LESSON 23- His Past

2279 Words

                “KUYA, h-hindi ko kayang magkakahiwalay tayo! Ayoko, kuya. Ayoko!” Kahit hindi nakikita ni Samuel ang mukha ng nag-iisa at nakakabata niyang kapatid na si Aliyah ay alam niyang umiiyak ito. Nakayakap ito sa kaniya. Naroon sila sa kwarto nila sa kanilang maliit na bahay. Doon sila natutulog ng kaniyang kapatid at ina. Magkakasama silang tatlo sa bahay na iyon simula nang mamatay ang haligi ng tahanan pero nalalapit na rin ang kanilang pagkakawatak dahil sa muling pag-aasawa ng kanilang ina. Labis ang pagtutol ni Samuel sa muling pag-aasawa ng nanay nila ni Aliyah. Para kasi sa kaniya ay hindi na nila kailangan ng ama. Sa tingin din niya ay nagiging makasarili lang ang nanay niya. Panigurado kasing mahahati na ang atensiyon ng nanay nila dahil meron na naman itong asawa. Da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD