“May dalawa kang bisita.”
Natawa si Zaver sa sinabi ni Aiden. “Sino? Sina Wyatt at Dylan?”
Napailing na lang siya dahil kahit sabihin pa nito na may bisita siya ay alam naman niyang sina Wyatt at Dylan lang naman ito. Nandito na naman ang mga kaibigan niya para kulitin na naman siya. Alam niyang nag-aalala ang mga ito sa kanya pero wala talaga siyang gana na gumala at mag-club.
“Hindi sila. Iba.” Malaki ang ngiti nito sa labi dahilan para mas magtaka siya. “Sigurado akong matutuwa ka sa mga bisita mo.”
Bumukas ulit ang pinto saka pumasok sina Wyatt at Dylan. Malalaki ang mga ngiti nito sa kanya. Napailing na lang siya. Sinasabi na nga ba niya, eh. Napakunot ang noo niya nang may dalawang bata na pumasok.
Napatayo siya mula sa kinauupuan niya nang makita niya ng mabuti ang mukha ng dalawang bata. Napatingin siya sa batang lalaki na kamukhang-kamukha niya. Pakiramdam niya ay nakikita niya ang batang siya. Napatingin naman siya sa batang babae na kamukha ni Sky. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan dahil sa gulat na nararamdaman.
“Daddy!” Mabilis na tumakbo papunta sa kanya ang batang babae saka niyakap ang binti niya.
Pumantay siya dito saka hinawakan ang mukha nito. Napangiti siya nang makitang kamukhang-kamukha talaga ito ni Sky. Hindi siya pwedeng magkamali dahil nakatatak na sa isip niya ang mukha nito. Lumapit naman sa kanya ang batang lalaki na kamukha niya.
Hindi niya napigilan ang mapaluha dahil sa tuwa nang makita niya ang dalawa. Ito na ba ang mga anak niya kay Sky? Hindi niya aakalain na kambal pala ang dinadala ni Sky.
Niyakap niya ang dalawa. “I’ve missed you, Babies. I’ve missed you so much.”
Niyakap naman siya pabalik ng mga ito. “We missed you so much, too, Daddy!”
Wala na siyang iba pang nararamdaman ngayon kung hindi ang saya. Saya dahil sa wakas ay nakita na din niya ang dalawa niyang anak na matagal na niyang inaasam. Natapos na din ang limang taon na paghahanap niya sa mag-ina niya.
NAKAUPO sila sa sala habang kumakain. Umalis na din ang mga kaibigan niya dahil gusto nitong bigyan sila ng oras kasama ang mga anak niya. Pagkatapos nang yakapan nila kanina ay nagpa-order siya ng mga pagkain na gusto ng mga ito.
“This is so yummy!” magiliw na sabi ni Savrina habang kumakain ng ice cream.
Naalala niya tuloy nang panahon na sabay silang kumain ng ice cream ni Sky sa labas ng convenience store. Pinunasan niya ang gilid ng labi ng dalawang bata ng may kumalat na ice cream.
“Thank you, Daddy.” Napangiti siya.
Ganito pala ang pakiramdam na tawagin siya ng daddy ng anak niya. Ang tagal din niyang hinintay na matawag siya ng gano’n. Akala nga niya ay hindi na dadating ang araw na ito.
“Nasaan pala ang mommy niyo?” tanong niya ng maalala niya si Sky.
“Mommy went to the orphanage,” sagot ni Zack.
“Alam ba niya na pinuntahan niyo ako?” Nagkatinginan ang dalawa saka sabay na umiling. Napabuntong-hininga na lang siya. “Bilisan niyo ang pagkain diyan at ihahatid ko kayo. Baka kapag nalaman ng mommy niyo na umalis kayo ay mag-alala ‘yon.”
“Will we see you again, Daddy?” Natigilan siya sa naging tanong ni Savrina pero agad din na ngumiti.
Mahina niyang pinisil ang malambot nitong mukha. “Of course, Baby. Ngayon na nandito na kayo ay pinapangako ko sa inyo na hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa.” Niyakap niya ang dalawa.
Ngayon na nandito na ang mag-ina niya ay gagawin niya ang lahat para hindi na sila magkakahiwalay pa. Gagawin niya ang lahat this time para mapaibig si Sky para hindi na siya muli nitong iwan. Ipagpapatuloy niya ang naudlot na panahon.
INIHINTO ni Zaver ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Pinapasok naman agad sila ng guard nang makita nitong sakay niya ang mga bata. Tinulungan niyang makababa ang dalawa mula sa sasakyan.
Ihahatid niya sana ito sa bahay ampunan kung nasaan ang mommy ng mga ito pero hindi na sila pumayag at dito na nga sa bahay na ito nagpahatid.
“Grandma, Grandpa, we’re back!” anunsyo ng dalawa nang makapasok na sila.
Sinalubong naman ito ng isang babae at lalaki ang dalawa. Sa nakikita niya ay magkasing-edad lang ang mga ito sa mga magulang niya. Siguro ay ito ang mga magulang ni Sky, kung gano’n ay ito ang unang beses na makikilala niya ang mga ito.
“Where have you’ve been?” may pag-aalalang tanong ng ginang.
“Pumunta kami kay daddy and we have brought him here!” Sabay silang napatingin sa kanya nang ituro siya ng mga bata.
Nakangiti siyang lumapit sa kanila at magpapakilala na sana siya sa kanila pero nagulat siya ng makilala ang ginang. Kagaya niya ay nagulat din ito.
“Tita Blaire?” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Zaver?” Parehas silang hindi makapaniwalang nakatingin sa isa’t-isa.
“You know him?” tanong ng ginoo.
“Siya ‘yong kinukwento ko sa ‘yo na anak ni Nova.” Itinuro siya nito habang kausap ang asawa.
“Oh, I see. Hello, Hijo. Ako nga pala si Sam De Guzman, Lher’s father.” Nakangiti niyang tinanggap ang kamay nito.
“HANGGANG ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na ikaw ang ama nila,” sabi ni Blaire habang nakatingin kina Savrina at Zack na naglalaro. Dinala si Zaver ng ginang sa garden nito para makapagmeryenda. “Wala naman kasing sinabi sa amin si Sky kung sino ang ama ng mga bata.”
“Kahit ako, Tita, hindi makapaniwala na ikaw pala ang mommy ni Sky. Kung alam ko lang na kayo pala ay tinanong ko na si mommy kung saan kayo nakatira. Hindi na din ako magtataka kung bakit hindi sinabi sa inyo ni Sky. Nang huli kaming mag-usap ay sinabi niya lang sa akin na anak lang ang gusto niya. Ayaw niyang magpakasal. Kaya nang umalis siya ay lahat ng koneksyon ko sa kanya ay pinutol niya.”
Napabuntong-hininga ang ginang. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Hijo. Simula pa talaga noon ay ayaw na niyang magpakasal. Gusto lang naman namin siyang makitang magkaroon ng sariling pamilya, magkaapo sa kanya lalo na ngayon at hindi na kami bumabata pa.
“Nagulat na lang kami nang sabihin niyang buntis siya. Tinanong namin siya kung sino ang ama pero sinabi niya sa amin na hindi na ‘yon importante, basta daw ang mahalaga ay maibibigay na niya sa amin ang ninanais namin, ‘yon ay ang apo mula sa kanya,” dagdag pa nito.
Napatingin siya sa ginang nang tumayo ito. Tiningnan siya nito saka ngumiti.
“Mabuti pa’t mag-usap muna kayo ni Sky.” Napatingin siya sa may gilid at doon niya nakita ang dalagang matagal na niyang hinahanap at hinihintay na bumalik sa buhay niya. “Zack, Savrina, sa loob muna tayo. Mag-uusap lang sina mommy at daddy niyo.”
Lumapit naman dito ang dalawang bata saka pumasok sa loob ng bahay. Naiwan siya at si Sky sa garden. Tulala pa din siya habang papalapit ito sa kanya. Nakangiti ito. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya hanggang sa huminto ito sa harap niya.
“How are you, Mr. Zaver Balley?”
Hindi niya maiwasan na matawa. “Akala ko tuluyan mo nang nakalimutan ang pangalan ko dahil ilang taon din tayong hindi nagkita.”
Ito naman ang natawa. “Mukhang hindi ko na kailanman makakalimutan ang pangalan mo lalo na’t may anak tayong kamukha mo. Isa pa, makakalimutan ko ba ang pangalan ng lalaking nagbigay sa akin ng semelya?”
Sabay silang natawa sa sinabi nito. “Hanggang ngayon ay hindi ka pa din nagbabago. You’re still straight forward.”
“BAKIT umalis ka kinabukasan nang sinabi mo sa akin na buntis ka?” unang tanong ni Zaver kay Sky nang makaupo na sila.
Natulala siya nang ngumiti ito sa kanya. Hanggang ngayon ay maganda pa din ito, hindi pa din kumukupas ang ganda nito, parang walang pinagbago. Kung titingnan niya ito ngayon ay para itong walang anak.
“Sinabi mo kasi na hindi mo ako pananagutan. Kaya naisip ko na baka magkaproblema ka kapag nakikita mo kami kaya umalis na lang ako para hindi ko magulo ang buhay mo.”
“Wala naman akong sinabi na problema o makakagulo kayo sa akin, ah,” agad niyang depensa. “Sa katunayan ay pananagutan nga sana kita kaso nga umalis ka.”
Nagulat ito sa sinabi niya. “Sinabi ko naman sa ‘yo na hindi ko kailangan na panagutan mo ako. All I want from you is your—”
“My semen,” siya na ang nagtapos sa sinasabi nito. “Iyan naman palagi ang sinasabi mo sa akin, eh.”
“Because that was the truth.”
“Tsk! Napakaprangka mo pa din talaga hanggang ngayon.”
“At mabilis ka pa din mapikon hanggang ngayon,” natatawa nitong sabi.
Napangiti siya habang nakatingin dito. Nami-miss niya ang pagngiti at pagtawa nito. “Alam mo bang miss na miss kita?”
Ngumiti din ito sa kanya. “Na-miss din naman kita. Lalo na ‘yong pagkapikon mo.”
“Mahal kita.” Biglang nawala ang ngiti nito dahilan para masaktan siya pero hindi niya ‘yon pinakita sa dalaga. “Gusto kitang panagutan, Sky. Gusto kitang pakasalan. Gusto kong mabuo ang pamilya natin.”
Biglang sumeryoso ang mukha nito. “Wala akong tutol kung gusto mong makita ang mga bata, Zaver, total anak mo din naman sila.” Bumuntong-hininga ito. “Ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na wala akong balak magpakasal. I have warn you many times na huwag na huwag kang mahuhulog sa akin dahil wala akong balak na saluhin ka.”
“Why? Do you really hate me that much? It’s because I’m a womanizer? Nagbago na ako, Sky. Matagal na akong nagbago dahil sa ‘yo. Simula nang sinabi mong buntis ka at ako ang ama. Simula nang iwan mo ako, simula nang minahal kita ay nagbago na ako. This past few years, hindi ako naghanap ng ibang babae. Hinintay kita, hinintay ko kayo ng mga anak natin.”
“I’m not saying that I hate you, Zaver. The truth is, I like you.” Biglang bumilis ang t***k ng puso niya sa sinabi nito. “But I can’t see myself being a married woman. I just felt like that marriage is not really for me. I’m sorry, Zaver. I don’t wanna hurt you that’s why I’ve warn you many times before.”
Hindi siya nakasagot sa mga sinabi nito. Natawa na lang siya. Nalalabuan na siya sa babaeng ito. Sinabi nitong gusto siya nito pero hindi sapat para pumayag itong pakasalan siya.
Tumingin siya sa dalaga na nakatingin sa malayo. Alam niyang nahihirapan din ito. Pwes! Kung hindi nito nakikita ang sarili bilang may asawa, ipapakita niya dito ang buhay na kasama siya at ang mga anak niya. Ipapakita niya na mas sasaya ito kapag kasama siya nito.
“Gusto ko sana ipakilala ang mga bata kay mommy at daddy. Ilang taon din nilang inasam ang mga apo nila,” pag-iiba niya ng usapan.
“Wala namang problema. Kailan mo ba sila ipapakilala?”
“Bukas sana.” Ngumiti saka tumango ito bilang pagsang-ayon. “Kasama ka.”
Kumunot ang noo nito. “Bakit naman kasama ako?”
“Syempre para ipakilala ka din. Ikaw ang ina ng mga anak ko kaya dapat lang na ipakilala din kita sa kanila.”
“Maybe next time. May lakad kasi ako bukas.”
Napanguso siya. “Mas importante ba ‘yong lakad mo bukas kaysa sa akin—I mean, kaysa makilala ang parents ko?”
Pinisil nito ang pisngi niya. “Next time. Huwag ng makulit.”
Ngumiti na lang siya at hindi na namilit pa. Baka kasi makulitan pa ito sa kanya. Eh, di minus points siya kapag nagkataon.
“Bakit ngayon ka lang pala umuwi dito sa Pilipinas? Ang tagal ko kayong hinintay.”
“Hindi ko naman alam na hinihintay mo pala kami.” Ngumisi ito dahilan para samaan niya ito nang tingin. “Actually, wala naman talaga akong balak na bumalik dito, pero nang lumalaki na ang mga bata ay nagtatanong na sila tungkol sa ‘yo. Gusto ka nilang makita, makilala, at makasama kaya wala akong choice kung hindi ang umuwi.
“Dapat nga ay makikipagkita, at makikipag-usap muna ako sa ‘yo bago ko sila ipakilala, pero mukhang excited na excited sila at sila na mismo ang pumunta sa ‘yo,” dagdag pa nito.
