LESSON 22- Heart To Hurt

1974 Words

                MATAPOS ang malakas na pagsigaw ni Candice at naitutop niya ang mga kamay sa bibig. Nanginig ang tuhod niya sa nakitang kahindik-hindik na ayos ni Alexander. Napaluhod siya habang hindi maalis-alis ang mata sa nakabigting katawan sa kaniyang harapan. May mga yabag ng paa siyang narinig at maya maya ay dumating na sina Samuel at Jillian. Maging si Jillian ay napasigaw din. Habang si Samuel naman ay itinayo siya at niyakap siya. Isinubsob siya nito sa dibdib upang hindi niya makita ang nakabigting si Alexander. Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa pag-asang mawawala sa kaniyang isipan ang imahe ni Alexander pero nagkamali siya. Mas lalo pa ngang naging malinaw ang lahat. Impit siyang napahagulhol at isiniksik nang husto ang sarili kay Samuel. Inilayo siya ng nobyo sa sil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD