Chapter 40 Hindi na muling nakita si Kasimiro. Labis na nagdalamhati ang reyna sa nangyari sa ika-apat na prinsipe ng Doumentry Kingdom. Ang ipinanalangin na lamang nito ay makita ang katawan ng anak. Ngunit lumipas ang mga taon, hindi napagbigyan ang kahilingan nito. Mas pinagtibay ang pagbabantay sa kaharian ng Doumentry pagkatapos ng nangyari kay Evan at kay Kasimiro. Matinding kalungkutan ang naramdaman ni Leopold dahil isa ito sa malapit kay Kasimiro. Nawala ang masiyahing si Leopold at hindi na ito palakibo hindi katulad ng dati. Isa pa, nagbago ang pakikitungo nito kay Evan, nagkalayo ang loob ng dalawa sa isa’t-isa dahil sa nangyaring pagkamatay ni Kasimiro. Inamin kasi ni Evan sa mga ito na iniligtas siya ni Kasimiro sa atake ng mga nakaitim na wizard at nahulog ang katawan nit

