Five years ago…
“Sky.” Napatingin si Sky sa lolo niya nang tawagin siya nito.
Nakangiti siyang lumapit dito. “You need something, Grandpa?”
“Yes.”
“What’s that?”
Napabuntong-hininga ito. “Kailan mo ba ako bibigyan ng apo?” Nagulat siya sa naging tanong nito at the same time ay nasanay na din.
Palagi na lang kasi iyong tinatanong sa kanya ng lolo niya simula pa noon. Pero isang buwan na ang nakakalipas simula ng huli siyang tanungin nito tungkol sa apo. Akala niya ay titigil na ito sa pagtatanong sa kanya pero hindi pala. Akala niya ay napagod na ito sa pagtatanong, nagpahinga lang pala sandali.
Napabuntong-hininga na lang siya. “Grandpa, you already know that I don’t want to be married.”
“Hindi pwede na hindi ka mag-asawa, Sky. Paano mo naman kami mabibigyan niyan ng apo kung hindi ka mag-aasawa?” Sinamaan siya nito nang tingin.
“Why do you always ask this hard favor from me? Bakit ba gustong-gusto niyong humingi ng apo mula sa akin? Bakit hindi na lang kayo humingi ng isa pang-apo kina mommy at daddy. I’m sure madali lang sa kanila ‘yon.”
Napaaray siya nang batukan siya nito, mahina lang naman. Yong tipong matatanggal ang ulo niya sa leeg niya. Joke!
“Nakita ko na ang kabuoan ng pagmamahalan nila, ikaw ‘yon.” Hinawakan nito ang kanyang isang kamay. “Ang gusto ko naman makita ngayon ay ang sa ‘yo. I just want you to find your own happiness. Gusto kong magkaasawa ka, magkaanak, at magkaroon ng sariling masaya, at kompletong pamilya.”
“I don’t know, Grandpa.” Napailing-iling siya. “I just don’t feel like marrying or to be with some man.”
“I want to see my grandchild with you before I die, Sky.”
“Don’t say that, Grandpa. Malakas ka pa para magsalita ng mga ganyan. Ang lakas pa kaya ng mga tuhod mo. Nakakapag-ballroom ka pa nga, eh.”
“We can’t tell what will happen in the future, Sky. I really want to see my grandchildren with you before I—”
“Stop it, Grandpa.” Napabuntong-hininga na lang siya. “That’s not gonna happen, okay?”
“Ano ang hindi mangyayari? Ang makita ko ang apo ko mula sa ‘yo bago ako mamatay?”
Kahit pa malungkot ang boses nito ay nakikita naman niya ang ngiti sa mga mata nito. Pinapakonsesnya talaga siya nito.
“That’s not it.” Nagtaka ito dahilan para ngumisi siya. Hinawakan niya ang magkabila nitong balikat. “Hindi ka mamamatay ng maaga. Masyado ka pangmalakas para mamatay and besides, ang sabi nila ay matagal daw mamatay ang masamang damo.”
Mabilis siyang napalayo dito nang makita niyang hahampasin sana siya nito. Natatawa na lang siya habang nakatingin sa lolo niya. Hindi naman talaga masamang damo ang lolo niya, binibiro niya lang ito. Sa katunayan ay mabait ang lolo niya at mahal na mahal siya.
“You’re such an ungrateful child!” Namumula na ito sa inis. “Umalis ka dito!” Tinuro nito ang pintuan ng bahay nila. “At huwag na huwag kang babalik hangga’t wala kang nadadalang apo ko!”
Napailing-iling siya saka nagkibit-balikat. “Baka mabulok ka dito sa kakahintay, Grandpa.”
“Shut up, Sky Lher!” Natatawa na lang siya. Hindi niya sineseryuso ang sigaw ng lolo niya. “Hindi ko talaga alam kung saan ka nagmana. Mabait naman ang daddy mo at masunurin, lalo na ang mommy mo.”
“Baka nagmana ako sa ‘yo?” Natutuwa talaga siya kapag iniinis niya ang lolo niya. Mabilis kasi itong mapikon. “Bakit ba, Grandpa? Ikaw nga ang nagsabi na nagmana ako sa inyo, eh.”
“You!” Naiinis siya nitong tinuro.
“Oh! Relax lang, Grandpa. Baka matuluyan ka na talaga niyan.”
Napahawak ito sa dibdib na animo’y aatakihin. She wasn’t worried about him because she knows that her grandpa is healthy.
“Baka ikaw lang ang makakapatay sa aking bata ka!”
“Sige ka, Grandpa. Kapag namatay ka ay hindi mo talaga makikita ang apo mo.”
Bigla naman itong kumalma. “You mean, bibigyan mo na ako ng apo?” Nakita niya ang saya sa mga mata nito.
“Ang ibig kong sabihin, kapag namatay ka ay hindi mo na ako makikita. Ako, ang apo mo.” Turo niya sa sarili.
Napaiwas na lang siya nang tapunan siya nito ng unan. “Get out of my house!” galit nitong sigaw dahilan para marinig ng mga magulang niya at mapapunta sa kinaroroonan nilang dalawa.
“Dad?” Lumapit ito sa lolo niya saka palipat-lipat nang tingin sa kanilang dalawa. “What’s happening here? Bakit po kayo sumisigaw?”
“Itong anak mo, Blaire, pagsabihan mo.” Galit nitong turo sa kanya.
“Bakit, Dad? Ano bang ginawa ni Sky?” Napatingin ito sa kanya nang nagtatanong pero nagkibit-balikat lang siya dito.
“Gusto ata akong patayin ng batang ito, eh.”
“Sky Lher De Guzman!” may pagbabantang sabi ng daddy niya.
“What? I didn’t say that nor want that to happen. Haler!” Umikot ang mga mata niya.
Kahit kailan ay hindi niya ginusto na mapahamak ang mga mahal niya sa buhay, Minsan ang oa lang talaga ng lolo niya.
“Then what? Bakit galit na galit sa ‘yo ang lolo mo?”
Muli siyang nagkibit-balikat. “Well, he was asking me a favor the he know that I can’t give it to him.”
“Mahirap ba talaga ang hinihiling ko sa ‘yo na apo?” singit naman ng lolo niya.
Here we go again, she thought. Lagi na lang itong nangyayari sa bahay, ang ganitong topic. Like, what? Hindi ba sila nagsasawa? Pagtutulungan na naman siya ng tatlo.
Para bang ang dali-dali lang ng hinihingi ng mga ito. Nabibili ba sa mall ang apo? Kasi kung oo ay bibili siya ng dalawang dozena para tigilan na siya ng pamilya niya.
“Oo nga naman, Sky. Ano ba kasing problema mo at bakit hindi ka pa mag-asawa? Maganda ka naman, matalino, sexy, at nasa tamang edad na din para mag-asawa.” Napaikot ang mga mata niya sa sinabi ng ina.
“I’m still not ready, okay?”
“Bakit nga?”
“I just felt like marriage is not my thing, okay?” Napabuga siya ng malakas na hangin.
Kahit kasi ilang beses niyang sabihin ang mga katagang ‘yon ay hindi pa din siya tinitigilan ng mga ito.
“Paano mo naman nasasabi ang ganyan kung hindi mo pa nasusubukan na makipagrelasyon?”
Napabuga na naman siya ng malakas na hangin. Her parents, and grandpa always force her to get married, so she can give them a grandchildren.
“Where are you going, young lady?” sigaw ng daddy niya nang tumalikod siya saka maglakad.
“Maghahanap ng apo niyo!” pabalik niyang sigaw sa mga ito.
NATAHIMIK silang lahat nang makaalis na ng tuluyan si Sky. Bigla na lang nagsilabasan ang magandang ngiti sa mga labi nila.
“Sa tingin niyo ba maghahanap talaga si Sky ng mapapangasawa niya?” tanong ni Blaire sa asawa habang nakatingin sa may pinto kung saan lumabas si Sky.
“I really hope so, Dear.”
Napabuga naman ng hangin ang matanda. “Sana naman. Apo ang hinihingi natin sa kanya, pero ang gusto lang naman natin ay makahanap siya ng lalaking makakasama niya habang buhay. Iyong lalaki na mamahalin, at aalagaan siya.”
Tumango naman ang mag-asawa. They all just wanted Sky’s happiness.
NASA labas pa lang si Sky ng club ay naririnig na niya ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob. Napabuntong-hininga siya habang nakaharap sa pangalan ng club. Gusto niyang maglasing para kalimutan ang gusto ng mga magulang at lolo niya.
Sa totoo lang ay gusto niya din bigyan ng apo ang mga ito pero sadyang ayaw niya lang talaga mag-asawa. Kahit na si Fin minsan ang nirereto nito sa kanya ay ayaw niya. Kaibigan lang at kapatid lang talaga ang turing niya sa binata.
