Maaga pa lang ay nakaabang na sa tapat ng bahay nina Sky si Zaver. Naka-plain gray t-shirt, faded black jeans at nakaitim na sapatos. Simple lang ang suot niya pero sinisiguro niyang gwapo pa din siya sa paningin ng dalaga.
Bumukas na ang pinto kaya naman umayos na siya nang tayo saka inihanda ang maganda niyang ngiti. Lumabas mula sa loob si Sky at nagulat nang makita siya.
“Zaver?” Lumapit ito sa kanya. “Anong ginagawa mo dito sa labas? Bakit hindi ka pumasok? Kumakain pa ang mga bata sa loob. You want me to call them?”
Umiling siya. “No.”
“Teka, parang wala akong naalala na pinagpaalam mo sila sa akin na ilalabas mo sila ngayon. Is this a surprise for them?”
“Actually, I’m not here for them.” Kumunot ang noo nito. “I’m here for their mother. I’m here for you, Sky.”
Mas lalo itong nagtaka. “For me?” Itinuro pa nito ang sarili. “Bakit? Wala din naman akong naalala na may usapan tayo ngayon. Meron ba?” Bigla itong napaisip dahil baka meron nga at nakalimutan lang nito.
Umiling siya. “I’m here to invite you for a date.”
Nabigla ito sa sinabi niya at tinitigan siya ng mabuti. Napabuntong-hininga ito. “We already talk about this, right, Zaver?”
“I know.” Ngumiti pa din siya kahit pa nasasaktan na siya sa sinasabi nito. Pakiramdam niya ay wala pa nga siyang ginagawa ay busted na agad siya. “Bakit? Hindi ba pwedeng mag-date ang magkaibigan? As far as I know may friendly date din.” Hindi agad nakasagot si Sky. “Mas mabuti kung makikilala natin ng mabuti ang isa’t-isa lalo na’t may mga anak na tayo.”
Napaisip ang dalaga sa sinabi niya. “Well, you have a point.” Lihim siyang nagdiwang dahil effective ang alibi niya. “Pero may dadaanan pa ako sa bahay ampunan.”
“No problem. Ihahatid kita do’n at kapag tapos ka na sa gagawin mo ay magde-date na tayo.”
Napailing na lang ito dahil wala itong choice. Inalalayan niya itong sumakay sa kotse niya. “Bakit parang iba ang tunog ng date kapag nanggagaling sa ‘yo? Pakiramdam ko parang hindi friendly date.”
Sumakay na siya sa driver seat. “Mukhang ikaw ata ang hindi nakakaintindi sa sinasabi mo or maybe, you really want to have a date with me back then. Aminin mo, Sky. Promise, hindi ako magagalit.” Itinaas niya pa ang kanang kamay niya.
Natawa na lang ito. “You wish.”
“Aminin mo na lang kasi na gusto mo ako. Hindi naman ako magugulat kung gano’n. Syempre, sa gwapo kong ‘to.” Pinaandar na niya ang sasakyan palabas ng gate.
Mas natawa naman ito na ikinangiti niya. Sobrang nami-miss niya talaga ang tawa nito. Gustong-gusto niya itong naririnig na tumawa. It’s like a music to his ears, lalo na kapag siya ang dahilan nang pagtawa nito.
“Hanggang ngayon ay hindi ka pa din talaga nagbabago. Masyado ka pa ding—”
“Honest.”
“Mahangin,” pagtutol ni Sky habang naiiling.
“Totoo naman kasi. Bakit ba kasi ayaw mo pang-aminin? Ikaw na nga mismo ang nagsabi noon na kaya ako ang pinili mo ay dahil gwapo ako.”
“Fine.” Itinaas nito ang dalawang kamay nito na tila sumusuko na. “Oo na. Inaamin ko nang gwapo ka. Happy?”
“Of course, yes! Inamin mo na din.” Napailing si Sky nang makita ang malaki niyang ngiti.
“Masaya ka na?”
“Simula nang makilala kita ay naging masaya na ako.” Biglang nawala na naman ang ngiti ng dalaga.
Kung ang ibang babae ay kikiligin kapag sinasabihan niya ng gano'n pero ang babaeng 'to. Mukhang walang kakilig-kilig sa katawan. Hirap hanapin ng kiliti nito.
Naiiling-iling siya habang nakatingin kay Sky na pumasok na sa baay-ampunan. Lalabas sana siya kanina para samahan ito papasok sa bahay ampunan pero pinigilan siya nito at maghintay na lang siya sa kotse. Wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ito.
Gusto niyang maging masunurin dito para makita nito na willing siyang gawin ang lahat para dito, na totoo naman. Lahat gagawin niya para mahulog ang loob nito sa kanya. Nang sa gayon ay maging buo silang pamilya na gusto niya at ng mga anak nila.
Si Sky lang talaga ang balakid sa pangarap niya, pero ito lang din naman ang makakatupad nito kaya kailangan niyang magtiis. Kailangan niyang ipakita na hinding-hingi ito magsisisi sa kanya.
“Tara na,” sabi nito nang makasakay na sa kotse. Kinuha naman niya ang isang bouquet ng roses saka binigay sa dalaga. “What’s this?” Kinuha ito ni Sky na may pagtataka.
Kanina pa nasa likod ang bulaklak. Ibibigay niya sana ito sa dalaga kanina pero napag-isip-isip niya na mamaya na lang pagkatapos nitong may ihatid sa bahay ampunan. Mabuti na nga lang at hindi ito napansin ng dalaga kanina.
“Flowers.”
Sinamaan siya nito nang tingin. “Alam kong bulaklak ito. Hindi ako bulag, Zaver.” Natawa na lang siya. “What I mean is, bakit mo ako binibigyan ng bulaklak? Anong meron?”
“What do you think?” Tinitigan siya nito ng mabuti. Parang binabasa nito kung ano ang iniisip niya. “Why do a man gives a flower to a woman?”
“Zaver—”
“Let’s go.” Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita saka pinaandar na ang makina ng sasakyan.
Alam naman niya kung ano ang sasabihin nito, eh, at ayaw niyang marinig dahil masasaktan lang siya. Patuloy siyang masasaktan kapag patuloy siya nitong nire-reject.
Napabuntong-hininga na lang ang dalaga. “Okay.”
Ngumiti siya dito. “Where do you wanna go?”
“Ikaw itong nag-aya tapos ako itong tatanungin mo. Ibang klasi ka din, eh, no? Baka mamaya ako din ang pagbabayarin mo sa date na ‘to.”
“Of course not. This is my treat.” Natawa na lang siya. May point din kasi ito. “Malay mo naman kasi, baka may gusto kang puntahan o pasyalan. Ano bang mga hilig at gusto mo?”
“Well…” nag-isip naman ito. “I like racing cars, eating street foods, taking good care of the children.”
“Hanggang ngayon ba ay nagkakarera ka pa din?”
Umiling ito. “Hindi na. Tumigil na ako simula ng malaman kong buntis ako. I don’t want to risk the safety of my kids just because I love racing.”
“I’m sure, mahal na mahal ka ng mga anak natin kasi gano’n ka din sa kanila. Na kahit nasa sinapupunan mo pa lang sila ay nararamdaman na nila ang pagmamahal mo para sa kanila.”
“Gano’n ka din naman sa kanila, eh.” Maliit itong ngumiti sa kanya. “Akala ko talaga ay ayaw mo sa kanila kasi ayaw mong matali.”
“Why should I? They are my children, my own blood, and flesh. Pinaghirapan ko din silang gawin, no. Pinagpawisan pa nga tayong dalawa sa paggawa sa kanila.”
“Sira.” Sabay silang natawa. “Naalala ko lang kasi nang sinabi ko sa ‘yo na buntis ako, you we’re so shock at that time.”
“Sinong hindi magugulat do’n, Sky? Sa isang iglap, ama na ako.”
“I know.” Nailing ito. “Naalala ko pa, sinabi mo pa sa akin na hindi mo ako pananagutan kung ‘yon ang gusto ko. Damn! Hindi ko talaga maiwasan na matawa nang mga oras na ‘yon. But I really expect that you will say that.”
“Paano mo naman nasabi ‘yon?” Napanguso siya.
“Because you’re a womanizer—”
“Back then,” putol niya sa sinasabi nito.
“Back then.” Natawa ito habang tumatango. “And I know that you cherish your freedom the most and you only want to enjoy your life as a single.”
Nahihiya talaga siya ngayon kay Sky dahil hanggang ngayon ay naaalala pa nito ang mga sinabi niya na pinagsisihan niya. Kung kaya niya lang ibalik ang nakaraan ay sasabihin niya kay Sky nang gabing ‘yon na paninindigan niya ito at papakasalan. Sabay nilang aalagaan ang mga anak nila hanggang sa paglaki.
Kung ‘yon lang siguro ang nangyari ay baka masaya na sila ngayon at sa loob ng limang taon na sinayang niya ay baka mahal na sana siya ni Sky ngayon. Araw-araw na lang ay nakakaramdam siya ng pagsisisi dahil sa mga nasabi niya noon.
Pero napag-isip-isip niya na kahit anong sisi ang gawin niya ay hindi na niya maibabalik pa ang limang taon na nasayang. Nangyari na ang nangyari at wala ng mababago pa. Kaya imbis na magsisi ay babawi na lang siya sa mag-ina niya habang buhay. Paiibigin niya ang ina ng mga anak niya sa kanya.
Itinigil niya ang sasakyan sa isang ice cream parlor. Bumaba na siya saka pinagbuksan ng pinto si Sky. Inilahad niya ang kamay na inabot naman ng dalaga.
Napakunot ang noo ng dalaga nang makita ang ice cream parlor. Bigla itong natawa dahilan para magtaka siya.
“What? Bakit ka natatawa diyan?” nakanguso niyang tanong.
”Sabi mo kasi ay date ito. Well, I was expecting na dadalhin mo ako sa mall para mamasyal or manood ng sine or dadalhin mo ako sa isang fine dining restaurant para kumain.”
Napakmot siya sa ulo. “Is that what you want?”
Umiling ito. “No, pero…” muli itong natawa. “Hindi naman sa ‘yon ang gusto ko. Iyon lang kasi ang mga naririnig ko na ginagawa sa mga date.” Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. “Well, this is my first date, so, wala akong alam sa mga ganito.”
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat na mas ikinatawa ng dalaga. Kung makatitig kasi siya ngayon sa dalaga ay para itong alien.
“Really?” hindi makapaniwala nitong tanong. “I mean, kahit kailan ay hindi ka pa nakipag-date kahit kanino?”
“Wala nga akong planong magpakasal, ‘di ba? Date pa kaya?” Napapailing na lang ito habang pumapasok sa ice cream parlor at iniwan siya na nakatunganga sa kinatatayuan niya.
NAPATINGIN si Sky sa menu ng nasa screen sa ibabaw ng counter. Bigla siyang nanlaway sa mga nakikita niyang flavor.
Hindi naman talaga siya mahilig sa ice cream noon, pero ito kasi ang pinanlihi niya sa mga anak niya hanggang sa nasanay na lang siya. Ang pagkain din ng ice cream ang bonding nila mag-iina habang nanonood ng mga movies.
“Why did you leave me there?” tanong ni Zaver sa kanya nang makalapit na ito sa kanya.
“Ang tagal mo kasing magulat,” sagot niya habang nakatingala pa din.
“Ang hilig mo talagang mang-iwan.” Napatingin siya dito pero nakatingin na din ito sa menu.
Napatitig siya sa gwapo nitong mukha. Alam niyang hindi ang pag-iwan niya sa labas ang ibig nitong sabihin. Iba. May ibang laman ang sinasabi nito.
Tumingin ito sa kanya. “What do you want?”
Tiningnan niya muna ito ng mabuti saka napabuntong-hininga. Pipiliin na lang niya na isawalang bahala ang sinabi nito. Kahit ayaw niyang saktan ang binata ay nasasaktan ito sa tuwing nire-reject niya ito kaya nga hanggang sa makakaya niya ay iiwasan niya ang ganitong topic.
Ayaw niyang mag-isip ng kung ano man. Masaya naman sila na ganito lang sila. Magkaibigan.
Aaminin niya na natatakot siya na baka mahulog siya dito, lalo na’t imposible ang ayaw niya. Ayaw niyang kapag mahal na nila ang isa't-isa ay dumating ang araw na mawawala din ito, na mare-realize din pala nito na ayaw na nito sa kanya. Na ibang babae pala ang gusto nitong makasama habang buhay.
Alam niyang masyado siyang advance kung mag-isip pero ayaw niyang mangyari balang-araw na magiging strangers na lang sila sa isa't-isa, lalo na't masaya siya kapag kasama ito. Ayaw niyang masayang ang masayang pagsasama nila bilang magkaibigan.
“So, ako pala ang first date mo?” Nakikita niya ang malaki nitong ngiti.
“Nakaka-proud ba?” may pag-iinis niyang tanong.
Ngumisi naman ito. “Oo naman, at sisiguraduhin ko na ako lang ang makaka-date mo at wala ng iba pa.”
Napailing siya. “Masyado kang bilib sa sarili mo, Zaver.”
“Hindi bilib ang tawag do’n, Sky, kung hindi tyaga.” Tumingin ito ng seryoso sa kanya. “Magtyatyaga ako sa paghihintay sa ‘yo. Wala akong pakialam kung abutin man ako ng buwan o taon sa paghihintay sa ‘yo basta ba ang kapalit no’n ay mamahalin mo din ako hanggang sa pumayag ka nang magpakasal sa akin.”
“We already tal—”
“I know. Ilang beses mo na ‘yang sinabi sa akin,” putol nito sa sinasabi niya. “Pero hindi naman ako pumayag, ‘di ba?” Natahimik na lang siya at hindi na nakapagsalita pa. Masyado itong makulit.
Zaver Balley is a womanizer. Natatakot siya na baka magsawa din ito sa kanya at maghanap ito ng iba. Mas marami pa namang ibang babae na mas maganda at mas sexy kaysa sa kanya.
Ayaw niyang masira kung ano man ang meron sila ngayon. So, she should or they should stay like this.