Chapter 14

1752 Words
“Daddy.” Napatingin si Zaver kay Savrina na kumakain ng ice cream. “Mom, told us that she don’t want to marry you.” “Sinabi niya ‘yon?” gulat niyang tanong sa anak. Sabay naman na tumango ang kambal. Napakagat-labi siya dahil sa gustong-gusto niyang magmura pero hindi niya magawa dahil kasama niya ang mga anak niya ngayon. Naiinis siya kay Sky. Talagang sinabi pa sa mga anak nila na ayaw siya nitong pakasalan. “What then now, Dad?” seryosong tanong ni Zack. “We’re not gonna be a complete family if that’s the case.” “Of course we’re gonna be a complete, and a happy family. I’m gonna make sure of that.” Hinawakan niya ang ulo ng kambal saka ngumiti dito para hindi ito mag-alala. “What about mom?” “I’m gonna deal with her.” Nginitian niya ang kambal. “Kahit na anong mangyari ay magiging kompleto tayo. Pangako ‘yan.” Hinalikan niya sa ulo ang dalawa. Pagkatapos nilang mamasyal ay hinatid na niya ang kambal sa bahay nina Sky. Hinanap niya ang dalaga, pero wala ‘yon doon. Tanging ang mga magulang lang ng dalaga ang nasa bahay nito. Nagtanong siya kay Blaire kung nasaan si Sky at sinabi naman nitong nasa bahay ampunan kaya napagdesisyonan niyang puntahan ang dalaga. Bago siya pumunta sa bahay ampunan ay bumili muna siya ng isang bouquet ng red roses. Nang makarating sa bahay ampunan ay agad niyang hinanap ang dalaga. Hindi niya ito nakita sa paligid kaya naman nagtanong siya at sinabi nitong nasa likod bahay ito. Habang naglalakad ay napapatingin siya sa mga batang masayang naglalaro. Marami ng mga bata ang dumaan sa bahay ampunan na ito. May umaalis, may dumadating naman na bago. Ang ibang mga bata dito ay nakapagtapos na ng pag-aaral at may mga trabaho na. Kahit na may mga sarili na itong mga buhay ay hindi pa din nito nalilimutan ang bahay na kumupkop at nagpaaral sa mga ito. Kung hindi siya na-curious noon ay baka hindi niya nalaman ang magandang bahay ampunan na ito. Sa nakalipas na taon ay nadagdagan din ang mga bahay sa paligid dahil sa dumadami ang mga bata dito. Nilabas niya ang pinakamaganda niyang ngiti bago lumiko sa likod ng bahay pero agad ding nawala dahil sa nakita niya. Nakita niya si Sky na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Kilala niya ang mukha nito, pero hindi ang pangalan. Ito ‘yong lalaki na sinundo ni Sky sa club noon dahil naglasing. Ang lalaking kasama nito sa hospital. Hanggang ngayon ay buhay pa pala ang lalaking ito? Bigla siyang nakaramdam ng selos sa nakikita niyang masaya ang dalaga habang may kausap itong ibang lalaki. “Sky,” tawag niya sa pangalan nito na agad din namang napalingon sa kanya. Ngumiti ito nang makita siya. “Zaver, anong ginagawa mo dito?” Hindi niya alam kung bakit, pero biglang pumasok sa isip niya ang araw na nahuli niya noon si Josephine na niloloko lang pala siya. Parang ganito din noon. Imbes na magulat ito ay nakangiti pa siya nitong sinalubong. Lihim siyang napailing. Hindi gano’ng klasing babae si Sky. Hindi sila magkatulad ni Josephine. Natawa na lang siya sa loob-loob niya. Ang pinagkaiba nga lang sa noon at ngayon ay wala silang relasyon ni Sky. “Nanggaling ako sa bahay niyo, pero ang sabi ng mommy mo ay nandito ka daw kaya naman pinuntahan kita dito, but I didn’t expect na may kasama ka pala.” Pilit siyang ngumiti dito kahit pa sa loob-loob niya ay gusto na niyang sumabog dahil sa selos na nararamdaman niya. “Oh…” Senenyasan ng dalaga ang binata para palapitin ito sa kanila. Tumayo naman ito saka lumapit sa kanila. “Siya nga pala si Finley Douglas, Fin for short, kababata at best friend ko.” Inilahad nito ang kamay nito sa kanya habang may ngiti sa labi. “Siya naman si Zaver Balley, Dude.” Tinanggap niya ang kamay nito, pero hindi siya ngumiti. He was looking at him with a warning look. “The twins father.” “I know.” Tumawa ito ng mahina. “Nice meeting you, Bro.” Muli itong tumingin sa dalaga. Parang gusto niya tuloy dukutin ang mga mata nito. “Sa loob muna ako, Dude. Mukhang may pag-uusapan kayo, eh.” Tumango naman sa kanya ang dalaga habang may ngiti sa labi. Mas lalo siyang nainis sa ginawa nito. Bakit ba kailangan pa nitong ngumiti sa binata? Seloso na siya kung seloso pero ‘yon ang nararamdaman niya. “Ano nga pa lang ginagawa mo dito?” tanong ni Sky nang tuluyan na nitong hindi makita si Fin. Tsk! “Bakit? Bawal ko na bang dalawin ang ina ng mga anak ko?” may diin niyang tanong. Napakunot-noo ito. Nagtataka sa inaasta niya. “Why are you acting like that?” “Acting like what?” Hindi niya maitago ang inis kapag naaalala niya ang nakita niya kanina. “Like that.” Turo nito sa kanya. “You look like angry.” “Bakit ba kasama mo ang lalaking ‘yon?” Hindi na niya napigilan na maitanong ‘yon. “What wrong with me being with him?” Napasabunot siya sa sariling buhok. Damn this! Bakit ba ang manhid ng babaeng ito? Hindi ba talaga nito napapansin na nagseselos niya kapag kasama nito ang lalaking ‘yon? “Hindi magandang tingnan, okay?” Mas lalong kumunot ang noo nito. “Bakit naman?” “Kasi may anak kang tao tapos may kasama ka pang ibang lalaki. Ano na lang ang iisipin ng mga taong nakakakita sa inyo? Lalo na ang mga anak natin?” Napasapo ito sa sariling noo. “The kids know Fin. Siya ang kasama kong nagpalaki sa mga bata and they knew that Fin is my best friend.” Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Ang lalaking ‘yon ang kasama ng dalaga na nagpalaki sa mga anak nila? Mas lalo tuloy lumaki ang selos na nararamdaman niya. Iniisip pa lang niya na parang isang masayang pamilya ang mga ito all this years, na dapat siya ang kasama nito at hindi ang lalakig ‘yon na wala namang ambag sa paggawa nila sa kambal. “Gusto kong iwasan mo siya.” “What?” gulat nitong tanong. “Ang sabi ko, simula ngayon ay iwasan mo na siya.” Sinamaan niya ito nang tingin. “Why?” “Dahil gusto ko!” Hindi niya maiwasan na magtaas ng boses. Kinakain na siya ng selos. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng matinding selos. Alam niyang walang gusto si Sky sa binata, pero ayaw niya pa din na makita itong may kasamang ibang lalaki. Alam niyang wala siyang dapat ikaselos pero ‘yon ang nararamdaman niya. Natawa ito na hindi makapaniwala habang naiiling. “I can’t do that.” “At bakit hindi?” “Fin is my friend, not just my friend, he is my best friend! There is nothing wrong with that! At wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil alam ko sa sarili ko wala kaming ginagawang masama.” Nakakunot ang noo nito habang nagsasalita. “Pwes! Sa akin meron!” Nagtataka na itong nakatingin sa kanya. “Damn it, Sky! Hindi mo pa rin ba nararamdaman o naiisip na nagseselos ako sa lalaking ‘yon?” “Wala ka naman dapat ikaselos dahil wala naman kaming relasyon at wala din tayong relasyon.” Nagulat ito sa sinabi nito saka napakurap-kurap. “I… I didn’t—” “No.” Itinaas niya ang kamay para pigilan ito sa pag-explain. “You don’t need to explain, Sky.” Lalapit sana ito sa kanya pero lumayo siya. “Z-Zaver…” Napahawak siya sa bibig niya saka napatawa ng mapakla.”Tama din naman kasi ang sinabi mo kaya hindi mo kailangan magpaliwanag. Wala naman talaga tayong relasyon kaya wala akong karapatan na pagbawalan ka at wala akong karapatan na magselos.” Tumingin siya ng malungkot dito. Mas masakit pa itong nararamdaman niya ngayon kaysa ang ilang ulit siya nitong i-reject. “Pero sabihin mo sa akin, Sky, paano ba hindi magselos kapag nakita mo ang taong mahal mo na may ibang kasama at masaya sa iba? Paano ba hindi magselos kapag nalaman mo na ‘yong lalaking ‘yon ang kasama mo na nagpalaki sa mga anak natin na dapat ako,” tinuro niya ang sarili. “ako dapat ang kasama mo. Paano ba hindi magselos kapag naiisip ko na para kayong isang masayang pamilya at ako ang kontrabida sa buhay niyo?” Napatiim-bagang siya para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha niya. Damn this feeling! Nababaklaan na siya sa sarili niya pero hindi niya maiwasan dahil nasasaktan siya ngayon. “Kaya sabihin mo sa akin, Sky. Paano ba? Damn it!” Pinunasan niya agad ang tumulong luha. “Kasi kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasan na masaktan. Ilang beses mong sinabi sa akin na huwag mahulog sa ‘yo, pero dahil tanga ako, hindi ako nakinig sa babala mo. Kasi alam ko naman na ayaw mo sa akin, eh, pero pinipilit ko pa din kasi nga mahal kita! Mahal kita, Sky! Kahit pa nagmumukha na akong tanga na hinahabol ang taong ayaw naman sa akin.” Napasabunot siya sa sariling buhok. Para na siyang mababaliw sa sakit. Pakiramdam niya ay gusto na lang niyang matulog at huwag na magising para hindi na niya muli pa maramdaman ang sakit. “Bakit ka pa kasi dumating sa buhay ko? Sana iba na lang o kaya siya na lang ang pinili mo na maging ama ng anak mo para hindi mo nagulo ang buhay ko.” Tumawa siya ng mapakla. “Sorry kung ang dami ko ng sinasabi. Damn this! Ang tanga ko. “Ngayon ko lang naisip na baka kaya ayaw mo sa akin kasi kasama mo na pala ang lalaking gusto mo. Sorry, ha? Sorry kung nasira ko ang masaya niyong pamilya. Ang pamilya na akala ko kasali ako, pero hindi pala dahil sa simula pa lang ay binura mo na ako. Muntik ko ng makalimutan, semelya ko lang pala ang kailangan mo sa akin at hindi ako.” Tumalikod siyang lumuluha. Damn this life! Damn this love! Akala niya ay magiging masaya na siya kapag nakasama na niya ang mag-ina niya, but he was wrong. For the third time and he make sure that it will be the last… I am broken again. My heart broke again…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD