"W-what are you doing here?" nauutal na tanong niya. Mukhang natakot siya dahil sa seryosong hitsura ko. Napapaatras din siya dahil sa takot. Mag-isa lang kasi siya ngayon kaya hindi siya matapang and alam niya ang kaya kong gawin sa kaniya kaya naman ay natakot siguro siya. "P-paano ka nakapasok dito?" tanong niya pa. "Iyan talaga ang inintindi mo? Kung paano ako napasok dito?" tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya para magmukhang matapang. "I have an idea. Kaya ka nakapasok dito dahil nilandi mo yung Guard 'no? Dahil sa pagiging malandi ka lang naman magaling," sabi niya at tumayo nang tuwid para magmukhang matapang. "Hindi ko nilandi ang Guard para lang makapasok dito. And I don't even have to do that. Hindi ako ang nanglalandi sa mga lalaki. Sila mismo ang lumalapit sa'kin katulad

