Chapter 41

1438 Words

Chapter 41 Hindi niya itinuro iyon kay Evan kaya’t nagulat siya nang isang araw ay may ipakita ito sa kaniya. “Guro, maaari ba kitang makausap? Sandali lang?” Napahinto siya sa paglalakad sa pasilyo nang humarang sa kaniya si Evan. “Sige, wala naman akong ibang gagawin.” Nag-usap sila sa isang silid na walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa. May inilabas si Evan na kahon at napatingin doon si Alastor. Nakita niya na isang pares ng itim na hikaw iyon. “Ano iyan? Kanino mo ireregalo?” tanong ni Alastor. Napakamot naman sa batok si Evan, “Hindi, guro, ang mga hikaw na ito ay espesyal. Nag-aral ako ng isang mahika na makakapagpakita ng mga mangyayari sa akin. Katulad ng mahika na ipinataw mo. Ngunit, nabasa ko sa isang libro na maaari akong gumamit ng kahit anong bagay upang doon k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD