Chapter 58 Nagpatuloy sila sa paglalakad upang makarating sa kanilang kaharian at nang makita na nila ang lupain ng Doumentry Kingdom ay bumalik ang lahat ng mga masasalimot na nangyari sa kaniya. Napahawak si Evan sa kaniyang hikaw, ang hikaw niya ang susi upang maipakita kung ano ang ginawa ni Philiph sa kaniya sakaling hindi na gumana ang mahika na ipinataw sa kaniya ni Alastor. “Doumentry Kingdom.” Hindi naging madali ang lahat para kay Evan. Ngayon na nakabalik na sila sa lupain ng Doumentry ay sisiguruhin nila ni Kasimiro na magbabayad si Osvar at si Philiph sa ginawa ng mga ito sa kanila. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Ang mga nangyari bago ako muling makabalik ngayon sa aming kaharian. Bago ko matagpuan at malaman na buhay si Kasimiro. Naisip noon ni Evan na

