Chapter 10

3636 Words
Simula nang araw na ‘yon ay hindi na muli pang nagkita sina Zaver, at Sky. Kahit ilang beses na siyang pumupunta sa bahay ampunan ay hindi niya nakikita doon ang dalaga. Nagtanong na siya pero ilang araw na nga daw hindi pumupunta doon ang dalaga. Nagtataka nga ang mga tao doon dahil kahit anong busy nito sa buhay ay wala naman itong araw na hindi dumadalaw. Hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala sa dalaga. May pinagsamahan na din naman sila kahit papaano kaya normal lang na mag-alala siya para sa kaibigan kahit pa hindi niya alam kung kaibigan din ba ang turing nito sa kanya. Nagkasakit kaya ito o kaya naman may emergency? Ayos lang kaya ito? Napailing-iling na lang siya. Mukhang hindi niya napapansin sa sarili na palagi na lang nasa isip niya ang dalaga. Sinampal niya ang magkabila niyang pisngi. Hindi ito pwede! Hindi siya pwedeng mahulog dito dahil ayaw na niyang maloko at masaktan muli. Hindi pa niya kayang masaktan muli. At mas lalo siyang hindi pwedeng mahulog dito dahil wala naman itong balak na saluhin siya. Doon pa lang sa warning ng dalaga ay alam na niyang bawal. Inisang lagok niya ang alak saka nagtungo sa bartender section at nag-mixed ng mga alak. Gusto niyang maging busy para hindi na niya maisip pa ang dalawa. Hindi niya kasi maiwasan na hindi ito isipin kapag wala siyang magawa. Kahit ayaw niya ay bigla-bigla na lang pumapasok sa isip niya ang maganda at mala-anghel nitong ngiti. Napatingin siya sa babaeng umupo sa may counter. Para namang tumambol ang puso niya nang makita niya ang mukha ng babae na kanina pa niya iniisip. Agad siyang nag-mixed ng drink saka ibinigay ito sa dalaga. Nagtaka ito sa inilapag niyang drink. “I didn't order yet.” “I know, but at least try it. You’ll gonna love it, I promise.” Tinawag niya ang isang staff ng club saka siya nagpapalit sa pagse-serve ng costumer. Umupo siya sa tabi ng dalaga. “Ang tagal nating hindi nagkita. Ayos ka lang ba? Hindi ka pumupunta sa bahay ampunan. Is everything fine?” “Everything is fine. Medyo naging busy lang ako at saka may mga inasikaso kaya hindi ako nakakadalaw sa bahay ampunan.” “I see.” Napatingin siya sa baso nang mapansin niya na hindi ito ginalaw ni Sky. “Hindi mo ba nagustohan ang drink na ginawa ko para sa ‘yo?” Napatingin si Sky sa baso saka muling bumaling sa kanya. “I have something to tell you. I don’t think if it’s necessary, but I think you should need to know it too.” “Ano ba ‘yon? Don’t tell me gusto mo na ako. Kaya ka siguro hindi nagpapakita sa akin kasi nahihiya ka.” Nakisabay naman nang tawa sa kanya ito. “That’s not gonna happen, man.” Napanguso naman siya. Kahit kailan ay napaka-prangka talaga nito kung magsalita. “Ano ba kasi ‘yong sasabihin mo?” “I’m pregnant.” Halos lumuwa ang mga mata niya sa sinabi nito. Maingay ang loob ng club pero malinaw na malinaw sa tenga niya ang sinabi nito. “With your child.” Damn! Halos lahat na ata ng mga bad words na alam niya ay nabigkas na niya sa kanyang isip. May malaking ngiti si Sky sa labi habang sinasabi na buntis ito at siya ang ama. Holy s**t! “Wait,” itinaas niya ang kamay. Hanggang ngayon ay parang hindi pa din mapasok-pasok sa isip niya ang sinabi nito. “What did you just said? Para kasing hindi ko narinig.” Narinig niya. Rinig na rinig niya, malinaw! Pero