"Seat," utos sa'kin ng Dean. Nag-aalinlangan pa'kong umupo dahil ang tatalim ng tingin sa'kin ng mga magulang nila Kia at Jericho. Bakit ba sila nandito? Bakit pa sila kailangang ma-involve rito?! We're already on college, we can fix things by ourselves. Siguro ganito lang talaga ang mayayaman. Or baka itanggi ko man, pero ang totoo ay inggit lang talaga ako dahil sila ay may mga magulang at ako ay wala na. "Ms. Montelidad, I think you have an idea why they're here, This is Kia's parents." Tinuro ng Dean ang mga magulang ni Kia at masama ang tingin sa'kin ng Mom niya at tila ba'y pinandidirian ako habang galit at ang Dad niya naman ay hindi sa mukha ko nakatingin, nakatingin ito sa dibdib ko kaya kaagad kong tinakpan ng braso ko ang dibdib ko para matigil ito sa pagtingin. "And here in

