Chapter 55 Biglang pumasok sa isipan niya si Floryne. Mabuti na lamang at wala ito doon. Tiyak na sobrang mag-aalala ito kung nasaksihan ang pangyayaring iyon. “Kilala mo ang nilalang na kasama ng mga kawal?” bulong ni Kasimiro sa kaniya. Mariin siyang pumikit at dahan-dahan na tumango. “Siya ang nagpalaki kay Floryne, siya rin ang nagprotekta sa mga takas na duwende sa Varianus forest. S-Siya ang tumulong sa akin, Kasimiro. Si Figus ang nagbibigay sa akin ng balita sa kung ano na ang nangyayari sa kaharian natin. A-Ako ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay niya at ng mga duwende sa Varianus.” Osvar... Tiyak na si Osvar ang may pakana non. Wala nang iba pa. Si Osvar lang ang nagmamalupit sa mga duwende na trabahador ng kanilang kaharian. Nang mawala sa kanilang paning