gusto niyang makasiguro o baka naman prank lang ito ng dalaga. Sana nga prank lang ito ng dalaga dahil hindi nakakatuwa ang ganitong prank. “I said, I’m pregnant with your child,” ulit nito sa sinabi kanina habang may ngiti pa din sa labi. Nababasa niya sa mga mata nito—kahit pa may pagka-dim ang paligid—na masayang-masaya ito. “Thanks to your semen.” He was so shocked of what she said. What the F! Bakit parang ang saya pa nito nang malaman nitong buntis ito? Biglang sumeryoso ang mukha niya nang maalala ang gabi na may nangyari sa kanila. Nang gagamit na sana siya ng condom ay pinigilan siya nito. Ibig sabihin ay plinano ito ng dalaga? Sinadya nitong magpabuntis sa kanya, pero bakit? “Is this your plan?” Hindi niya napigilan ang sarili na itanong ‘yon. Ngumiti ito saka walang pagdadalawang-isip na tumango. “Yes.” “Why?” Hindi niya maiwasan na magtaas ng boses dito. “I though you are different from the other girls. Kagaya ka din pala nila!” Sumama ang tingin niya dito. “Hindi ibig sabihin na dahil buntis ka at ako ang ama ay pananagutan na kita, na pakakasalan na kita. Hindi kita pananagutan, Sky. Never!” Tumawa siya ng mapakla. Hindi siya makapaniwala na plinano iyon ng dalaga. “May pasabi-sabi ka pang huwag akong mahulog sa ‘yo dahil wala kang balak na saluhin ako, pero ano ‘to? Sasabihin mo sa akin na buntis ka? Sabihin mo, palabas lang ba ang lahat ng ginawa at sinabi mo sa akin?” Galit at inis ang nararamdaman niya ngayon, isama na ang pakiramdam na trinaydor siya nito. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya na magagawa ito ng dalaga sa kanya dahil sa ikli lang ng panahon na magkasama sila ay ibang Sky ang nakasama niya. Iba ito sa lahat ng mga babae na nakilala niya. Simple lang ito, mabait, hindi maarte, hindi nagpapanggap kaya nga magaan ang loob niya dito. s**t! He felt betrayed by her. Tumawa ang dalaga na ikinapagtaka niya. Hindi niya alam kung saan ito humuhugot ng lakas para pagtawanan lang ang sitwasyon nila ngayon. Tinapik nito ang balikat niya. “Damn, Zaver! Hindi ko inaasahan na ganyan pala kalikot at kalawak ang imagination mo. Pwede ka nang gumawa ng nobela sa mga naisip mo.” “What?” Nalilito siya sa sinasabi nito. Tumigil na ito sa pagtawa saka huminga ng malalim. “Okay, sabihin na nating plinano ko talaga na magpabuntis sa ‘yo, but I’m not saying that you should take responsibility in me, in this child.” Turo nito sa tiyan nito dahilan para mapatingin naman siya doon. “Hindi ako nandito para sabihing panagutan mo ako. Nandito lang ako para sabihin na buntis ako kasi pakiramdam ko ay may karapatan ka naman na malaman ‘yon dahil ikaw ang ama ng dinadala ko. To be honest, all I want from you is your semen.” Hindi niya alam kung saang banda siya tatawa sa sinabi nito. Tatawa ba siya dahil masyado itong prangka kung magsalita o dahil sa sinabi nitong semelya niya lang ang gusto nito. Pakiramdam niya ay naloko na naman siya, nagamit ng hindi na naman niya namalayan. Pakiramdam niya ay naging tanga na naman siya ng hindi niya namamalayan. Gano’n ba talaga siya katanga para hindi mapansin ang nangyayari sa paligid niya? “Gusto kasi ng mga magulang ko, lalo na ng lolo ko na magkaapo na sa akin, pero wala talaga sa plano ko ang mag-asawa. Sakit lang ‘yon sa ulo. I just felt like marriage is not my thing. Kaya naman napagdesisyonan ko na maghanap na lang ng isang lalaki na makakapagbigay sa akin ng anak and then I found you.” Wala siyang ibang nakikita sa mga mata nito kung hindi ang katotohanan na totoo ang lahat nang sinasabi nito. Na walang bahid ng kasinungalingan. “Of course, I need to find a handsome man than can gave me a handsome son or beautiful daughter. Nang makita kita that day, I decided na ikaw na. Total gwapo ka naman at sa itsura mo ay mukha ka namang hindi kriminal. Hindi magiging kawawa ang anak ko kapag lumabas.” Tumawa pa ito. “In short, all I want is a child and now that I get it, I’m happy that finally, I can give my family the grandchild that they want.” May kinuha ito sa bag nito. Inilabas nito ang isang puting sobre saka inilagay sa mesa para ibigay sa kanya. “Ito ang ultrasound ko. Kaya hindi mo ako nakita nang ilaw araw ay dahil nagpa-check up ako at hindi ako makakilos ng maayos dahil palagi akong nagsusuka. Morning sickness, but now, I’m okay. Normal lang naman daw ito sa mga buntis at saka may iniinom na din ako para matigil ang pagsusuka ko.” Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan ito ng dalaga. Nang tumingin siya sa mukha nito ay ngumiti ito. Nakikita niya sa mga mata nito ang saya. “So, you don’t have to worry about taking responsibility. All I want is a child and I’m so thankful to you for giving me one. Thank you for giving me your semen, Zaver.” Ngumisi ito saka siya hinalikan sa labi. “Thank you for everything, Zaver.” Kinuha nito ang drink saka binigay sa kanya. “Ikaw na lang ang uminom niyan. Thank you. Bye.” Napatingin siya sa basong hawak niya ngayon. Kanina pa nakaalis si Sky pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Inisang lagok niya ang alak at bumahid sa kanyang lalamunan ang tapang nito. Napapikit siya at napagtanto na hindi nga ito isang panaginip. Natawa na lang siya. Kaya ba ayaw nitong mahulog siya dito dahil katulad niya ay ayaw din nitong magpakasal? But damn! Bakit may iba sa kanya? Bakit parang may parte sa kanya na gusto niya itong panagutan? Gusto niya itong habulin at sabihin na binabawi niya ang mga sinabi niya kanina. Napasabunot siya sa sariling buhok. Tuluyan na ba siyang nahulog kay Sky? This can’t be! Nasa puso niya pa din ang takot na masaktan ulit. “WHAT’S that, Dude?” tanong ni Wyatt kay Zaver habang nakahawak sa sobreng ibinigay sa kanya ni Sky kagabi. Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng maalala niya nang buksan niya ang sobre at makita ang ultrasound. This was the first picture of his child with Sky. Binigay niya kay Wyatt ang sobre habang may ngiti pa din sa labi niya. He can’t help not to smile. Parang may kumikiliti sa puso niya habang iniisip na may anak na sila ng dalaga. Napangiwi na lang sina Aiden, Wyatt, at Dylan sa itsura niya. They find him weird, but he doesn’t care. Wala si Ice dahil hanggang ngayon ay busy pa din ito sa pagma-manage sa JFY band. Excited na binuksan ito ng mga kaibigan niya dahil nagtataka na sila kung bakit ang laki ng ngiti niya. Nalaglag ang mga panga ng mga ito nang makita ang laman ng sobre. “s**t, Dude!” Napamura ng wala sa oras si Dylan. “Buntis ka?” Bigla niyang tinapunan si Wyatt ng unan. “Gago!” Imbis na mainis ito ay tinawanan lang siya nito dahilan para mapailing siya. Kahit kailan talaga ay gago ang kaibigan niyang ito. “Hindi. Seryoso nga.” Seryosong tumingin sa kanya si Aiden. “Magiging ama ka na, Dude? As in magkakaroon ka na ng anak?” tanong nito habang nakatingin sa ultrasound ni Sky. Nakangiti naman siyang tumango bilang sagot. “Teka, bakit parang masaya ka?” Napatingin naman siya kay Wyatt. “Hindi ba dapat nagluluksa ka ngayon kasi nakabuntis ka? Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi ka na makakapambabae. No more chicks ka na, Dude.” Nagtataka ding tumingin sa kanya ang mga kaibigan niya. “Bakit masaya ka?” “Damn!” Napatakip sa bibig si Dylan. “Isa lang ang ibig sabihin niyan.” Kumunot ang noo niya. “Mahal mo na ang babaeng nabuntis mo.” Napailing siya sa sinabi nito. “Mahal agad? Hindi ba pwedeng masaya lang ako dahil may anak na ako? I mean, hindi ko alam na ganito pala kasaya kapag nalaman mong may anak ka na. Parang sasabog na ang puso ko sa tuwa.” Napanganga si Wyatt sa sinabi niya. Hindi makapaniwala. “Pwede naman.” Napailing-iling ito. “Pero iba ang ngiti mo, eh.” Pinanlakihan siya ng mga mata nito. “Umamin ka sa amin, mahal mo na siya, no?” Tanging ngiti lang ang sinagot niya sa mga ito. “Holy s**t! Totoo nga! Sino ang babaeng ‘yan? Hayop ka! Wala ka namang ikinikwento sa amin na may babae ka ng napupusuan.” Biglang nakipagsiksikan sa kanya ang tatlo sa sofa, medyo naiipit na tuloy siya. Paulit-ulit na tinatanong nito kung sino. Hindi niya maiwasan na matawa na lang sa kakulitan ng mga ito. “Naalala niyo ba ‘yong babaeng sinabi ko sa inyo na ako ang nauna? Yong babaeng hindi ko nagamitan ng condom?” Tumango naman ang mga ito ng sabay. “Siya. Siya ang babaeng nagdadala ng anak ko ngayon.” Inalog-alog siya ng tatlo. “s**t! So, ibig sabihin inulit niyo hanggang sa makabuo kayo?” Binatukan niya si Wyatt dahil sa ingay nito. “Hindi na naulit, okay? Isang beses lang may nangyari sa amin. Although nagkikita kami pero wala ng nangyari sa amin.” “Gago ka, Dude! Isang beses mo lang pinutukan pero nabuntis mo na agad. Hayop ka!” Natawa na lang siya dito. “So, anong balak mo ngayon?” seryosong tanong ni Aiden. Natahimik naman sila saka siya napaisip. Kagabi pa siya nag-iisip kung ano ang gagawin sa sitwasyon niyang ito. Kung papayag lang na magpakasal si Sky ay walang magiging problema, kaso nga ay ayaw ng dalaga. “Gusto ko siyang panagutan.” “Oh, eh, di pakasalan mo,” suggest ni Dylan. “Easy.” Napabuntong-hininga siya. “Sana nga gano’n lang kadali.” “Why? Dahil ba takot ka pa din masaktan kaya ayaw mong magpakasal sa kanya?” Umiling siya. “That’s not it. I really want to marry her. Walang problema sa akin, pero sa kanya malaki.” Seryoso siya nitong tiningnan, hindi maintindihan ang sinasabi niya. “Ayaw niyang magpakasal dahil wala siyang plano.” “What? Nagpabuntis siya sa ‘yo, pero ayaw naman pala niyang magpakasal?” tanong ni Dylan. Tumango naman siya. “Bakit? I don’t understand.” “Semelya ko lang ang gusto niya sa akin.” Parang nabilaukan sa sariling laway ang tatlo habang siya naman ang natatawa. Ganyan din ang naging reaksyon niya nang marinig niya ‘yon mula kay Sky. “s**t! Totoo ba ‘yan?” Tumango siya. “Nakakatawa man, pero sinabi niya talaga sa akin ‘yon sa mismong mukha ko.” “Wow! What an amazing woman she is.” “I know, right.” Kakaiba talaga ang dalaga sa ibang mga babae na nakilala niya. “Kaya nahulog ang loob mo sa kanya dahil sa kakaiba siya?” Tumango siya at hindi na tumanggi pa. Kahit kasi anong takot ang nararamdaman niya na masaktan muli ay hindi niya mapigilan ang umaapaw na saya sa kakaisip niya na ang batang nasa sinapupunan ni Sky ay sa kanya. Inakbayan siya ni Dylan. “Ano pang silbi ng kagwapohan ng isang Zaver Balley kung hindi mo makukuha ang babaeng ‘yon? Kailan mo pa hindi nakuha ang gusto mo?” “Paano kung ayaw niya talaga?” Ayaw naman niyang pilitin ang dalaga dahil baka mas lumayo ito sa kanya. Ang mas ikinatatakot niya ay baka kamuhian siya nito dahil sa pamimilit niya. “Eh, di sumuko ka na, problema ba ‘yon?” Bigla siyang napatingin sa seryosong mukh ni Aiden. Bigla itong ngumisi. “Iyon ay kung susuko na ka agad. May habol ka do’n.” Napangisi naman siya. “Mukhang baliktad na ata, ah. Ang lalaki na ang mangba-blackmail ngayon sa babae para lang pakasalan siya.” “Mahal mo, eh. Hindi ba?” Tumango naman siya. “Kaya kailangan mong gawin. Kailangan mong ibaba ang pride mo para sa babaeng mahal mo.” Tumayo siya habang tiningnan ang mga kaibigan niya nang nakangiti. Nagpapasalamat siya sa mga advice nito kahit pa may halong walang kwenta. “Pupuntahan ko si Sky ngayon at sasabihin kong papakasalan ko siya. Kapag hindi naman siya pumayag ay pipilitin ko siya hanggang sa pumayag siya. Kung ayaw niya pa din ay kakaladkarin ko na siya papunta sa simbahan. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya. Sabi nga nila, kung hindi mo madaan sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan.” “Iyan ang kilala naming si Zaver Balley! Hindi basta-basta sumusuko, lalo na sa kama.” Binatukan niya si Wyatt. Kung anu-ano na lang kasing kalokohan ang palaging pinagsasabi nito. Kahit kailan ay hindi ito nagseseryoso sa buhay. “Naku! Sigurado akong matutuwa si Ice kapag nalaman niyang may inaanak na siya. Sigurado akong papatayin ka sa tuwa no’n.” Nagtawanan naman silang lahat. NAGPAALAM na si Zaver sa mga kaibigan saka umalis sa tambayan nila. Agad siyang dumiretso sa bahay ampunan. Doon niya lang kasi pwedeng puntahan ang dalaga dahil hindi niya alam kung saan ito nakatira. Ngayon niya lang napagtanto na wala pala siyang kahit na anong alam tungkol sa dalaga maliban sa pangalan nito. Ni hindi man lang niya alam kung ano ang apelyedo nito, kung saan ito nakatira, ni hindi man lang niya naisip na hingin ang phone number nito. Noon kasi kapag pinipilit niyang ihatid ito ay hindi pumapayag ang dalaga. Kahit anong pilit niya ay hindi niya ito mapapayag. Nang makarating siya ay agad siyang bumaba saka lumapit sa guard house. “Kuya, si Sky?” tanong niya agad dito. Kilala na siya ng guard dahil palagi naman siyang pumupunta dito kapag may oras siya, tuwing wala siyang trabaho. “Hindi po ba kayo nasabihan ni ma’am, Sir?” Bigla siyang nagtaka. “Tungkol po saan?” “Umalis na po kanina si ma’am.” Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba. Gusto niyang isipin na kakauwi lang nito kaya hindi sila nag-abot, pero pakiramdam niya ay may kakaiba. “Saan po siya pumunta? Umuwi na ba siya?” Umiling ito na mas lalong ikinaba niya. “Umalis na po siya papunta sa ibang bansa. Hindi niya po sinabi sa amin kung saang lugar talaga siya pupunta.” Bumagsak ang balikat niya. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa balita. Huminga siya ng malalim. Baka naman kasi babalik agad ang dalaga. “Nasabi niya po ba kung kailan ang balik niya?” Muli itong umiling dahilan para kumirot ang dibdib niya. “Ang sabi niya po sa amin ay baka hindi na siya bumalik.” Wala sa sariling napasakay siya sa kotse niya. Hindi niya alam kung papaano siya nakauwing ligtas sa bahay nila gayong wala siya sa sarili habang nagmamaneho. Pakiramdam niya ay para siyang lumulutang sa ere, pati ang utak niya kaya hindi siya makapag-isip ng tama. Nang makapasok sa bahay ay naabutan niya ang mommy at daddy niya sa sala na nagkukwentohan habang nagtatawanan. Wala sa sariling napaupo siya sa kaharap nitong upuan. Napatigil ang dalawa sa pagtatawanan nang mapansin siya nitong tulala. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwalang umalis na nga si Sky at hindi na babalik. Talaga bang hindi na ito babalik? Wala na ba talaga itong plano na balikan siya? Mukhang seryoso nga ito sa sinabi nito at lumayo pa nga para hindi niya ito mapanagutan. Pakiramdam niya ay may kasalanan din siya. Kasalanan niya kung bakit ito lumayo. Baka mas naisip nitong makakabuti na lumayo ito dahil ayaw niyang panagutan ito. Nasabi niya lang naman ang mga ‘yon dahil nagulat siya. Bakit hindi siya nito binigyan ng pagkakataon na mag-isip? Napasabunot na lang siya sa sariling buhok. Bakit pa sinabi nito sa kanya na buntis ito kung wala naman pala itong balak na ipakilala siya bilang ama sa anak niya? Agad na tumabi sa kanya ang ina niya saka siya niyakap sa tagiliran. “May problema ka ba, Anak?” Hindi agad siya nakasagot. “Tell us, nandito lang kami.” Kinuha niya ang sobre saka binigay sa ina. Mabilis naman itong binuksan ng ginang at nagulat sa nakita. Kinuha ito ng ama niya at katulad ng ina niya ay nagulat din ito. Ang gulat kanina ay unti-unting napalitan ng saya. “Is this for real?” Nanginginig ang kamay ng daddy niya habang nakatingin sa ultrasound. Alam niyang nagdidiwang ang mga damdamin ng mga magulang niya pero hindi niya kayang makisabay sa kasiyahan nito lalo na sa nalaman niya kanina. “Magkakaroon na tayo ng apo, Sweetheart,” anunsyo ng mommy niya. Nagtatalon sila sa tuwa pero agad ding napatigil nang makita nilang hindi siya masaya. Muling tumabi sa kanya ang ina. “Sino ang babaeng ito, Anak? Para makausap ko siya at mapag-usapan na natin ang kasal niyo. Dapat sa lalong madaling panahon,” excited na sabi nito. “Sa wakas, binigyan mo na din kami ng apo, Zaver.” Tinapik ng ama niya ang balikat niya. “I’m so proud of you, son.” Napahilamos siya sa mukha. “Walang kasal na magaganap, Mom, Dad, kahit pa gustohin ko.” “What do you mean?” Nagtatakang nakatingin sa kanya ang mga magulang niya. “Umalis na siya, Mom.” Tumingin siya dito na may lungkot sa mga mata. Namamasa na din ang mga mata niya dahil naiiyak na siya. “At hindi na siya babalik pa. Iniwan na niya ako.” Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. “Iniwan na nila ako, Mom.” Ito ang ikinatatakot niya. Ang magmahal muli at masaktan ulit. Ang tanga niya lang dahil nahulog siya sa babaeng alam niyang wala naman siyang balak na saluhin. Kahit ilang beses na siyang pinagsabihan nito ay nahulog pa din siya. Hindi nakinig ang puso niya sa babala nito. For the second time… I am broken again…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD