Chapter 11

3088 Words
Nakaupo si Zaver kasama ang mga kaibigan niya sa isang round table habang nakatingin sa bagong kasal. Masaya siya para sa kaibigan niyang si Ice na ikinasal na sa lalaking mahal nito. Ang vocalist ng JFY band na si Cray Sandoval. Sino ang mag-aakalang ito pa ang mauunang ikasal sa kanilang magkakaibigan. Ang nag-iisang babae sa grupo nila na walang planong magpakasal noon, pero ngayon ay hindi na mawala sa labi ang ngiti nito. Kahit masaya siya para sa kaibigan ay hindi niya pa din maiwasan na malungkot kapag naiisip si Sky at ang anak nila. Kung hindi lang siguro umalis ang dalaga ay baka siya ang naunang ikasal sa kanila magkakaibigan. Masaya na sana siyang kasama ang pamilya nila ni Sky. Kumusta na kaya ito? Kumusta na kaya ang anak nila? Kinuha niya ang wallet niya sa bulsa saka binuksan ito. Bumungad sa kanya ang picture ng ultrasound ng anak nila. Nilagay niya ito sa wallet niya para kapag nami-miss niya ang mag-ina niya ay titingin lang siya sa picture. “May balita ka na ba sa kanila, Dude?” tanong ni Ice na hindi niya namalayang nakaupo na pala sa tabi niya. Kanina pa natapos ang kasalan at nandito sila sa tambayan nila ngayon para mag-inuman, para i-celebrate ang kaligayahan ng kaibigan nila. Nauna na ang asawa nitong umuwi. Gusto kasi nito na makasama muna sila bago ito umalis papunta sa ibang bansa para sa honeymoon ng mag-asawa. Ngumiti siya sa kanila pero hindi niya naitago ang lungkot. “Wala pa din, eh.” “Ang tagal na, ah. It’s been five years.” “Eh, papaano naman niya mahahanap si Sky kung pangalan lang ng babae ang alam niya. Ni apelyedo ay hindi niya alam kaya mahihirapan talaga ang imbestigador niyan.” Hindi niya maiwasan na matawa ng mapait sa sinabi ni Wyatt dahil tama ito. Nang ipahanap niya si Sky ay doon niya lang nalaman na pangalan lang pala nito ang alam niya. Wala din siyang makuhang impormasyon sa bahay ampunan dahil hindi ito nagsasalita patungkol sa impormasyon kay Sky. Mahigpit kasi sila nitong pinagbawalan. Pakiramdam niya ay bago umalis si Sky ay sinabihan nito ang mga tao sa bahay ampunan na huwag magsabi ng kahit anong tungkol dito. Pakiramdam niya ay ayaw talaga nito magpahanap sa kanya. “Wala ka din bang balita sa bahay ampunan?” Umiling din siya. “Wala din, eh. Kahit sinong pagtanungan ko ay palagi nilang sinasagot ay wala silang alam. Mukhang pinagsabihan sila ni Sky bago siya umalis.” Inisang lagok niya ang alak na nasa baso niya. “Mukhang wala talagang plano ang tadhana na pagtagpuin kami. Mukhang hindi talaga siya ang babae na para sa akin.” Natawa na lang siya ng mapait. “Gusto ko man tanggapin pero mahirap.” Unti-unti na din siyang nawawalan ng pag-asa dahil sa limang taon na paghahanap niya sa mag-ina niya ay hanggang ngayon ay wala pa ding balita tungkol dito. Halos halughugin na niya ang ibang bansa para lang mahanap ito pero wala pa din. Dahil sa kaunti lang ang alam niya tungkol dito kaya ni katiting na impormasyon ay wala siyang makuha tungkol dito. “Mahirap talaga hanapin ang taong ayaw naman magpahanap,” sabi ni Aiden dahilan para muli siyang mapainom. NAGISING kinabukasan si Zaver na kumikirot ang ulo. Uminom kasi sila kagabi hanggang sa hindi na nila kaya. Naunang magpaalam at umuwi si Ice sa kanila dahil maaga pa ang alis nito kinabukasan. Naupo siya sa kama saka isinandal ang ulo sa headboard. Napahawak siya sa ulo ng maramdaman na naman ang pagkirot nito. Napatingin siya sa may pinto nang may kumatok doon at hindi nagtagal ay bumukas ito at saka pumasok ang kanyang ina. “Good morning, son,” nakangiting bati nito sa kanya. “Hmm, morning, Mom.” “Maligo ka na para sabay na tayong kumain ng daddy mo.” Tumango naman siya bilang pagsagot dito kaya lumabas na ito ng kwarto niya. Nang tuluyan na itong lumabas ay bumangon na siya saka naligo. Nang matapos ay nagbihis na din siya saka bumaba. Habang pababa sa hagdan ay humihikab pa siya dahil medyo inaantok pa siya. “Good morning, Dad,” bati niya sa ama saka naupo na. “Good morning, son,” sagot nito habang nagbabasa ng dyaryo. Magtatanong na sana siya kung saan ang ina niya nang makita niya itong lumabas galing kusina. May dala itong tray na may lamang dalawang tasa ng kape. “For my baby.” Natawa na lang siya sa sinabi ng ina. Inilapag nito ang isang tasa ng kape sa harap niya. “And for my sweetheart.” Inilapag naman nito ang isa sa harap ng daddy niya. “Thank you, sweetheart.” Napailing na lang siya sa ka-sweet-an ng mga magulang niya. Naiinggit tuloy siya. “Okay, let’s all eat.” Sabay-sabay na silang kumain. Nasa kalagitnaan sila nang pagkain nang magsalita ang ina niya. “Son?” Napatingin naman siya dito. “Pwede ka bang magkipag-date sa anak ng kaibigan ko?” Napatitig siya dito. “Alam kong may anak ka na sa kanya, kay Sky, pero sa tingin ko kasi ay wala na siyang balak na magpakita pa sa ‘yo kasi limang taon na din ang nakakaraan ay wala ka pa ring balita sa kanya.” Napayuko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Masakit sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita ang dalaga. “Ayoko lang na umasa ka na lang habang buhay, anak. Gusto ko din na maging masaya ka at hindi makulong sa nakaraan. Bakit hindi mo subukan makipag-date o maghanap ng ibang babae? Malay mo naman makahanap ka ng ibang babae na makakapagpasaya ulit sa ‘yo.” Napabuntong-hininga na lang siya. Alam niyang nag-aalala ang mga magulang niya sa kanya, lalo na ang ina niya. Simula nang umalis si Sky ay hindi na siya ulit pa nambabae. Ewan ba niya, mukhang nawalan na siya ng gana. Hindi na din siya sumasama sa mga kaibigan niya kapag inaaya siya nitong mag-club. Mas lalo niya lang naaalala ang dalaga kapag gano’n dahil sa club sila nagkakilala. “Okay, Mom.” Napangiti ito sa naging sagot niya. “Talaga, anak?” Tanging ngiti at tango lang ang sinagot niya dito. “Salamat, Zaver.” Tumayo na siya saka hinalikan ito sa ulo. “Aalis na ako, Mom, Dad.” “Sige, anak. Mag-iingat ka. Ite-text ko na lang sa ‘yo kung anong oras at kung saan kayo magkikita mamaya.” “Okay, Mom.” Tuluyan na siyang nagpaalam dito. SUMAKAY na siya sa kotse niya saka pumunta ng opisina niya. Ginawa niya ang lahat para maging busy ang sarili niya. Dumaan ang oras at kung hindi pa tumawag ang mommy niya ay hindi niya mamamalayan ang oras. Napatingin na lang siya sa labas ng opisina niya at doon nalaman na gabi na pala. Dumiretso na siya sa restaurant na sinabi sa kanya ng ina kung saan sila magkikita ng iba-blind date nito sa kanya. Nang makapasok siya ay agad niya itong nahanap dahil pinadalhan siya nito ng picture ng dalaga para alam niya ang itsura nito. Lumapit siya dito saka inilahad ang bulaklak na binili niya kanina bago siya pumunta sa resto. Napatingin sa kanya ang magandang dalaga. “For you. Sorry if I’m late.” Kinuha naman ito ng dalaga saka ngumiti sa kanya. “No, it’s okay. Kararating ko lang din naman.” Napangiti siya dahil sa amo ng mukha nito. Naupo na siya sa kaharap nitong upuan. “Shall we order now?” “Sure.” Tinawag na niya ang waiter saka sila um-order ng pagkain. Habang kumakain sila ay nagkukwentohan din sila tungkol sa mga sarili nila. Katulad niya ay palagi ding nirereto ang dalaga sa mga kakilala ng mommy nito. Nagkukwentohan sila habang umiinom ng wine. Kanina pa sila natapos sa pagkain pero hindi pa din sila umaalis. Napapasarap sila sa pagkukwentohan. “I like you, Zaver.” Napatigil siya sa sinabi nito. “Matagal na kitang gusto.” Napatingin siya sa wine glass na hawak niya saka uminom. “I’m sorry, but I’m already in love with someone else.” “Alam ko and that’s okay with me. Nasabi na sa akin ni Tita Nova ang tungkol sa kanya, pero ilang taon na ay hindi pa din siya nagpapakita sa ‘yo. M-Maybe, you are not really meant to be.” Natawa siya sa sinabi nito dahil ilang beses na niyang narinig ang mga katagang ‘yon sa iba’t-ibang tao. “Why don’t you try me, us? Bakit hindi natin subukan dalawa at malay mo mag-work. Malay mo makalimutan mo siya dahil sa akin. I promise, hinding-hindi ka magsisisi kapag pumayag ka, kapag binigyan mo ako ng pagkakataon.” Napatitig siya sa maamong mukha ng dalaga. Nakikita niyang seryoso ito sa mga sinasabi nito. Maganda ito, at nararamdaman niyang mabait ito. May pagka-simple din itong manamit. Sasagot na sana siya nang may bigla siyang makita sa may pintuan ng resto. Bigla siyang napatayo saka walang sabi-sabi na hinabol ang babaeng nakita niya. Ilang beses siyang tinawag ni Jamela—ang babaeng ka-date niya—pero hindi niya ‘yon magawang pakinggan dahil nakatuktok lang siya sa babaeng hinahabol niya. Nang makalabas sa resto ay napalingon-lingon siya sa paligid, nagbabakasakali na makita niya ang dalaga, pero nabigo siya. Napahawak siya sa kanyang dibdib kung saan ang lakas at ang bilis ng t***k ng puso niya. Sigurado siya sa nakita niya. Si Sky ‘yon. Hindi siya pwedeng magkamali dahil sa dalaga lang tumitibok ng mabilis ang puso niya. “Bakit ba bigla ka na lang tumakbo, Zaver?” hinihingal na sabi ni Jamela nang maabutan siya nito. “Sino ba ang hinahabol mo?” Napatingin-tingin din ito sa paligid. “Si Sky.” Natigilan ito at napatitig sa kanya. “Si Sky? Iyong babae na matagal mo nang hinihintay?” Tumango naman siya. “Nakita mo siya?” Muli siyang tumango. “Nasaan na siya?” “Hindi ko alam. Nang makalabas ako ay hindi ko na siya nakita.” “Baka naman ilusyon mo lang ‘yon, Zaver. Baka sa sobrang pagka-miss mo sa kanya ay akala mo siya ‘yon.” Kung totoong ilusyon nga lang ang nakita niya, bakit ganito kabilis tumibok ang puso niya? Nang makita niya ito kanina na nakangiti ay sigurado siyang si Sky ‘yon. Sigurado ang puso niya. NASA harap ulit ng bahay ampunan si Zaver. Magtatanong siya kung nakauwi na ba ang dalaga. Hindi siya makatulog kagabi sa kakaisip sa nakita niya. Gusto niyang makasiguro na si Sky nga ‘yon. Lumapit na siya sa guardhouse at nakangiting binati ang guwardya. “Magandang araw, kuya.” Nagulat ito nang makita siya. “Sir Zaver, ang tagal niyo nang hindi dumadalaw dito, ah.” “Oo nga po, eh. Naging busy lang sa trabaho.” Matagal na din kasi nang huli siyang pumunta sa bahay ampunan, pero patuloy pa din ang pagdo-donate niya para sa mga bata. Ayaw din niyang pabayaan ang mga batang tinutulungan ni Sky. “May itatanong lang po sana ako.” “Ano ba ‘yon?” Huminga muna siya ng malalim. “Itatanong ko lang po sana kung nakauwi na ba si Sky?” Umiling ito na ikinalungkot niya. “Hindi pa, eh. Mukhang wala na talagang balak si ma’am na umuwi kasi limang taon na din, eh.” Kahit na malungkot siya at ngumiti pa din siya dito. “Sige, kuya. Salamat.” Nagpaalam na siya dito saka umalis. Sumakay na siya sa kotse niya. Napatingin naman siya sa malaking pader ng bahay ampunan. Ibig sabihin ay namamalikmata lang talaga siya sa nakita niya kagabi. Pero bakit gano’n? Napahawak siya sa dibdib niya. Bakit ang lakas ng t***k ng puso niya nang makita niya ang babaeng kamukha ni Sky kagabi? Napabuga na lang siya ng hangin. Siguro ay miss na miss niya lang ang dalaga kaya gano’n. Napasubsob siya sa manubela. Nababaliw na siya. Hindi ito ang unang beses na inakala niyang nakita niya ang dalaga. Miss na miss na niya ito. Ito kaya, nami-miss din kaya siya nito? Ang mga araw na pinagsamahan nila? Napailing na lang siya saka pumunta sa opisina niya para magtrabaho. “HINDI din naman ‘yon sasama sa atin kaya bakit pa natin kailangan imbitahin ang lalaking ‘yon?” Binatukan ni Aiden si Wyatt dahilan para mapanguso ito. “Alangan naman na hayaan na lang natin ‘yong kaibigan natin na malungkot habang buhay.” “Syempre hindi. Pero, Dude, simula nang mawala si Sky na parang bula kasabay naman no’n ang paglaho ng dating Zaver,” pangangatwiran nito. “Nagbago na siya. As in, ang laki ng ipinagbago niya.” Tama ang binata. Nagbago na nga ng tuluyan si Zaver simula nang iwan ito ni Sky. Hindi na ito sumasama sa kanila sa club dahil naaalala lang nito ang dalaga. Kahit anong pilit nila dito ay hindi talaga nila ito mapilit. Kapag nasa tambayan naman nila ito ay palagi lang itong naglalasing hanggang sa makatulog. Halos sa opisina na din ito natutulog dahil sa sobrang pagka-busy nito. Nag-aalala na ang mga magulang nito pero wala silang magawa dahil kahit hindi nila nararamdaman ang totoong nararamdaman ni Zaver ay alam nilang nasasaktan ito ng sobra. “Mukhang sobrang lakas talaga ng tama niya kay Sky,” iiling-iling na sabi ni Dylan. “Intindihin na lang natin siya. Hindi naman kasi natin naiintindihan ang nararamdaman niya dahil hindi naman tayo ang nasaktan,” sabi niya. Papasok na sana sila sa building ng kompanya ni Zaver nang mapansin nila ang dalawang bata na nakikipag-usap sa gwardiya. “Pasensya na talaga kayo mga bata, pero bawal talaga kayong pumasok. Bawal ang mga bata sa loob lalo na’t wala kayong kasama na matatanda,” narinig niyang sabi ng gwardiya. “We just wanted to talk to Zaver Balley,” malamig na sabi ng batang lalaki. May nakahawak na batang babae sa braso nito. “Busy din ang boss namin at isa pa—” napakamot na lang sa ulo ang gwardiya. “Hindi talaga kayo pwedeng pumasok.” “Can you just call him?” naiinip na sabi nito. “Tell him, that I want to talk to him.” Napasapo sa sariling noo ang gwardiya. Lumapit si Aiden sa kanila dahil nako-curious siya kung bakit gustong makausap ng mga batang ito ang kaibigan nila. “Ano bang problema?” tanong niya nang makalapit sa kanila. “Ito po kasing dalawang bata, Mr. Thompson, nagpupumilit na pumasok. Gusto daw nilang makausap si Mr. Balley.” “Ako na ang bahala sa kanila.” Tumango ito saka bumalik sa pwesto nito. Humarap naman siya sa dalawang bata. “Bakit gusto niy—holy s**t!” Nagulat siya nang makitang malamig na nakatingin sa kanya ang batang lalaki. Napamura siya hindi