Pagkalabas ko sa kwarto nitong VIP room ay hindi ko na makita yung customer ko at yung iba pang mga bodyguard. Tatlong mga bodyguard na lang ang natira rito. Kasama na rito si Dwayne. Lumapit sa'kin si Dwayne bitbit ang hoodie na hinubad ko kanina at binigay niya ito sa'kin kaya kaagad akong napangiti at nagpasalamat sa kaniya. Kaagad kong sinuot itong hoodie at tumakbo papuntang dressing room para magbihis. Sinuot ko lang ang pants ko na iniwan ko rito sa dressing room at tiningnan ko lang sa salamin kung maayos ba ang hitsura ko at nang makitang okay naman na ang hitsura ko ay napagpasyahang ko nang lumabas ngunit nang akmang lalabas na'ko ay biglang bumukas ang pinto at ang niluwa nito ay si Dwayne at sa likod niya ay ang dalawa pang bodyguard. Napaatras ako dahil sa takot. Hindi kay

