Halos limang oras na'kong nakaluhod dito sa parking lot kung saan ako iniwan ni Kia. Sobrang nangangawit na'ko at ang sakit na rin ng mga tuhod ko. Wala naman akong choice kundi sundin si Kia dahil ito lang ang tanging paraan para kausapin niya ang Dean at para makapasok ulit ako bukas dito sa University para hindi ako bumagsak at para maka-graduate kaagad ako. Lahat nang pagpapahirap niya ay titiisin ko para lang sa mga kapatid ko. Nakatapat sa'kin ang cctv kaya hindi ko magawang mandaya. Baka kasi mamaya ay may pinabantay na tao si Kia sa cctv diba tapos kapag nakita ng taong iyon na nandaya ako ay baka magalit pa sa'kin si Kia at hindi pa kausapin ang Dean. Ngawit na ngawit na ang buong katawan ko habang ang tuhod ko ay parang unti-unti nang lumulubog sa lupa. Wala akong magawa kun

