“K-KAPATID ka ni Aliyah?” Nabibigla at hindi makapaniwalang turan ni Candice nang mapagtanto niya kung sino si Samuel. Naisip niya iyon dahil magkaparehas ang dalawa ng apelyido. Imposible naman na tatay ito ni Aliyah dahil masyado itong bata para maging tatay. Kaya naisip niyang baka ito iyong nakakatandang kapatid ni Aliyah. Ngumisi si Samuel at tumango-tango. “Tama ka. Ako ang nakakatandang kapatid ng babaeng pinatay ninyo!” Mabilis na lumipat ang dalawang kamay ni Samuel sa kaniyang leeg at nangigigil na pinisil iyon. Tumirik ang mata niya dahil sa sakit. “T-tama na… H-hindi ako m-makahinga…” Nahihirapan niyang pakiusap. Pilit niyang inaalis ang kamay ni Samuel sa leeg niya pero masyadong mahigpit ang kapit nito doon kaya hindi siya magtagumpay. “Iyan ang dapat sa iy