Nang makapasok siya sa loob ng club ay marami siyang tao na nakita, as always. Ano pa bang aasahan niya sa isang high class club na katulad nito. Syempre, palagi itong dinadayo ng mga mayayaman para magsaya. Umupo siya sa isang round table. May lumapit naman sa kanya na waiter at kinuha ang order niya.
Nang makapag-order na siya ay umalis na ang waiter. Habang naghihintay ay napatingin-tingin siya sa mga taong nagsasayaw sa dance floor, sa mga taong nag-iinuman, at masayang nagkukwentohan.
Hindi siya masyadong pumupunta sa mga club. Mas pipiliin pa niyang manood o makipag-car racing kaysa ang uminom at magwala gaya ng mga kababaihan na nakikita niya ngayon sa club.
Well, she don’t judge them. Hindi niya exact na alam kung bakit nandito ang mga tao sa club. Iyong iba ay gusto lang magsaya, ‘yong iba naman ay gusto makalimot dahil sa pagkasawi sa pag-ibig o ang mga kagaya niya na gusto lang makalimot sa problema.
Napako ang tingin niya sa isang gwapong lalaki na nakaupo sa may counter. Hawak nito ang isang baso na may lamang alak at kagaya niya ay nakatingin-tingin din ito sa paligid. Biglang may pumasok na ideya sa isip niya kaya naman tumayo siya saka lumapit dito.
Umupo siya sa may tabi ng upuan nito. Nakaharap na ito sa bartender nang wala itong mahanap na babae. Nakatingin lang siya sa harap at hindi ito tinapunan nang tingin. Ayaw niyang masabi nito na nagpapansin siya dito kahit ‘yon naman talaga ang intensyon niya.
Lihim siyang napangisi nang makuha niya ang atensyon nito. Wala pa nga siyang ginagawa ay nakikita na niya sa gilid ng mata niya na nakatulala itong nakatingin sa kanya ngayon.
May isang lalaking tumabi sa kanya at nagpakilala. Tiningnan niya ito ng isang malamig na tingin. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Tinaasan ng kilay. Sa totoo lang ay may itsura ito pero mas nagugwapohan pa din siya sa lalaking katabi niya sa kabila.
Hindi niya ito type kaya naman sinungitan niya ito. Mabuti na lang at maintindihin ito dahil umalis din ito nang paalisin niya ito. Kung saka-sakali talaga na hindi ito umalis ay baka nasapak na niya ito.
Minuto ang lumipas ay hindi siya kinausap ng katabi niya. Lihim siyang napasapo sa noo dahil baka pati ito ay natakot sa kanya. Mukhang papalpak ang plano niya.
Nagulat na lang siya nang kausapin na siya nito. Nagpakilala ito sa kanya—Zaver Balley—nagpakilala din naman siya dito, pero tanging pangalan niya lang ang sinabi niya.
They are still strangers to each other, for her. Wala siyang balak na sabihin sa binata ang buo niyang pangalan dahil para sa kanya, pagkatapos ng gabing ito ay hindi na sila muli pang magkikita.
Ang tanging gusto niya lang naman sa binatang ito ay ang semelya nito na makapagbibigay sa kanya ng anak. Gusto lang naman niya ay mabuntis siya ng binatang ito para mabigyan na niya ng apo ang mga magulang at lolo niya na halos araw-araw na lang siya kung kulitin.
Ang laki-laki ng problema ng mundo, pero para sa mga magulang at lolo niya ay apo sa kanya ang malaking problema ng mga ito.
NANG magtagumpay siya na angkinin siya ng binata ay napangiti siya. Hindi niya talaga ito hinayaan na gumamit kanina ng proteksyon. Kung nagkataon ay paano siya mabubuntis?
Kahit na masakit ang buo niyang katawan, lalo na ang p********e niya dahil first time niya ay maaga siyang bumangon, naligo at nagbihis. Nagsulat siya ng note sa isang sticky note saka inilagay sa noo ng binata. Mahina siyang natawa nang makita ang itsura nito.
Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siyang nakatingin sa maganda nitong mukha. Kahit pa masakit sa una ang pag-angkin nito sa kanya ay hindi nagtagal ay may kakaiba din siyang naramdaman na ngayon niya lang naramdaman. May kakaibang kiliti at sarap siyang nararamdaman habang paulit-ulit siya nitong inaangkin.
Ilang beses na may nangyari sa kanila. Sinigurado niya para naman mabuntis talaga siya. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha nito. Naiiling na lang siya sa sarili dahil hindi niya inaasahan na magugustohan niya ang pagpapaligaya nito sa kanya.
Ang isipin niya na may ibang lalaki na umangkin sa kanya ay hindi niya magawa. Ewan ba niya, parang ang gusto niya ay ang binata lang ang tanging makagalaw sa kanya. Napailing na lang siya. Ganito siguro ang nararamdaman niya dahil ang binata ang unang nakakuha sa kanya.
Muli siyang umiling saka tuluyan nang umalis sa hotel.
Nang makauwi si Sky sa kanila ay tulog pa ang mga tao sa bahay nila. Dumiretso siya sa kwarto niya saka muling naligo. Nilinis niya ang sarili dahil pakiramdam niya ay malagkit pa din ang katawan niya. Siguro ay dahil sinuot niya lang muli ang damit niya kanina.
Wala sa sariling napahawak siya sa bandang tiyan niya. “Sana mabuo ka na agad para wala nang maulit.”
Kahit kasi nagustohan niya ang nangyari sa kanila ay hindi naman niya ninanais na may mangyari ulit sa kanila lalo na’t ayaw niyang magkaroon sila ng koneksyon.
SIMULA nang may mangyari kina Sky at Zaver ay hindi na sila muli pangnagkita. Hindi na din naman siya pumupunta sa club kung saan sila nagkita dahil ayaw niya itong makita. Hindi dahil sa ayaw niya dito, kung hindi dahil ayaw niyang maging malapit dito.
Nang tumawag si Finley sa kanya para magpasundo sa club kung saan ito naglalasing dahil hiniwalayan ito ng girlfriend nito. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Zaver doon.
Nang tumingin ito sa kanya ay hindi niya ito pinansin at umiwas siya nang tingin dito. Alam din naman kasi niya sa sarili na hindi siya naaalala nito kaya bakit pa niya ito papansinin? Lumapit siya sa kaibigan niyang nakasubsob na ang mukha sa counter dahil sa kalasingan.
Napailing na lang siya nang makita ang mukha ng kaibigan. Sanabihan na niya ito na niloloko lang ito ng babae pero hindi ito naniwala sa kanya kaya ito ang napala ng kaibigan niya.
Binayaran niya ang mga nainom nito saka inalalayan ang kaibigan palabas ng club saka isinakay sa kotse niya. Bigla siyang nagulat nang may humawak sa braso niya at pinaharap dito. Mas nagulat siya nang makitang si Zaver ito, pero agad niyang winala ang gulat sa mukha niya.
Medyo nagulat siya nang makilala siya nito. Basi kasi sa naririnig niya tungkol sa binata ay hindi nito naaalala ang mga nakaka-one night stand nito kaya naman hindi niya maiwasan na magulat dahil naaalala siya nito.
Natatawa siya sa reaksyon nito nang sabihin niyang hindi niya ito kilala. It’s time to taste his own medicine. Ngayon alam na nito ang pakiramdam ng hindi naaalala ng isang tao.
AKALA ni Sky ay hindi na sila muling magkikita ng binata pero mukhang natutuwa ang tadhana na pagtagpuin ang mga landas nila. Nakita niya ito sa isang restaurant. May kasama itong babae. Natawa siya nang sampalin ito ng ka-date nito.
Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at lumapit siya dito. Sinamahan niya ito at nakipag-usap pa dito. Mas natutuwa siyang kasama ang binata dahil habang tinutukso niya ito ay naiinis ito sa kanya.
Pakiramdam niya ay ang init ng dugo nito sa kanya. Mas natutuwa tuloy siya kapag nakikita na magkadikit ang mga kilay nito kapag iniinis niya.
Hindi ‘yon ang huling pagkikita nila ni Zaver. Ang akala niyang huli nilang pagkikita ay naging akala na lang. Maraming beses silang pinagtatagpo ng tadhana hanggang sa hindi niya alam kung magkaibigan na ba sila dahil palagi itong naiinis sa kanya.
Hanggang sa nalaman nito ang tungkol sa bahay ampunan. Doon niya nakita na kahit womanizer ito ay may mabuti itong puso para sa mga bata. Habang nakatingin siya sa binata habang nakikipaglaro sa mga bata ay napapangiti na lang siya. Nakikita niya kasi na magiging isa itong mabuting ama balang araw.
NAGISING si Sky na parang babaliktad ang kanyang sikmura kaya naman agad siyang bumangon saka patakbong pumuta sa banyo at doon sumuka. Halos kalahating-oras din siya sa banyo dahil sa sama ng pakiramdam niya. Nagsusuka siya pero tanging laway lang naman ang naisusuka niya.
Nang medyo maging mabuti na ang pakiramdam niya ay lumabas siya saka uminom ng tubig. Pakiramdam niya ay medyo gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos nang pagsuka niya.
Habol niya ang hininga nang makaupo siya sa may sofa. Napagod siya sa kakasuka niya na halos abutin siya ng kalahating oras. Napatulala siya sa kawalan ng may biglang pumasok sa isip niya.
Napatayo siya saka muling bumalik sa banyo. Napatitig siya sa salamin na sa likod nito ay isang maliit na kabinet. Natakip siya sa kanyang bibig. Ngayon niya lang napansin na hanggang ngayon ay hindi pa siya dinadalaw. Hindi niya ‘yon napansin dahil sa sobrang busy niya. Hindi kaya?
Agad siyang naligo saka nagbihis para pumunta sa hospital. Gusto niyang makasiguro na tama ang hinala niya at sana nga tama siya.
Nang makarating sa hospital ay naghintay siya sa waiting chair. Naghihintay siya na matawag ang pangalan niya. Habang naghihintay ay hindi siya mapakali. Lihim siyang nagdadasal na sana tama nga ang hinala niya. Na sana matupad na ang matagal nang hiniling ng pamilya niya.
Napahawak siya sa kanyang tiyan saka kinausap ito sa isip.
Sana nabuo ka ng isang gabi lang. Magiging masaya ako kapag may bata na sa sinapupunan ko.
“Mrs. De Guzman?” Mabilis siyang napatayo nang marinig na tawagin ang apelyedo niya.
Lumapit siya sa babaeng tumawag sa kanya. “I’m still single.” Ngumiti siya dito saka pumasok na sa clinic.
Ilang test ang ginawa sa kanya at pinaghintay siya ng ilang minuto bago tuluyang lumabas ang mga result ng test niya.
“Congratulations, Miss De Guzman. You’re ten weeks pregnant.”
Naging malaki ang ngiti niya sa labi dahil sa narinig niyang sinabi ng Doctor. “Really, Doc?”
May ibinigay ito sa kanya na isang maliit na papel. Kinuha niya ito saka napangiti nang makitang ultrasound ito ng magiging anak niya. Binigyan siya ng Doctor ng mga vitamins. Binigyan din siya nito ng mga advice kung ano at hindi niya dapat gawin.
Nang makauwi sa bahay nila ay malaki pa din ang ngiti sa labi niya. Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti lalo na’t naiisip niyang may bata sa sinapupunan niya. May anak na siya. Hindi niya inaasahan na ganito pala kasaya ang maging ina.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay mas lalo siyang napangiti nang makita na nasa sala ang lahat ng tao na pagsasabihin niya ng magandang balita, kasama na doon ang kaibigan niyang si Finley. Mukhang nandito ito ngayon para kulitin siya.
“Hello, everyone!” tawag pansin niya sa mga tao na nasa sala. Lahat naman ay napatingin sa kanya. Ngumiti siya ng malaki. “I have an announcement to make!”
“What that, Dear?” tanong ng mommy niya na nagtatakang nakatingin sa kanya. “You look happy today.”
“I am, Mom!”
“Why?” Mas lalo itong nagtaka.
Tiningnan niya muna isa-isa ang mga tao saka ngumiti ng malapad. “Because I’m pregnant!” masaya niyang sabi na nakapagtahimik sa buong bahay.
Nanlaki ang mga mata nito na ikinatawa niya. She was expecting that. Habang gulat na gulat ang mga ito na nakatingin sa kanya ay nakangiti naman siya. Ilang minuto itong tulalang nakatingin sa kanya.
“What?” Unang bumalik sa reyalidad ang daddy niya. “What did you just said?”
Napailing-iling ang mommy niya. Mukhang bumalik na din ito sa Earth. “You’re what?”
“I am pregnant,” dahan-dahan niyang sabi para makuha ng mga ito.
“How?” tanong ng lolo niya na hanggang ngayon ay gulat pa ding nakatingin sa kanya.
Napanguso siya. “Paano ba mabuntis ang isang babae?” pamimilosopo niya.