Napangiwi siya. “Tsk! Kung hindi pa pala nagpumilit ang mga bata ay wala ka talagang balak na makita ako.”
Nagkibit-balikat ito. “Parang gano’n na nga.”
Sinamaan niya ito nang tingin. “You’re such a heartless woman!”
“Hindi naman. Naisip ko lang kasi na baka may nakilala kang ibang babae habang wala ako, nag-asawa kayo, na baka may sarili ka ng pamilya. Ayaw ko lang makagulo pa ulit sa buhay mo.”
“Ako na mismo nagsasabi sa ‘yo, Sky. Walang gano’n na nangyari.”
Ngumiti ito sa kanya. Nagkwentohan pa sila tungkol sa nangyari sa mga buhay nila sa loob ng ilang taon na hindi sila nagkita. Mas marami pa itong ikweninto sa kanya tungkol sa mga anak nila.
“IS THIS your house, Daddy?” manghang tanong ni Savrina habang nakatingin sa labas ng kotse.
“Yes, Baby. Any minute now, you’ll meet your grandma and grandpa.”
“Yehey! We have another grandparents!” Napangiti siya sa kabibohan ng anak niya.
Hindi alam ng mga magulang ni Zaver na dadalhin niya ang mga bata. Wala itong kaalam-alam na umuwi na pala ang mag-iina niya. Gusto niya surprisahin ang mga ito dahil alam niya kung gaano ito kasabik sa mga apo nila.
Inalalayan niya ang dalawang bata sa pagbaba sa kotse. Nang makapasok sila sa bahay ay nakita niya ang mga magulang sa sala habang kumakain ng meryenda.
“Grandma, Grandpa!” sigaw ng dalawa saka sabay na tumakbo papunta sa mga magulang niya.
Tulalang napatingin ang mag-asawa sa mga bata na nakayakap sa dalawa. Napatingin ito sa kanya nang may nagtatanong na tingin.
“Si Zack at Savrina, Mom, Dad.” Lumapit siya sa mga ito. “My children.”
Napaluha ang mommy niya. Alam niyang dahil ito sa tuwa. “Why are you crying, Grandma? Aren’t you happy to see us?” malungkot na tanong ni Savrina.
Mabilis na pinunasan ng ginang ang luha sa pisngi saka ngumiti sa bata. Sinapo nito ang mukha nito. “Of course, I’m happy, Sweety. I… I just can’t believe that you both are here.” Niyakap nito ang dalawa. “My gosh, Zaver! You have twins.” Hinawakan naman nito ang mukha ni Zack. “You look exactly like your dad when he was a little boy like you.” Ang mukha naman ni Savrina ang hinawakan nito. “You’re so beautiful, My Dear.”
Hindi maitago ang saya sa mukha ng mag-asawa habang yakap-yakap ang mga apo nito. Ngayon niya lang naramdaman na ganito pala kasarap na maibigay niya sa mga magulang ang matagal na nitong hinihiling sa kanya.
NASA garden sina Zaver, kasama ang mga anak, at magulang niya. Kasalukuyang naglalaro ang mga anak niya kasama ang daddy niya. Hinahabol ito ng ama niya at tumatawa naman na tumatakbo ang dalawa. Nakangiting nakatingin naman silang dalawa ng mommy niya sa kanila.
“I still can’t believe what I’m seeing right now,” usal nito.
“Me too, Mom.” Abot hanggang tenga ang ngiti niya ngayon. Nakasakay na sa likod ng daddy niya ang dalawang bata.
“You look happy.”
Napatingin siya sa ina. Hindi niya namalayan na nakatingin na pala ito sa kanya. “I am, Mom. Super.”
“Nasaan nga pala ang mommy nila? Bakit hindi mo siya kasama?”
“Next time na lang daw, Mom. May lakad kasi siya ngayon.”
“I see.” Tumango ito. “So, kailan niyo planong magpakasal?”
Napangiti siya ng mapait. “Hanggang ngayon ay wala pa din siya balak na magpakasal.”
“Why?” nagtataka nitong tanong.
“She said, she didn’t see herself as a married woman.”
“Kung gano’n ay kakausapin ko si Blaire para kausapin niya si Sky na magpakasal sa ‘yo.” Alam na nitong anak ni Blaire ang nabuntis niya dahil ikweninto niya ito kanina.
“No, Mom,” agad niyang pigil dito. “Ang gusto ko kapag pinakasalan ako ni Sky ay dahil mahal niya ako at hindi dahil sa pinilit lang siya. I want her to marry me willingly with her heart.”
“Ano nang balak mo ngayon?”
Ngumiti siya dito. “I’ll make her fall in love with me.”