Nang malapit na'ko sa bahay namin ay dahan-dahan lang ako sa paglalakad dahil magkatapat lang ang bahay namin at ang bahay nila Aling Tessa. Hindi ko naman nakita ang mga kapatid ko na naglalaro sa labas kaya baka nasa loob sila ng bahay ni Aling Tessa kaya nagmadali akong pumunta sa harap ng bahay at inunlock ang pinto. Nilo-lock ko kasi talaga 'tong bahay kapag papasok na'ko ng school para rin madali lang sila na mabantayan ni Aling Tessa sa bahay niya dahil kung hindi ko ito iuunlock ay baka pumunta-punta rito ang mga kapatid ko at baka magpapasok pa ng kung sino. Mahihirapan din si Aling Tessa na bantayan sila kung gano'n kaya nilo-lock ko ito pagkaalis ko. Habang nag-uunlock ako ay talagang nakatingin ako sa bahay nila Aling Tessa kasi baka mamaya ay lumabas ang mga kapatid ko at b