“I know how, silly. What I mean is, sino ang ama? Nasaan siya? Kailan ang kasal niyo?” sunod-sunod nitong tanong dahilan para mapaikot siya ng mga mata.
Porqeu nabuntis lang siya ay kasal na agad ang gustong pag-usapan.
“Oo nga, Dude. Sino?” gulat na tanong ni Fin nang makabalik na din ito sa mundong ibabaw. “Wala ka naman naikukwento sa akin na may boyfriend ka kaya paano kang nabuntis? Ginawa mo ba ‘yan mag-isa?” Napailing na lang din siya sa kaoehan ng kaibigan niya.
May bata bang nabubuo mag-isa? Kung meron nga ay hindi na niya sana kinailangan pa ang binata para makabuo. Eh, di sana matagal na niyang naibigay ang gusto ng pamilya niya.
“Who’s the father?” tanong naman ng mommy niya.
“It doesn’t matter who, Mom.” Kumunot ang noo nito. “Ang importante ay mabibigyan ko na kayo ng apo. Nang apo na matagal niyo nang hinihiling sa akin. That’s what you want, right?”
Natahimik ang mga ito saka napatingin sa isa’t-isa. Hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi natuwa ang mga ito sa balita niya.
Napatingin siya sa lolo niya nang marinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “You’re right, Sky. That’s what we want. A grandchild.”
“Well, natupad na.” Napakunot naman siya ng noo sa nakikitang ekpresyon sa mga mukha nito. “Pero bakit parang hindi kayo masaya?”
Tiningnan niya isa-isa ang mga ito. “Well, except for a grandchild, Apo, we also want you to find a man to be with. Iyong makakasama mo, mag-aalaga, at mamahalin ka habang buhay. We want you to build your own family. Hindi matatawag na pamilya ‘yan kung walang ama, kung kulang kayo.”
Napabuga na lang siya ng malakas na hangin. “I told you all many times that I don’t want to marry someone. Wala akong plano na magpakasal. Kaya naman naghanap ako ng pwedeng magbigay sa akin ng anak. Para naman kahit hindi ako mag-asawa ay mabigyan ko kayo ng apo.” Natahimik ang mga ito. “Just be happy dahil magkakaroon na kayo ng apo.”
Tumalikod na siya sa mga ito saka dumiretso sa kwarto niya. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit gusto ng mga ito na mag-asawa siya gayong magkakaroon na ito ng apo na galing sa kanya.
Napahawak siya sa kanyang tiyan saka napangiti nang maisip na may isang munting anghel sa sinapupunan niya. Agad na pumasok sa isip niya si Zaver. Kahit ayaw niyang magkaroon ng koneksyon dito ay sasabihin niya pa din sa binata.
Kahit kasi anong mangyari ay may karapatan pa din itong malaman ang tungkol sa pagbubuntis niya dahil ito ang ama ng magiging anak niya.
KINAGABIHAN ay pumunta siya sa club kung saan niya nakilala ang binata. Nagbabakasakali siya na makita doon ang binata. Mukhang sinuswerte naman siya dahil nandoon nga ang binata. Nakita niya ito sa bartender section habang gumagawa ng alak.
Gusto niyang tikman ang gawa nito dahil hindi pa siya nakatikim nang pinagmi-mix nitong alak, pero alam niyang hindi pwede dahil makakasama ‘yon sa anak niya.
Binigyan siya nito ng alak. Gusto man niya tikman ay pinigilan niya ang sarili. Sinabi na niya sa binata ang pakay niya. Hindi niya maiwasan na matawa dahil sa mga pinagsasabi nito.
She was expecting him to say all of those word dahil alam niya na kagaya niya ay ayaw din ng binata na maikasal. Pareho lang sila ng gusto kaya walang kaso sa kanya.
Nagpasalamat siya kay Zaver saka binigay ang ultrasound ng anak nila. Kahit man lang ‘yon ay makita ng binata. Pagkatapos nang pag-uusap nila ay umalis na siya.
Ito na ang huli nilang pagkikita dahil kinabukasan ay aalis na siya ng bansa. Gusto niyang lumayo, lalo na sa binata. Ayaw niyang maging magulo ang buhay nito dahil lang sa buntis siya.
Sinadya din niyang hindi sabihin sa pamilya niya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya dahil alam niyang pipilitin lang sila nitong magpakasal. Mas lalong masisisra ang buhay ng binata at mapipilitan itong pakasalan siya kahit pa ayaw nila.