"Stop!" sigaw ng kung sino man sa likod ko at bigla niya akong hinila kaya natumba kaming dalawa ngayon dito sa rooftop. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga. "What the hell are you doing?! Are you crazy?!" galit na sabi ng babaeng nagligtas sa'kin. Nagulat siya nang makita ang nagdurugo kong braso at natigilan din siya. Tumingin din siya sa kabilang braso ko at nagulat din. Siguro ay visibile na rin ang mga pasa sa katawan ko na dulot ng pambubugbog sa'kin kanina at nakikita na niya ang mga ito kaya siya nagulat. "W-what happened to you? W-who did this to you?" tanong ng babae at sinubukang hawakan ang balikat ko ngunit hindi ko siya pinansin at umiwas lang sa kaniya at wala sa sarili akong naglakad papuntang exit nitong rooftop at bumaba na habang umiiyak. Hindi na'ko nasundan ng b

