TAKOT na takot at habol ang paghinga ni Candice nang bumalikwas siya ng bangon. Napasigaw pa siya nang malakas. Paglibot niya ng mata sa kaniyang paligid ay huminto siya sa pagsigaw dahil sa pagtataka. Anong ginagawa niya sa kwartong tinutuluyan nila sa bahay ni Alexander? Bakit siya nandito?
Sa huli niyang pagkakaalala ay nasa balon siya at biglang nawala sina Samuel. Pagkatapos ay nakita niya ang naaagnas na si Aliyah. Sinugod siya nito sa balon at pagkatapos… pagkatapos ay… Napahinto siya sa pag-iisip. Pilit niyang inaalala kung ano ba ang nangyari pagkatapos niyon. Wala na siyang maalala pa. Bakit wala na siyang maalala?
Napapitlag siya nang bumukas ang pinto ng kwarto at humahangos na pumasok si Samuel. Nakasunod dito si Jillian. Kapwa may pag-aalala sa mukha ng dalawa nang lapitan siya. Niyakap siya ni Samuel nang mahigpit.
“Salamat sa Diyos at nagkaroon ka na ng malay. Ang buong akala ko ay iiwanan mo na ako, hon!” anito. Kumalas ito sa pagkakayakap at tiningnan siya sa mukha. “Ayos ka na ba? Wala bang masakit sa iyo? M-may gusto ka bang kainin?”
Naguguluhang tiningnan niya ang nobyo. Pati si Jillian ay tiningnan din niya. “A-ano bang sinasabi mo? Iiwan? Bakit kita iiwanan?” Nalilito niyang tanong.
Umupo si Jillian sa gilid ng kama sa tabi niya. “Muntik ka nang malunod sa balon. Hindi ka na kasi umahon nang matagal. Ang akala namin ay ayos ka lang pero mahigit isang minuto na ay hindi ka pa lumilitaw kaya nagdesisyon na kaming hilahin ka. Wala kang malay nang hilahin namin,” pagkukwento nito sa kaniya.
Sandaling natigilan si Candice. Kung ganoon ay nawalan siya ng malay habang sinisisid ang mga buto sa balon. Iyong eksena na nakita niya si Aliyah ay isa na lang panaginip. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag dahil hindi naman pala iyon totoo.
Napahawak siya sa ulo. “Teka, nasaan na iyong mga buto?” Halos pabulong na tanong ni Candice. Nababahala siya na baka marinig ni Alexander.
“Itinago namin sa closet. Nandoon…” Itinuro nito ang closet sa kwarto.
Mabuti na lang at hindi panaginip na nakuha niya ang mga iyon. “Hindi ba makikita iyan ni Alexander?”
“Hindi naman siguro. May baon na padlock si Rocco. Nilagyan namin ng padlock. Pag-alis natin ay dadalhin natin iyon at itatapon sa ibang lugar,” sagot ni Jillian. Tiningnan niya ang closet at doon lang niya napansin na meron nga iyong padlock na medyo malaki.
“Si N-nikki?”
“Ibinalik namin ang bangkay niya sa balon. Hindi pwedeng malaman ni Alexander na patay na si Nikki. Paniguradong tatawag siya ng pulis at magkakaroon ng imbestigasyon.” Si Samuel ang sumagot. “Kapag nagkaroon ng imbestigasyon ay kasama tayo sa iimbestigahan. Malaki ang posibilidad na makita nila ang mga buto at malalaman nila ang ginawa ninyo noon kay Aliyah.”
Tumango-tango siya. “Tama ang inyong ginawa. Kung ganoon, aalis na tayo ngayon?”
“Aalis na sana tayo, hon. Kaya lang wala pa si Alexander, e. Pagbalik namin kanina dito ay wala siya. May note siya na iniwan sa may ref. Ang sabi niya ay nasa bayan siya para bumili ng mga stocks. Magluluto daw siya mamaya ng hapunan…”
“Ayos na rin iyon. Pwede naman tayong umalis bukas ng umaga,” aniya.