dahil sa lamig nang tingin nito sa kanya kung hindi dahil sa mukha nito. Kamukha ito ni Zaver, lalo na ang mga mata nito. s**t! Carbon copy talaga nito ang kaibigan niya. Napatingin naman siya sa batang babae at medyo may hawig ito kay Zaver. “Anong pangalan ng mommy niyo?” Umupo siya para mapantayan niya ang dalawa. “Why are you asking? Our mom is not available. She only belongs to our dad.” Sinamaan niya nang tingin sina Wyatt at Dylan nang marinig niya ang pagtawa ng mga ito dahil sa sinagot ng batang lalaki. Nakatayo kasi ang dalawa sa likod niya. Pilit siyang ngumiti sa kanila. Tangal ang angas niya sa sinabi ng bata. “Wala akong balak na agawin ang mommy niyo, okay? Gusto ko lang malaman kung anong pangalan niya.” Bigla siyang napikon nang hindi siya nito pansinin at hinawakan ang kamay ng batang babae. “Our mom told us that we should not talk to strangers. Let’s go, Savrina. Mommy might be worried about us if we stay here any longer.” “But what about dad, Kuya?” malungkot na tanong nito sa kapatid. Napabuntong-hininga naman ito. “Maybe next time, okay? Let’s just wait for mom.” Aalis na sana ang dalawa nang pigilan niya ang mga ito. “I know your dad. You want to talk to him, right?” Lumiwanag naman ang mukha ng batang babae. “Really, Sir?” Tumango naman siya. Tinitigan siya ng mabuti ng batang lalaki. “How can we sure that you’re not tricking us?” Natawa na lang siya dahil napakaseryoso ng bata. Wala siyang nagawa kung hindi kunin ang wallet niya. Kinuha niya ang litrato kung saan sila limang magkakaibigan na nakangiti. Pinakita niya ito sa dalawa saka itinuro si Zaver. “He’s the one your looking for, right? Your dad.” “Look, Kuya!” Itinuro ni Savrina ang mukha ni Zaver. “It’s really dad,” masaya nitong sabi. Tiningnan siyang muli ng batang batang lalaki ng seryoso. Nang makumbensi na niya ang dalawa ay pumasok na sila sa building saka sumakay ng elevator. “Shocks, Dude! Sila na ba talaga ‘yong mga anak ni Zaver kay Sky?” Hanggang ngayon ay hindi pa din sila makapaniwala na nasa harap na nila ang matagal nang hinahanap ni Zaver. “Gago ka ba?” mahinang singal ni Dylan kay Wyatt. Mahina ang pagkakasabi no’n ng binata dahil ayaw nitong marinig ng mga bata ang pagmumura nito. “Hindi pa ba halata? Nakikita mo ang supladong ‘yan? Itinuro nito ang batang lalaki. “Kamukhang-kamukha ni Zaver. Carbon copy!” “Kaya nga, eh. Iyong babae, mukhang kamukha ni Sky.” “Ano kaya ang magiging reaksyon ni Zaver kapag nakita na niya ang matagal na niyang hinahanap?” tanong ni Wyatt. “Malamang magiging masaya, ulol!” singhal na naman ni Dylan dito. “Ilang taon din niyang hinanap ang mag-ina niya, no.” Napapailing na lang siya sa dalawang kaibigan na mahinang nagbabangayan. Kahit kailan ay para talaga itong aso’t-pusa. Walang araw na hindi nagbabangayan at nagbabarahan. Lumabas na sila nang bumukas na ang elevator. Hindi nila maiwasan na makuha ang atensyon ng mga tao, hindi dahil sa kanilang tatlo kung hindi dahil sa dalawang bata na kasama nila ngayon. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto ng opisina ni Zaver. Nang makapasok ay nakita niyang busy itong nakatutok sa laptop nito. “Dude!” tawag niya dito para makuha ang atensyon nito na hindi naman niya ikinabigo. “Oh, Aiden! Anong ginagawa mo dito?” Ngumiti siya ng maganda dito dahilan para magtaka ito. “May dalawa kang bisita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD