Chapter 61 Nasa hall sila. Ang kanilang ama ay nakaupo sa trono nito habang sila ni Kasimiro ay nakatayo sa tabi nito. “Ilabas sila,” utos ng kanilang ama. Nila... si Osvar at si Philiph. Hindi pa niya nalalaman kay Osvar kung nasaan si Figus at ang ibang mga duwende. Iyon rin ang dahilan kung bakit naroon pa rin si Floryne. Hinihintay rin ito ng hari at reyna ng Esterian. Nagkausap na ang mga ito at nakita niya kanina na hindi pa makapaniwala si Floryne na ito ang nawawalang bunsong anak ng hari at reyna ng Esterian. Hila-hila sa kadena ng mga kawal si Philiph at si Osvar. Iba na ang kasuotan ng mga ito. Ang suot ay ang damit na para sa mga preso. “P-Papa... nagsisisi na ako, patawarin ninyo ako,” sambit ni Osvar. Napatingin si Evan kay Philiph. Nakayuko lamang ito at walang reaks

