Chapter 60 “Simula ngayon hindi na. Wala akong anak na kayang patayin ang sarili niyang mga kapatid!” sigaw nito. Tumawag ng mga kawal si Ignatius at pagkatapos ay ginamitan ng mahika ang mga kadena sa kamay ni Philiph upang hindi ito makatakas. Nakita ni Evan na bumaba muli si Alastor at lumapit ito sa kanila. “Evan... masaya ako na buhay ka,” sambit ni Alastor at niyakap siya nito. “Guro, hindi mo ba ako nahanap ng mahika mo?” tanong niya. Umiling ito, “Hindi na, pero araw-araw kong sinusubukan ngunit hindi na kita maramdaman kaya’t may parte ko na tinanggap na wala ka na talaga.” Hindi niya ito masisisi. Rinig na rinig ni Evan ang bulungan ng mga tao. Hindi ng mga ito inaasahan na si Philiph ay kayang gawin iyon sa kaniya ay kay Kasimiro. “Hindi ako makapaniwala, si Philiph... n

