CHAPTER 25

1139 Words
“Trish! I’m glad you made it!” salubong sa akin ni Theo. Parang tumalon ang puso ko pagkakita sa kaniya. Lalong ang gwapo niyang pagmasdan. Sinalubong niya ako ng yakap at inalalayan patungo sa grupo ng mga kalalakihan at kababaihan na naroroon. Napansin ko agad si Migs na naroroon pero sinulyapan niya lang ako. Birthday ni Theo at isa ako sa mga invited niya. Gabi ang party niya at parang mga kaibigan lang niya ang naroroon. Karamihan sa mga ito ay umiinom na.               “Guys, meet Trish. Kaibigan ko. Ihahabilin ko muna siya sa inyo ha,” pakilala sa akin ni Theo sa mga kaibigan.               “Ow Theo? Kaibigan lang? Parang humihina yata tayo ngayon ah!” sigaw agad ng isang lalaki. Nagtawanan naman ang iba.               “Tumahimik ka! Baka mailang sayo itong si Trish!” Saway ni Theo sa kaibigan saka bumaling sa akin. “Don’t mind them, mapang-asar lang talaga sila.”               Tumango lang ako. “Happy birthday nga pala,” sagot ko sabay abot ng paper bag na regalo ko sa kaniya.               Matamis naman siyang ngumiti sa akin. “Thanks Trish. Maiwan muna kita dito, ha? Asikasuhin ko muna ang ibang bisita.”               “Iwan mo muna siya sa amin, kaming bahala sa kaniya. Pagbalik mo alam na niya lahat ng baho mo!” kantiyaw ng isang babae. Nagtawanan din ang iba at kinantyawan si Theo.               “Hali ka dito Trish. Upo ka dito,” tawag sa akin ng isang babae pagkaalis ni Theo. Naiilang na naupo ako sa isang bakanteng upuan na itinuro nito. “My name is Andrea. Mga kaklase kami ni Theo noong college.” “Paano kayo nagkakilala ni Theo?” tanong ng isang babae sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero parang hindi niya gusto ang presensya ko. “C-Client ko siya at ako ang kinuha niya sa project niya. Simula noon naging kaibigan ko na siya,” paliwanag ko. Nailang ako ng tumaas lang ang kilay niya at hindi na nagsalita. Itinuon niya atensyon sa cellphone. “Architect ka, right? Magpapagawa kami ng bahay, sayo ako magpapa-design. Since nagtitiwala naman pala sayo si Theo, I am sure na magaling ka” masayang baling naman sa akin ni Andrea. Mabuti na lang at mukhang friendly siya sa akin hindi katulad noong isang babae na parang ayaw yata sa akin. “Bakit sa kaniya pa Andrea? Pauwi na naman si Jen, I’m sure mas madami siyang ideas,” sagot naman ng babae. Natigilan ako sa narinig. Pauwi si Jen? Para akong kinabahan. Alam ko na may nararamdaman pa sa kaniya si Theo kahit hindi man ito aminin. Paano kung magkabalikan na sila? “Talaga? Pauwi si Jen? I didn’t know,” sagot ni Andrea. “Kasi nga gusto niyang i-surprise si Theo. Siguradong matutuwa si Theo, alam mo naman head over heels ‘yon kay Jen,” sagot ng babae habang nakamasid sa akin. “Samantha! Respeto naman, oh! Andito si Trish kung ano-anong sinasabi mo!” saway ng isang lalaki sa babae na Samantha pala ang pangalan. “I’m just giving her a heads up! Paparating si Jen at totoo naman na inlove si Theo sa kaniya ah. Tayong lahat ang nakakaalam noon kaya pwede ba!” “Sam! Matagal na iyong kay Theo at Jen. Pwede ba tumahimik ka nalang?” saway din ni Andrea. “O-Okay lang. M-Magkaibigan lang naman talaga kami ni Theo eh,” sagot ko. Hindi ko maiwasang mahiya sa usapan nila. Napansin ko si Migs na nakamasid sa akin pero hindi siya sumabat sa usapan. “Excuse me,” paalam ko sa kanila. Nabasa ko ang pag-aalala sa mga mata ni Andrea at lalo akong naawa sa sarili. Tumayo na ako at ang plano ko ay pumunta sa comfort room para doon magpalipas ng sama ng loob, pero hindi pa ako nakakalayo sa pwesto ay agad akong sinalubong ni Theo. “Trish! Saan ka na pupunta?” masayang salubong niya akin. Pero unti-unting nawala ang ngiti niya ng mapagmasdan ako. “Hey? May nangyari ba?” nagtataka niyang tanong at bumaling ang mga mata sa mga kasamahan namin. “W-Wala. Kailangan ko lang mag-CR,” tanggi ko at pilit ngumiti. Ayaw ko naman sirain ang birthday niya. Nakita ko si Samantha na nakasimangot habang nakamasid sa amin. “Happy birthday Theo!” Sabay kaming napatingin sa babae na dumating. Nakita ko si Anne na nakangiti sa amin pero alam kong pakitang-tao lang ang pagkakangiti niya. “Anne? What are you—” “Minsan ka lang mag-birthday nang nandito ako sa Pinas, hindi mo pa ako in-invite. Kaya nagkusa nalang akong pumunta,” putol ni Anne sa sinasabi ni Theo. Tahimik lang ako habang nakamasid kay Anne. Si Theo naman ay napahilot sa sintido. Unti-unting humakbang si Anne palapit sa amin. “Sinasabi ko na nga ba at nandito ka. Kung nasaan si Theo, andoon ka rin,” mataray na baling sa akin ni Anne. Sinulyapan ko siya at sinalubong ako ng nagbabaga niyang mga mata. Naramdaman yata ng mga kaibigan ni Theo ang tension sa paligid dahil natahimik sila bigla. “Anne, please. Huwag dito,” saway ni Theo sa pinsan at hinawakan ito pero hindi nagpatinag si Anne. “No! Theo hindi ko siya gusto para sayo! Si Jace ang mahal nya! Hindi mo ba nakikita na ginagamit ka lang niya? Alam mo naman kung paano niya sinira ang relasyon naming ni Jace diba?” Napasinghap ang mga kaibigan ni Theo at ako naman ay lalong napatungo. Nangilid ang luha ko sa pagkapahiya. Naramdaman ko ang paghawak ni Theo sa mga kamay ko pero inalis ko iyon. “Anne, please leave,” baling ni Theo sa pinsan at halata na ang galid sa boses niya. “I am just warning you, Theo. Magaling manira ang babae na ‘yan—” “Happy birthday Theo!” isang boses ng babae na naman ang narinig kong lumapit sa amin. Maging si Anne ay natigil sa pagsasalita. Nag-angat ako ng tingin at natuon ang mga mata ko sa magandang babae na papalapit sa gawi namin. Maganda ang pagkakaayos ng kaniyang buhok, naka-dress siya at may bit-bit na regalo. Nakangiting bumaling siya kay Theo. Nanlaki ang mga mata ko ng abutin niya ng halik sa mga labi ang binata. Para akong sinaksak sa puso sa eksena sa harapan ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Napatitig ako kay Theo na parang nagulat din sa padating ni Jen. Si Anne naman ay nakangisi sa nakikitang reaction ko. “Jen! Finally nakarating ka din!” masayang sigaw ni Samantha. Tumayo ito at sumalubong sa babae na dumating. Pagkatapos ay binalingan nito si Theo. “So? Nagustuhan mo ba ang surprise namin?” Andito na si Jen, ang babaeng nagmamay-ari ng puso ni Theo. Bakit naman ganito ang tadhana? Parang paulit-ulit lang akong sinasaktan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD