PARANG gumuho ang mundo ni Destiny sa kaniyang nakita sa gitna ng gubat. Nagtatalik sina Candice at Rocco. Nasa ibabaw ang babae habang gumigiling. Kapwa hubo’t hubad at parang may sariling mundo. Nakapikit ang mga ito at halatang sarap na sarap sa ginagawa. Hindi agad nagawang gumalaw ni Destiny. Oo, inaasahan na niya na makikita niyang magkasama ang dalawa pero hindi ganitong tagpo ang nasa isip niya. Ang akala niya ay nag-uusap lang ang dalawa. Mas matindi pa pala doon ang kaniyang makikita. Nag-init ang gilid ng mata ni Destiny at sunud-sunod na naglaglagan ang luha doon. Parang unti-unting kinukuyumos ang kaniyang puso hanggang sa madurog iyon at magkapira-piraso. “Destiny, t-tara na—” Ipiniglas niya ang braso nang hawakan siya doon ni Jillian. Bakit siya aalis? Bak

