasyon. Ramdam ko ang mga mata ni Anne sa akin at ng sulyapan ko siya ay wala siyang kangiti-ngiti na nakatingin sa akin. Wala ang dating friendly na Anne na nauna kong nakilala. “Wow! Napakaganda naman pala nitong girlfriend mo, Jace!” bati ng Mommy ko kay Anne. “Thank you. You look stunning, too,” sagot ni Anne kay Mommy. “Magaling ka pumili Jace, ha!” segunda naman ng Daddy ko. Wala akong nagawa kundi tipid lang na ngumiti sa usapan nila kahit naiilang na ako. “Eh, kumpadre, iyan bang si Trisha mo ay kailan magbo-boyfriend?” biglang biro sa akin ni Tito Isidro. Napatingin silang lahat sa akin at parang umurong ang dila ko. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanila? Paano ako magkakaron ng boyfriend kung iyong gusto kong lalaki ay nasa harapan ko ngayon at may kasamang iba? “Hayaan mo nga si Trish kung kailan siya magkaka-boyfriend! Mabuti nga at hindi pa siya taken dahil baka ang para sa kaniya ay naliligaw pa ng landas,” sabat naman ni Tita Anita. Tumingin ako sa kaniya at bahagya siyang ngumiti sa akin. Naramdaman ko ang mga mata ni Jace sa akin pero hindi ko siya tiningnan. “E-Excuse me po, Tito, Tita. I'll just go to the lady's room,” paalam ko sa mga kaharap dahil hindi ko na makayanan ang sitwasyon. Nagmamadali akong naglakad papalayo sa kanila. Pakiramdam ko ay nagsisikip ang dibdib ko dala ng matinding tension. Nadaanan ko ang isang waiter na may labit na mga inumin at kumuha ako ng isa. Mabilis kong ininom iyon para maibsan kahit papaano ang nararamdaman kong panginginig. Hindi ako mapakali ng makapasok na ako sa ladies’ room at pilit kong kinalma ang sarili. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin, napakalayo ng itsura ko sa ayos ni Anne ngayong gabi. Malungkot na napailing ako habang nakatitig sa salamin. Nasa ganoon akong ayos ng maramdaman kong may pumasok sa ladies’ room na kinaroroonan ko at diretsong lumapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD