PAKIRAMDAM ni Candice ay mababaliw na siya sa sobrang sarap habang nagtataas-baba sa ibabaw ni Rocco. Ngayon ay nakapaibabaw na siya dito at siya na ang may kontrol sa kanilang p********k. Nakahawak ang dalawang kamay ni Rocco sa kaniyang mga beywang at manaka-nakang hinahampas ang pisngi ng kaniyang puwit kapag ito ay nanggigigil. Kapwa sila nakapikit na dalawa. Ninanamnam ang sarap ng pagniniig na iyon. Impit ang mga ungol dahil kinakabahan sila na baka may makarinig sa kanila.
Nalaman niya na malapit nang labasan si Rocco dahil mas lumalakas na ang ungol nito. Malapit na rin siya at ang gusto niya ay sabay silang sumabog.
“Malapit na ako, Rocco!” hiyaw niya.
“A-ako din! Faster, please. Faster!”
Sa sinabing iyon ni Rocco ay mas lalo niyang binilisan ang pagtaas-baba. Sinamahan pa niya ng paggiling na lalong nagpatirik sa mga mata ng lalaki. Nararamdaman na niya. Malapit na siya. Malapit na malapit na! Anumang sandali ay lalabasan na siya!
Ngunit nang halos isang segundo na lang at sasabog na ang katas ng pagnanasa nila ni Rocco ay may isang kamay na humablot sa buhok niya at hinila siya palayo kay Rocco. Kinaladkad siya ng may-ari ng kamay. Napasigaw siya sa sakit ng pagkakasabunot at hila nito. Gumagasgas pa sa matutulis na bato ang binti niya.
“Hayop ka! Malandi kang babae ka! Putang ina ka!!! Papatayin kita! Papatayin kita!” Nang murahin siya ng taong sumabunot sa kaniya ay doon niya nalaman na si Destiny pala iyon.
KANINA pa umiikot ang mata ni Destiny dahil sa sobrang bored. Panay din ang hikab niya. Nasa kusina sila at nakaupo sa may dining area habang nagkukwento si Alexander ng kung anu-ano tungkol sa buhay nito. Mga nakakatawang experience nito noong bata pa ito hanggang sa magbinata.
Sa lahat yata ay siya lang hindi interesado sa mga sinasabi ni Alexander. Kung hindi lang kabastusan ay baka kanina pa siya nag-walk out. Mas maganda pang matulog kesa makinig sa boring na kwento ni Alexander.
Wala kasi si Rocco. Umiinom ito sa labas. Anito, hindi ito makatulog at gusto nitong malasing kahit papaano para daw antukin ito at maging maganda ang pagtulog mamaya. Hinayaan na lang niya ang nobyo. Wala kasi siya sa mood na uminom ngayon kaya hindi na niya ito sinamahan.
Maya maya ay tumayo si Candice. Narinig niya na nagpaalam ito kay Samuel na may kukunin lang ito sa itaas. Ayaw niyang tingnan ang babae kaya inirapan niya ito.
Kumukulo talaga ang dugo niya kapag nakikita si Candice dahil alam niya na hanggang ngayon ay may gusto pa rin ito kay Rocco. Noon pa man ay gusto na niya si Rocco. Ewan ba niya kung bakit siya natatakot noon kay Candice at hindi siya gumawa ng paraan para maagaw si Rocco dito. Dala na rin siguro ng kabataan kaya parang itinuring nilang reyna si Candice. Pakiramdam kasi nila ay matapan na tao ito at kaya silang protektahan.
“Kaya kayo, i-enjoy niyo lang ang inyong kabataan habang meron pa kayong oras. Huwag kayong tumulad sa akin na nalipasan na,” tumatawang sabi ni Alexander.
“Pero hindi pa naman kayo ganoon katanda, a,” sabi ni Jillian. Nakangalumbaba pa ito at isa sa mga natutuwa sa mga kwento ni Alexander na hindi niya talaga gusto ang pinagkukwento.
“Kumpara sa inyo, matanda na ako.”
“Hindi naman halata, e…” ani Samuel.
“Binola niyo pa ako.” Bahagya pa itong natawa. “Oo nga pala, nasaan na iyong isa ninyong kasama? Si… Nikki? Tama ba? Nikki ang pangalan no’n?”
Nagkatinginan sila sa tanong ni Alexander. Inaasahan na nila na magtatanong ito sa pagkawala ni Nikki. Alam nilang mapapansin nito iyon at hindi siya handa sa isasagot dito.
“Umalis na po kanina.” Si Samuel ang sumagot.
“Paanong umalis? Nandiyan pa iyong sasakyan ninyo.”
“Inihatid lang po siya ni Rocco no’ng wala kayo. Sa may sakayan ng bus. Nagkaroon kasi ng emergency sa kanila kaya kailangan na niyang umuwi.” Napatango-tango si Alexander sa sinabi ni Jillian.
Hindi na napigilan ni Destiny ang sarili at sumingit na siya para ibahin ang topic ng pinag-uusapan. Gusto rin niyang malihis ang usapan tungkol kay Nikki at baka magduda pa si Alexander. “Where’s your ex-wife?” Lahat ay napatingin sa kaniya. “I mean, ano na ang nangyari sa kanila after na maghiwalay kayo. Hindi ka ba ulit nag-asawa? And what was the reason kung bakit kayo naghiwalay? Can you tell us?”
Tila naumid ang dila ni Alexander at hindi ito nakasagot. Ito ang gusto niyang usapan at hindi iyong mga childhood experiences na wala namang kwenta.
“Destiny!” saway ni Jillian sa kaniya.
Inirapan niya ito. “What? Masama bang magtanong? And besides, bored na bored na ako sa piang-uusapan ninyo, e!” Maarte niyang sagot.
Tumikhim si Alexander at napipilitang ngumiti. “Huwag na kayong mag-away. Kaya ko namang sagutin ang mga katanungan ni Destiny,” wika nito.
“See? Kaya niya!”
“Ang totoo ay hindi ko na alam kung nasaan na ang mag-ina ko. Simula nang umalis ang asawa ko dito na ipinagbubuntis ang anak ko ay wala na akong naging balita pa sa kanila. Halos apat na taon na rin akong mag-isa sa bahay na ito. At ang dahilan ng aming paghihiwalay ay dahil sa nagkaroon ako ng ibang babae…”
“Kasalanan mo naman pala kung bakit ka iniwan, e. You deserved to be alone. I guess!” Walang prenong sabi niya.
“Destiny!” saway ulit ni Jillian.
“Ano bang mali sa sinabi ko? Karma is real. Inaani lang ni Alexander ang kabayaran sa ginawa niyang panloloko!” Inirapan niya si Jillian. Napansin niya na wala pa rin si Candice. Hindi pa ito bumabalik. “Nasaan na ba si Candice? Parang ang tagal niya yatang bumalik. Ano bang kukunin niya sa itaas, Samuel?”
“Hindi ko alam. Basta sabi niya ay may kukunin lang siya…”
Nagkaroon ng hinala si Destiny. Mabilis siya pagdating sa bagay na iyan. Nasa labas si Rocco at si Candice ay kanina pa wala. Hindi maganda ang nararamdaman niya. May kutob siya na wala sa itaas si Candice at sinundan nito sa labas ang boyfriend niya.
Tumayo si Destiny at akmang paalis nang kausapin siya ni Jillian.
“Saan ka pupunta?” tanong nito.
“Titingnan ko sa itaas kung nandoon talaga si Candice!” sagot niya at walang lingon-likod na naglakad palabas ng kusina.
Hindi talaga siya dapat magtiwala sa babaeng iyon. Kahit na kasama nito ang nobyo ay talagang kikilos at kikilos ito para makalapit sa boyfriend niya. Ang tanga lang niya dahil naisahan siya yata ni Candice ngayon. Malay ba kasi niya na may plano na ito? Pero kung inaakala nitong maaagaw nito si Rocco sa kaniya ay nagkakamali ito. Mahal na mahal na niya si Rocco at dadaan muna ito sa ibabaw ng bangkay niya bago iyon mangyari!
Paakyat na siya sa hagdan nang maramdaman niyang may nakasunod sa kaniya. Paglingon niya ay nakita niya si Samuel na nakasunod sa kaniya.
“Sasamahan kita,” anito.
“I know na parehas tayo ng iniisip. Right?”
Kumunot ang noo ni Samuel. “Gusto lang kitang samahan. Anong parehas ang iniisip ang sinasabi mo?” May pagtatakang turan nito.
“Don’t tell me na hindi mo alam ang past ng boyfriend ko at ng girlfriend mo?”
Naguguluhang umiling ang lalaki. “Anong past? Pwede bang huwag ka nang magpaliguy-ligoy, Destiny? Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”
Maarteng itinirik niya ang mga mata. “My God! Hindi pala sinabi ng magaling mong girlfriend sa iyo na ex niya si Rocco? Sinasabi ko na nga ba, may plano ang babaeng iyon kaya hindi niya sinabi sa iyo na naging sila ng boyfriend ko noong high school kami!” Naiinis niyang sabi. Kung kaharap lang niya si Candice ay baka kanina pa niya ito sinabunutan. Kakalbuhin niya talaga ito kapag tumama ang kaniyang kutob. Hindi siya magdadalawang-isip na gawin iyon.
“Anong plano?” tumiim ang bagang ni Samuel.
“Are you that dumb para hindi ma-gets ang sinasabi ko, Samuel? Plano ni Candice na agawin si Rocco sa akin! Hindi pa rin siya nakaka-move on sa boyfriend ko. Kaya please! Ilayo mo ang maharot mong syota from my boyfriend!” aniya sabay talikod. Nagpatuloy siya sa pag-akyat sa hagdan at alam niyang nakasunod sa kaniya si Samuel dahil naririnig niya ang yabag nito.
Dire-diretso siya sa kwartong tinutuluyan nina Candice. Walang tao doon. Isinunod niya ang sa kanila at gaya ng nauna ay wala din doong tao.
Mas lalo siyang nagpuyos sa galit. “Hindi totoong pupunta siya dito! Sinasabi ko na nga ba!” Kulang na lang ay umusok ang ilong ni Destiny sa sobrang galit.
“Nasaan ba si Rocco?” tanong ni Samuel.
“Nasa labas! Malamang, nandoon din ang maharot na si Candice!” At agad siyang bumaba.
Pagdating nila ni Samuel sa ibaba ay sinalubong sila nina Jillian at Samuel.
“Anong nangyayari?” tanong ni Jillian.
“Iyong magaling mong kaibigan! Hindi totoong nasa itaas siya. Kasama niya ngayon ang boyfriend ko sa labas at nilalandi niya panigurado!” Hinawi niya ang dalawa at malalaki ang hakbang na naglakad palabas ng bahay.
Iginala niya ang mata pero hindi niya makita si Rocco o kahit si Candice.
“Rocco!!!” Malakas niyang tawag. Walang sumagot.
Mas lalong lumakas ang hinala niya na magkasama ang dalawa nang may makita siyang isang bote ng alak at dalawang baso na nakapatong sa lupa. Kung ganoon ay kinuha ni Candice ang alak sa may salas nang hindi nila namamalayan.
Nasabunutan niya ang sarili at hindi alam ang gagawin. Nasa likuran niya sina Jillian, Samuel at Alexander.
“Magkasama sila! Alam ko! That b***h!!!” Gigil niyang sambit. Hindi na niya alam ang gagawin kung paano niya mahahanap ang dalawa.
“B-baka naman mali ka lang ng iniisip—”
Malakas niyang itinulak si Jillian. Matutumba sana ito kung hindi nahawakan ni Samuel sa braso. “Ako pa ang mali?! Kilala ko ang likaw ng bituka ni Candice! Ahas ang babaeng iyon at gagawin niya ang lahat para mapunta ulit sa kaniya si Rocco!” sigaw niya.
Pumagitna na sa kanila si Alexander. “Huwag na kayong mag-away. Ang mabuti pa siguro ay hanapin ninyo ang mga kaibigan ninyo. Ikukuha ko lang kayo ng flashlight. Hintayin ninyo ako dito.” Bumalik ito sa loob ng bahay.
Nang maiwanan silang tatlo ay nilapitan niya si Samuel. “Ikaw, nobyo ka ni Candice. Ano ang gagawin mo oras na malaman mo na may ginagawang kababalaghan ang girlfriend mo?” diretsong tanong niya.
Hindi agad nakapagsalita si Samuel. Napailing ito habang nakatingin sa mukha niya. “H-hindi ko alam. Ang gusto ko lang ay masiguro na ligtas siya…”
“f**k you! Wala kang kwenta!” Hindi niya maintindihan kay Samuel kung bakit tila ayos lang dito na may posibilidad na magkasama nga sina Rocco at Candice kahit alam na nito na may nakaraan ang dalawa. “Tatahimik ka na lang ba? Wala kang gagawin?! Ako?! Papatay ako! Papatayin ko kung sino man ang umagaw kay Rocco sa akin dahil mahal na mahal ko siya!”
Hindi pa rin nagsalita si Samuel. Nanatili itong walang imik.
Maya maya ay bumalik na si Alexander. May dala itong tatlong flashlight para sa kanilang tatlo. Hindi na daw ito sasama at walang magbabantay sa bahay. Isa pa, nahihiya daw ito na makialam pa sa problema nila dahil labas na ito doon. Pinayuhan na lang sila nito na sundan ang ginawang daan para hindi sila maligaw. Pero parang hindi niya iyon kayang gawin. Kung kinakailangan na galugarin niya ang kasuluk-sulukan ng gubat ay gagawin niya mahanap lang niya si Rocco.
Humanda ka talaga sa akin, Candice! Oras na landiin mo ang boyfriend ko, papatayin talaga kita! Galit niyang sigaw sa sarili habang naglalakad na silang tatlo sa gitna ng kagubatan. Nauuna siya kina Jillian at Samuel. Mabuti na lang din at pinahiram sila ni Alexander ng flashlight. Kung wala sila niyon ay mahihirapan silang maglakad dahil sa sobrang dilim.
Habang tumatagal at lumilipas ang oras ay mas lalo siyang kinakabahan. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Paano kung nagkausap ang dalawa ng masinsinan at nagkabalikan na ang mga ito? Paano kung may nararamdaman pa pala si Rocco kay Candice at dahil nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkausap ng maayos ay iwanan siya ni Rocco?
Kinakabahan siya na maaaring mangyari iyon dahil alam niyang hindi siya mahal ni Rocco nang maging sila. Alam niyang napilitan lang ito noon. Pero iniisip na lang niya na sa tagal na nila bilang magkasintahan ay natutunan na rin siya nitong mahalin at pati ang pagsasabi nito sa kaniya ng “I love you” ay totoo na at bukal na sa puso nito.
“Bakit ka ba kinakabahan na magkasama sina Rocco at Candice? Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?” Hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya si Samuel.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Wala kang pakialam! May tiwala ako sa boyfriend ko pero sa girlfriend mo, wala! Alam kong gagawin niya ang lahat para maagaw sa akin si Rocco—” Hindi na niya itinuloy ang sinasabi dahil tila may naririnig siyang mga ungol sa hindi kalayuan. Napatigil din siya sa paglalakad.
“Bakit?” singit ni Jillian.
Sinenyasan niya ito na huwag maingay. “May naririnig ako… Naririnig niyo rin ba?” aniya.
Tumahimik silang tatlo at pinakinggan nang maigi kung mga ungol nga ba talaga ang naririnig nila. At nang masiguro niyang ungol nga iyon at hindi basta ihip lang ng hangin ay mas lalo siyang kinabahan.