Matapos na masiguro nina Samuel na ayos lang siya ay iniwan na siya ng mga ito para makapagpahinga pa. Nakatulog siya nang maayos at nagising na siya na madilim na sa kwarto. Bumangon na siya at baka oras na ng hapunan.
Maingat na bumaba ng kama si Candice sa kama. Binuksan niya ang ilaw at humarap sa salamin na nakasabit sa dingding malapit sa closet. May suklay na nakasabit malapit sa salamin at ginamit niya iyon para ayusin ang bahagyang buhok na nagulo.
Habang nagsusuklay siya ay napatingin siya sa closet. Natigilan siya nang makitang bahagya iyong nakabukas at wala ang padlock. Kumunot ang noo niya. Ibinalik niya ang suklay at pinuntahan ang closet. Binuksan niya iyon at medyo kinabahan siya nang malaman na wala doon ang mga buto at kalansay ni Aliyah!
May kumuha ba niyon sa mga kasama niya at itinago sa ibang lugar?
Marahil ay ganoon nga. Hindi naman talaga ligtas na itago sa closet ang mga buto ni Aliyah dahil hindi sa kanila ang bahay. Kapag nakita iyon ni Alexander ay paniguradong magtataka ito kung bakit merong padlock. Baka sapilitan pa nitong buksan iyon.
Naisip din ni Candice na kung matagal nang nakatira sa lugar na ito si Alexander ay nakita na kaya nito iyong balon? Kung nakita na nito, hindi ba nito iyon binuksan o inalam ang laman?
Sa totoo lang, may nararamdaman siyang kakaiba kay Alexander. Parang ang dami nitong itinatago. Parang may kakaiba sa pagkatao nito na hindi niya mawarian kung ano. Gustuhin man niyang tuklasin iyon ay parang wala na siyang oras. Aalis na sila bukas sa bahay nito.
Bumaba na siya sa salas pagkatapos ayusin ang sarili. Walang tao doon pero may naririnig siyang nag-uusap sa may kusina. Malamang ay kumakain na ang mga ito. Pupunta na sana siya sa mga ito nang may mapansin siya sa sahig sa salas. Parang may bahagi niyon na parang nakaangat nang bahagya. Hindi nga lang niya makita nang buo kung hanggang saan ang nakaangat dahil natatakpan na ang ibang bahagi ng sofa.
Akmang lalapitan niya iyon nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jillian. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Jillian nang makita siya.
“C-candice! Ikaw pala. Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Jillian sa kaniya.
“Ayos na. Nakapagpahinga na ako. Saan ka galing?”
“Sa labas. Nagpahangin lang.”
“Kumakain na yata sila. Hindi ka pa sumabay?”
Umiling ito sabay ngiti. “Diet ako, e. Nagluto yata ng adobong manok si Alexander. Tumataba na kasi ako. Baka maparami ang kain ko ng kanin dahil sa ulam kaya umiiwas ako. Ikaw ba? Kumain ka na?”
“Papunta pa lang ako sa kusina. Medyo gutom na ako.”
“Sige. Dito lang muna ako sa salas…”
Nakalimutan na ni Candice ang nakita niya sa sahig dahil sa pag-uusap nila ni Jillian. Iniwan na niya ito sa salas at nagtungo sa kusina. Doon ay naabutan niya na kumakain ang ibang kasama. Sa may tabi ni Samuel siya umupo at pinaghain siya nito ng makakain.
ISANG nilalang ang maingat na pumasok sa kwartong tinutulugan ni Candice. Bago siya pumasok kanina ay sinilip muna niya kung natutulog ba ito. Nang masiguro niyang mahimbing itong natutulog ay saka siya pumasok.
Tahimik ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa. Hindi niya inaalis ang mata kay Candice dahil baka bigla itong magising at makita siya.
Nilapitan ng nilalang na iyon ang closet. Palihim siyang napangiti nang tingnan ang hawak na susi. Gamit ang susing iyon ay binuksan niya ang closet. Agad niyang kinuha ang bag kung saan nakalagay ang mga buto ni Aliyah. Lumabas siya ng kwartong iyon nang walang nakakakita sa kaniya…
KAHIT papaano ay nakakahinga na nang maluwag si Rocco ngayong sigurado na silang patay na si Aliyah dahil sa mga butong nakuha nila sa balon kung saan nila ito itinago noon. Pwede na nilang itago sa ibang lugar ang labi nito at tuluyan nang mabaon sa hukay ang kanilang sikreto. Isa pa, sigurado na silang hindi si Aliyah ang nagpadala ng mga litrato sa kanila. Maaari ngang si Trevor ang gumawa niyon dahil gusto na naman silang perahan.
Ngunit isang bagay ang bumabagabag sa kaniya ngayon. Iyon ay ang pagpatay kay Nikki.
Sino ang may kagagawan ng karumal-dumal na pagpatay dito at ano ang motibo? May ibang tao ba na nasa paligid nila na hindi nila alam? O baka isa sa kanilang magkakaibigan?
Ipinilig niya ang ulo. Parang sobrang imposible ng huli niyang naisip.
Ininom niya nang diretso ang alak na nasa baso. Kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay at nakatayo malapit sa pintuan. May nakita siyang mga bote ng alak sa aparador sa kusina kaya naisipan niyang uminom para makatulog. Simula kasi ng nakituloy sila sa bahay ni Alexander ay hindi pa siya nakakatulog ng maayos. Bukod sa namamahay siya ay ang dami pa niyang iniisip.
“Refill?” Bahagya siyang nagulat nang may babaeng nagsalita sa kaniyang likuran.
Paglingon niya ay nakita niya si Candice na papalapit habang may hawak na bote ng alak at isang baso. Tumabi ito sa kaniya at nilagyan ng alak ang baso niya.
“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka ng boyfriend mo. Kung ano pa ang isipin niyon.”
“Wala akong problema kay Samuel. Hindi siya malisyoso katulad ni Destiny.” Ang baso naman nito ang sinalinan nito ng alak at ininom nito iyon nang isang lagukan. Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. “I missed you, Rocco…”
Umiling siya. “Hindi dapat tayo nag-uusap.”
“Natatakot ka bang mahuli tayo ni Destiny na magkausap? Huwag kang mag-alala dahil nasa kusina silang lahat. Nagkukwentuhan sila nina Alexander at mukhang nag-e-enjoy sila.”
“Hindi `yon, Candice. Hindi dapat tayo nag-uusap kasi—”
“Kasi natatakot kang hindi mo mapigilan ang sarili mo kasi ako pa rin naman talaga ang mahal mo.” Putol ni Candice sa sasabihin niya. Hindi siya nakapagsalita. “Rocco, handa akong iwanan si Samuel basta sabihin mo lang. Pwede ulit tayong magsimula. Iyong ginawa sa akin ng tiyuhin ko dati? Matagal na iyon. Kalimutan mo na kasi kinalimutan ko na iyon.”
Iniba niya ang tingin. Inilayo niya ang mata dito. “Sana ganoon lang kadali ang lahat, Candice…” aniya sabay inom ulit ng alak.
Mas lalong lumapit si Candice sa kaniya. Hinawakan nito ang isa niyang kamay. “Hindi mo kasi sinusubukan pero may alam akong paraan para makalimutan mo iyon, Rocco…” Nang tingnan niya ito ay namumungay ang mga mata nito na para bang inaakit siya.
Wala nang alam si Rocco sa mga napag-usapan pa nila ni Candice dahil na rin sa dire-diretso silang umiinom ng alam. Basta natagpuan na lang niya ang sarili na naglalakad sa gubat kasama si Candice…
TAGUMPAY! Iyon ang gustong isigaw ni Candice nang magawa niyang na pasamahin si Rocco sa kaniya na maglakad-lakad. Lasing na ito dahil sa alak na iniinom nila pero siya ay hindi. Palihim niya kasing itinatapon ang alak sa baso niya kapag nakakalingat si Rocco. Kaya kakaunti lang ang nainom niya. Malinaw pa sa kaniya ang lahat ng nangyayari at ginagawa niya.
Napapangiti siya habang naglalakad sila ni Rocco dahil hanggang ngayon ay naririnig pa rin niya sa loob ng kaniyang ulo ang naging usapan nila nang lasing na ito…
“Natakot lang ako sa sasabihin ng ibang tao kaya nakipaghiwalay ako sa iyo noon, Candice. Natakot ako na mapagtawanan dahil ang nobya ko ay biktima ng pang-aabuso. Pero kung hindi iyon isiniwalat ni Aliyah at sa akin mo lang inamin, handa akong tanggapin ka,” pag-amin ni Rocco.
Maluha-luha si Candice nang marinig ang mga salitang iyon mula mismo kay Rocco. Hindi siya makapaniwala na labag pala sa loob nito ang pakikipaghiwalay nito sa kaniya noon.
“Pero si Destiny… Paanong naging kayo?”
“Pagkatapos ng high school ay sa parehas na school kami nag-aral ng kolehiyo. Dahil sa magkakilala kami ay kami ang naging close hanggang sa sinabi niyang gusto niya ako. Naging kami na agad. Walang ligawan…”
Kung ganoon ay tama ang hinala niya na hindi talaga mahal ni Rocco ang Destiny na iyon. Tapos kung makapagmalaki ito sa kaniya ay ganoon na lang. Ngayong alam na niya ang totoo ay meron na siyang lakas ng loob para iwanan si Samuel. Maaari na silang magsimula ulit ni Rocco. Kakalimutan nila ang dapat kalimutan sa kanilang nakaraan.
Kaya sa kasalukuyan ay inaya niya si Rocco na maglakad-lakad sa gubat para mas makapag-usap sila nang walang kaba na baka may makakita sa kanila. Pumasok sila sa gubat. Habang naglalakad ay nagkikiskisan ang kanilang mga kamay hanggang sa gagapin ni Rocco ang kamay niya. Napahinto sila sa paglalakad at nagkatinginan. Ang lakas ng t***k ng puso niya! Ngayon lang kasi ulit siya tiningnan ni Rocco ng ganoon. Iyong para bang sinasabi ng mga mata nito na mahal na mahal siya nito.
Nagtaas-baba ang Adam’s apple ni Rocco kasunod ang pagbaba ng mata nito sa labi niya. Napalunok si Candice. Tila nahuhulaan na niya ang gustong gawin nila ni Rocco sa gitna ng gubat at kadiliman ng gabi.
“Rocco—”
Hindi na niya nagawang tapusin pa ang sasabihin dahil sa biglang pagkabig ni Rocco sa kaniyang batok. Isinubsob nito ang labi niya sa labi nito. Naglaban ang kanilang mga dila, naghalo ang kanilang mga laway. Akala mo ay mga uhaw na uhaw kung halikan nila ang isa’t isa. Bahagya pang naluha si Candice dahil matagal niyang inasam na muling mahalikan si Rocco—ang lalaking hanggang ngayon ay laman ng kaniyang puso.
Mas naging mapusok ang kanilang mga galaw. Habang naghahalikan ay isa-isa na rin nilang inalis ang saplot sa kanilang katawan. Hanggang sa wala na silang kahit na anong suot. Nang magyakap sila ay naibsan kahit papaano ang lamig ng gabi dahil sa init ng kanilang mga katawan.
Kung saan-saan na humahaplos ang kanilang mga kamay. Alam ni Candice kung saan pupunta ang tagpong iyon at handa siya. Handang-handa!
Maya maya pa nga’y nakahiga na sila sa lupa. Wala na silang pakialam sa dumi. Ang tanging nasa isip nila ng oras na iyon at mailabas ang init na nararamdaman. Nakapatong si Rocco kay Candice habang patuloy ang kanilang paghahalikan.
Hindi na nakapagpigil si Rocco at bumaba na ang labi nito sa kaniyang leeg hanggang sa humantong ito sa kaniyang dibdib. Pinagpala ng dila nito ang isa niyang u***g. Impit siyang umungol habang nakapikit. Napaliyad pa siya dahil sa sarap. Akala mo ay isang gutom na sanggol na sinipsip pa iyon ni Rocco. Mas lalo siyang napaungol dahil sa kakaibang sensasyon na lumulukob sa kaniya ngayon…