Nagulat siya nang makita na nakaupo sa lupa 'yung mga babaeng pinabagsak ko. Pero mas nagulat siya nang makita niya ako. "Bakit mo kinalat yung video?" tanong ko kay Kia. "W-what are you talking about?" nagmamaang-maangan na sabi niya. "Hey b***h! Huwag mong sisihin si Kia sa pagkalat ng video mo! Nilandi mo na nga si Jericho na siyang fiancé ni Kia tapos sisisihin mo pa siya sa pagkalat ng kalandian mo!" sabi ng isang kaibigan niya. Humarap naman ako sa kaniya. "I'm not talking to you, you w***e," sabi ko sa kaniya at tiningnan siya ng masama. Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa'kin at akmang susugurin na'ko ngunit pinigilan siya ni Kia. "Stop it," pagpigil ni Kia sa kaibigan niya. Tiningnan lang ako ng masama ng kaibigan niya at hindi na'ko sinugod pa. "Hindi ako ang nagpak

