Chapter 57 Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang bayan ng tetra. Bumungad sa kanila ang maraming tao. Ang iba ay nagtitinda at ang iba naman ay namimili. Habang naglalakad sila ay napahinto si Evan sa isang tindahan. Ang ibinebenta ng babae ay mga porselas, kwintas at mga pang-ipit sa buhok. Napatingin siya kay Floryne, nang nasa Varianus sila ay nakikita niya na palaging nakatali ang mahabang buhok nito. Lumapit siya sa tindera at ganoon na rin si Kasimiro at si Floryne. “Ano ang bibilhin mo?” tanong ni Kasimiro sa kaniya. “Pang tali ng buhok,” sagot niya. Nagkatinginan silang dalawa ng tindera. Nakakunot ang noo sa kaniya at masama ang tingin. “Bibili ka ba? May pera ka ba?” masungit na tanong nito sa kaniya. “Oo, bibili ako,” sabi niya at nilingon si Kas

