MARAHANG umangat ang isang kamay ni Jillian. May itinuturo ito at sinundan ng mata ni Candice ang itinuturo nito. Nanlaki ang mata niya sa gulat nang malaman kung bakit ito sumisigaw. Wala na ang katawan ni Alexander mula sa lubid kung saan ito nakabigti kanina! Ang tanging naroon na lang ay ang lubid. Wala na ang katawan. “f**k! Nasaan na ang katawan ni Alexander?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Rocco habang tinutulungan niyang tumayo si Jillian na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot. Panay ang haplos niya sa likuran nito para kumalma. “Anong nangyari, Jillian? Bakit nawala si Alexander?” tanong niya. Umiling ito habang umiiyak. “Hindi ko alam! Hindi ko alam!” isinubsob nito sa mga palad ang mukha. “Pag-akyat ko kasi dito ay nakita kong nakabukas ang pinto

