CHAPTER 23

1178 Words
Sumasakit ang ulo ko habang papaakyat sa unit ko dahil sa kaiisip ko sa simpleng biro ni Theo sa akin. Totoo nga kayang gusto niya ang babae na ‘yon? Sinong sikat na gamer ba iyon? Hindi ko alam na interesado pala siya sa mga laro. Bakit parang natatakot ako na baka gusto nga siya ni Theo? Dahil sa iniisip ko ay hindi ko na namalayan ang isang lalaki na nakatayo malapit sa pwesto ko.               “Trish..” Napaigtad ako sa gulat at nanlaki ang mga mata ko nang mamataan si Jace. Nakapamulsa ito at tila kanina pa niya ako pinapanuod. Halata ang lungkot sa mga mata niya habang nakamasid sa akin.               “J-Jace? A-Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko. Hindi ko ipinahalata ang epekto ng presensya niya sa akin. Bakit naman nandito siya? Wala pa akong lakas ng loob na kaharapin siya ulit. Isa pa, gulong-gulo ang isip ko kay Theo ngayon.               “Hindi na tayo nagkausap ng maayos kanina,” mahinahon na sagot niya.               “Yeah, kasi may kausap ka sa phone diba? Ano bang pag-uusapan natin?” Malamig na sagot ko.               “You know that hate it when you’re being like that, Trish.”               “Being what? Hindi ba ito ang gusto mo? Hindi na ako makikialam sa inyo ni Anne.”               “Dahil ba kay Theo kaya ka nagkakaganyan? Do you like him?” bigla ay tanong niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.               “Ano? Alam mong hindi dahil sa kaniya! Nalimutan mo na ba ang nangyari samin ni Anne? At saka bakit ba palagi mong tinatanong si Theo? Wala ka dapat pakialam kung ano man ang nararamdaman ko sa kaniya.”               “Sabihin nalang natin na kaibigan mo ako. Of course, may pakialam ako sa mga lalaking—”               “Hindi na tayo magkaibigan Jace! Pinutol mo na ‘yon last time na pinabayaan mo ako dahil kay Anne! Hinayaan mo akong ipahiya niya at malagay sa alanganin sa harap ng pamilya natin!”               Lumapit siya papalapit sa akin at napaatras naman ako. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natakot ako sa kaniya. Kailanman ay hindi niya ipinakita sa akin ang nakakatakot niyang personality. Ngayon lang.               “Can’t you give me another chance? That time, I had no choice.”               “Liar! Ang sabihin mo pinaniwalaan mo agad si Anne! Nakita ko kung gaano ka nagalit sa akin dahil sa mga sinabi ni Anne! Hindi ako ang nagsimula ng gulo pero hindi mo ako pinakinggan!”               Naihilamos ni Jace ang palad sa gwapo niyang mukha. “Alam kong may kasalanan ako Trish. Kaya nga humihingi ako ng sorry sayo ngayon. Hindi ko na napag-isipan ang ginawa at sinasabi ko noon. I felt so guilty I can’t stop thinking about you.” “Hindi na tayo pwedeng maging tulad ng dati Jace. At ang lakas ng loob mong sabihin na kaibigan mo ako! Kung kaibigan mo ako, sana kinwento mo sa akin si Anne noon pa. Pero hindi diba? Nagulat nalang ako, may Anne ka na!” Hindi ko na napigilang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Kahit pa sabihin na wala ako sa katuwiran. What can I do if I am hurt by his actions?               Nabasa ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Jace. “I am sorry Trish. Alam ko malaki ang kasalanan ko sayo at palagi kang nasasaktan dahil sa akin. Please, let me make it up to you.”               “Anong gusto mong mangyari, ha? Alam mo namang hindi kami okay ni Anne diba?” malakas na sigaw ko. Sa tagal naming magkaibigan noon lang ako nagtaas ng boses sa kaniya na ikinagulat niya. Nakakapagod na kasi magpretend na okay lang ang mga ginawa niya. Nakakapagod nang isantabi ang nararamdaman ko. Na ngumiti at sabihing okay lang kahit nasasaktan na niya ako. At sa ngayon, gulong-gulo na ako. Nagugulohan ako sa sinasabi at ipinapakita niya ngayon. Hindi ko siya maintindihan. Kung kailan nilayuan ko na siya. Kaya para akong bulkan na sumabog dahil sa naipon kong sama ng loob.               “Trish alam kong magagalit ka. But I didn’t know why I felt jealous. I hate it. Tuwing nakikita kitang tumatawa kasama si Theo. At para akong mababaliw simula noong hindi ka na nagparamdam. Pakiramdam ko, tuloyan ka ng mawawala sakin,” tila nagugulohang pahayag ni Jace. Ako naman ang nagulat. Ano bang pinagsasabi niya?               “Ano ba Jace! What is wrong with you? Iniwasan na kita dahil alam kong hindi na pwedeng tulad tayo ng dati! Dahil for eight years ni hindi mo manlang napansin na mahal kita! Ngayon sasabihin mong ayaw mo akong mawala sayo? Bakit hindi mo nalang kaya ako hayaan na mag-move on? Masama bang maging masaya? Hayaan mo naman akong kalimutan ka—”               Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong kinabig at hinagkan sa mga labi. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang paglapat ng malalambot niyang labi sa labi ko. Agad bumilis ang t***k ng puso ko at parang sasabog iyon! Naramdaman ko din ang pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko malaman kung tutugon ba ako sa mga halik niya. Ito ang matagal ko nang pinapangarap. Pero bakit ganoon? Wala ang saya na akala ko ay mararamdaman ko. Wala na ang kasiyahan na noon sa simpleng ngiti nya pa lang ay nararamdaman ko na. Dahil ba iyon sa mga agam-agam ko? Gaano ba ako nakasisigurong mahal nga niya ako? O dahil kay Theo?               “Jace,” bulong ko nang matapos ang halik na iyon. Hindi ko siya tiningnan at nanatili akong nakayuko.               “Don’t say that, Trish. I hate the idea of you liking other man.”               “Youre so unfair, Jace. Mabuti pa ay umalis ka na,” sagot ko habang nakayuko parin.               Kinulong niya sa mga kamay ang aking mukha at pilit niyang hinuli ang aking mga mata. Nabasa ko doon ang lungkot niya. “Trish, I know you are confused. Alam ko namang ang gulo ko. Ang gulo ng sitwasyon. Kahit ako ay nagugulohan sa sarili ko and I’m sorry. Alam kong hindi ko dapat sinasabi ang mga bagay na ito, but for weeks na hindi kita nakakausap, hindi ka na nawala sa isip ko.”               “Pagod na ako, Jace. Hindi ko ma-absorb lahat ng sinasabi mo. Pwede bang hayaan mo na muna akong magpahinga?”               Nagbuntong-hininga siya saka binitiwan ako pero nanatili siyang nakamasid sa akin. “Allright, I’m sorry. I’ll see you later.”               Tumango lang ako at nagpatuloy na sa aking unit.               “Goodnight, Trish.” Pahabol pa ni Jace. Sinulyapan ko siya pero hindi na ako sumagot. Dumiretso na ako pagpasok sa unit ko.               Pagkapasok na pagkapasok ko saka ako parang nanghihinang naupo sa sofa. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon. Sinulyapan ko ang cellphone at nabasa kong may chat si Theo. Agad akong napangiti pagkakita doon. Hindi ba binibiro ako ng tadhana? Nakakahiya kaya ayaw kong aminin sa sarili, pero si Theo parin ang laman ng isip ko ngayon. Parang balewala lang ang halik na pinagsaluhan namin ni Jace. Nahihibang na yata ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD