Chapter 56 Katulad ng napag-usapan ay maaga silang naglakad upang makalabas sa gubat ng Gorens. Maayos na nakapagpaalam si Kasimiro sa mga goblin na nakasama nito sa loob ng limang taon. Binigyan pa sila ng basbas ng mga goblin. Pinagkalooban rin sila ng mga ito ng maskara upang hindi makilala ng mga tao si Evan at si Kasimiro. Maitatago ng mga maskarang iyon ang totoong mukha ng dalawa. Magagamit nila ang mga maskara sa kanilang paglalakbay papunta sa kaharian ng Doumentry Kingdom. Habang binabaybay nila ang daan palabas ng gubat ng Gorens ay napansin ni Floryne ang pananahimik ni Evan. Ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa kanilang dinaraanan. Para bang napakalalim ng iniisip nito. “Maya-maya ay magpahinga muna tayo, kumain tayo ng kamote upang hindi tayo magutom. Mahaba pa ang at

