LESSON 03- Taken All Away

2132 Words
                  “ROCCO!” Tawag ni Aliyah kay Rocco nang makita niya itong papalabas ng canteen. Papasok sana siya pero hindi na siya tumuloy dahil sa nakita niya ang lalaki. Bahagyang tumaas pa ang isa niyang kilay nang mapansin niyang kasama pala nito si Candice. Mas lalong kumulo ang dugo niya dahil nakasaklit pa ang babae sa braso ni Rocco. Mukhang hindi pa sinasabi ni Rocco dito ang napagkasunduan nila. Kung ganoon, siya na lang ang magsasabi! Mas maganda na rin na siya ang magsasabi kay Candice para maipamukha niya dito nang husto ang pagkawala dito ni Rocco. Mas masasaktan niya ito. Hindi narinig ni Rocco ang una niyang pagtawag. Patuloy lang ito sa paglalakad kasama si Candice. Sinundan niya ang dalawa hanggang sa makarating na ang mga ito sa hallway na papunta sa kanilang classroom. Doon niya ito ulit tinawag. “Rocco! Baby!” Sa lakas ng pagkakasigaw niya ay imposibleng hindi siya nito narinig. Si Candice ang unang lumingon sa kaniya. Huminto ang dalawa at saka siya lumapit. “Anong sabi mo?” Nakataas ang isang kilay ni Candice. Walang salitang namutawi sa bibig ni Aliyah. Hinawakan niya ang kamay ni Candice para alising iyon sa braso ni Rocco. Pumiglas ito at tinabig ang kamay niya. Medyo masakit pero kaya niya iyong palampasin. Ayaw niyang siya ang unang mananakit dahil siya ang magmumukhang masama sa lahat. Marami pa namang estudyante ang nakatambay sa hallway at ang iba ay nakuha na nila ang pansin. “Ano bang ginagawa mo?!” sa inis ni Candice ay itinulak na siya nito. Pilit pa ring pinakalma ni Aliyah ang sarili. “Kinukuha ko lang ang sa akin.” Mahinahon niyang turan sabay halukipkip. Kumunot ang noo ni Candice. “Ano’ng sabi mo? Si Rocco ba ang tinutukoy mo?” Nalilitong itinuro nito ang katabi. “Yes. Tama! Hindi ka naman pala slow. So, akin na siya—” “Rocco, ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?!” Napayuko lang si Rocco at hindi makapagsalita. Gustong-gusto niya ang magkahalong pagkainis at pagkalito sa mukha ni Candice. Wala itong kaalam-alam na naagaw na niya dito ang nobyo nito. “Gusto mo bang ako na ang magsabi kay Candice, Rocco?” “Hindi!” Mabilis nitong sagot. “A-ako na…” “Rocco! Ano ba ito?” Pati si Rocco ay hinampas na rin ni Candice sa braso. “Candice, p-patawarin mo ako pero… kami na ni Aliyah. Break na tayo.” Natigalgal si Candice sa isiniwalat ni Rocco. Ilang segundo din itong napanganga at hindi nakagalaw. “N-nagbibiro ka lang. `Di ba? Hindi mo ako ipagpapalit sa fake na iyan!” sabay duro nito sa kaniyang mukha. Humakbang si Aliyah at hinila si Rocco. “Well, he just did. Ipinagpalit ka na ni Rocco sa akin na sinasabi mong fake, Candice. Kawawa ka naman…” Umakto pa siyang malungkot para mas asarin si Candice. “b***h ka! Mang-aagaw!” galit na galit na sigaw ni Candice. “Magsama kayong dalawa! Mga basura!” At malalaki ang hakbang na naglakad ito palayo. Masaya na sinundan ni Aliyah ng tingin si Candice. Iba pala sa pakiramdam na manalo ka sa lahat. Sa pageant, sa kaibigan at ngayon naman ay sa boyfriend. Masarap. Talagang ramdam niya ang pagiging “reyna” ngayon. Talagang malaki pala ang nagawa ng pagkapanalo niya sa Miss RNHS. Hinarap na niya si Rocco. Umangkla na siya sa braso nito sabay ngiti ng malaki. “So, ano nang gagawin natin, baby? Gusto mo bang pumunta tayo sa—” “Hindi mo na dapat ginawa iyon kay Candice. Tingnan mo ang nangyari. Galit na galit siya!” Naiinis na bulyaw ni Rocco sa kaniya. Tumalim ang mata niya. Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi nito. “At kailan mo balak sabihin sa kaniya? Baka nga kung hindi pa ako ang gumawa ng move, baka hanggang ngayon ay kayo pa rin!” “Sasabihin ko naman sa kaniya. Humahanap lang ako ng tamang timing.” “Baka nakakalimutan mo na may kasunduan tayo, Rocco? Ginawa ko ang gusto mo. Sumali ako sa Miss RNHS at nanalo ako. Kaya akin ka na!” “Ah, oo nga pala…” Tumango-tango ito na sinundan ng ngisi. “Ngayon, makukuha ko na rin ang gusto ko sa iyo, Aliyah. Tama ba?” Namutla si Aliyah. Napalunok siya ng laway at kinabahan. Ang totoo kasi niyan, sinabi lang naman niya kay Rocco na handa niyang isuko ang p********e niya para makuha ito. Para maging nobyo niya ito dahil iyon ang kahinaan na nakita niya sa lalaki. Ngayong hinihingi na nito ang bagay na iyon ay natatakot siya. Masyado pa siyang bata para sa bagay na iyon. “O, bakit hindi ka na nagsasalita diyan? Huwag mong sabihin na umuurong ka na. Sige, umurong ka. Babalikan ko na ngayon din si Candice—” “No!” Bigla niyang pigil. “Ang ibig kong sabihin, sure… K-kailan mo ba gusto?” Pilit niyang pinakaswal ang pagsasalita. “Saturday night. Wala akong kasama sa bahay.” Kinindatan siya ni Rocco at saka siya nito iniwan. Ano ba itong pinasok ko? Tila gusto na tuloy sisihin ni Aliyah ang sarili sa pagkakataon na iyon. Wala naman siyang choice kundi ang pumayag sa gusto ni Rocco. Dahil sa una pa lang naman ay siya na ang nag-offer dito ng bagay na iyon.   BAGSAK ang balikat ni Candice habang naglalakad siya sa hallway para umuwi na sa bahay. Kung dati ay hindi siya dumidiretso sa bahay nila dahil kung saan pa sila tumatambay ng mga kaibigan niya o hindi kaya ay si Rocco, ngayon ay iba na. Kanina, lalapitan niya sana sina Jillian pero naunahan siya ni Aliyah na gawin iyon. Ang saya-saya ng tawanan ng mga ito kaya nauna na siya. Mula sa kaniyang likuran ay naririnig pa rin niya ang boses nina Aliyah kaya naman binilisan na niya ang paglalakad. Ayaw niyang lumingon. May mga nagtatakbuhang estudyante ang bumangga sa kaniya. Nawalan siya ng balanse at paupong bumagsak sa semento. Naituon niya ang dalawang kamay. “f**k you—Aray!!!” Mumurahin niya sana ang mga bumangga sa kaniya nang may mariing umapak sa kaliwa niyang kamay. Napangiwi sa sakit si Candice na sinundan ng pagsigaw. “Oops… Sorry!” Isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig. Pagtingin niya sa itaas ay nakita niya si Aliyah at ito ang tumapak sa kaniyang kamay. Naka-crossed arms ito. Nasa likod nito ang tatlo niyang kaibigan. O mas tamang sabihin na dating mga kaibigan. Dahil ngayon ay itinakwil na siya ng mga ito dahil lang sa pagkatalo niya sa nakaraan na Miss RNHS. Mas piniling samahan ng tatlo si Aliyah kesa sa kaniya. Hinila niya ang kamay niya. Hindi niya magawang hilahin iyon dahil sa diin ng pagkakatapak ni Aliyah. Kahit alam na nitong natatapakan siya nito ay wala yata itong balak na alisin ang paa nito. “Alisin mo ang paa mo,” gigil niyang turan. Matalim ang mata niya habang nakatingin dito. “Ay, kamay mo pala iyan. Akala ko kasi tae!” May pandidiri sa mukha na inalis nito ang paa at saka ito umalis kasama sina Jillian, Nikki at Destiny. “b***h! May araw ka rin sa akin!” galit niyang bulong. Ang akala yata ni Aliyah ay nasa kamay na nito ang tagumpay habangbuhay. Pwes, nagkakamali ito. Pansamantala lang niyang ipapalasap dito ang ginhawa pero sinisiguro niyang sa huli ay impyerno ang kakabagsakan nito!   SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay kasabay na lumabas ng school ni Aliyah ang dating mga kaibigan ng Candice. Kanina ay walang pagsidlan ang kaniyang tuwa nang makita niyang natumba si Candice. Agad siyang lumapit dito upang tapakan ang isa nitong kamay. Tama nga ang kaniyang hinala na kapag wala ang mga kaibigan nito ay hindi nito kayang lumaban. Hindi nga ito nakapalag sa kaniya kanina. Wala itong nagawa kundi tanggapin ang p*******t niya. Tumuloy sila sa bahay nila. Hindi ganoon kalaki ang bahay ng kaniyang stepfather. Bungalow-style na may dalawang kwarto. Ang isa ay sa kaniya. May maliit na salas na kadugtong lang ng kanilang dining area at kusina. Sa gilid ng kusina ay naroon ang banyo. Kahit hindi iyon ganoon kalaki ay alaga naman iyon sa linis ng nanay niya. Pagpasok nila Aliyah ay naabutan nila ang nanay niya na may ginagawa sa kusina. Nagluluto ito ng kanilang hapunan dahil sa mga ginayat na gulay na nasa lamesa. Bahagya pa nga itong nagulat nang makita na may mga kasama siya. “O, anak, nandito ka na pala. Mga kaklase mo ba iyang mga kasama mo?” Isa-isang nginitian ng nanay niyang si Alma sina Destiny, Jillian at Nikki. “Nakita mo naman siguro na parehas kami ng suot na uniform, `di ba? Malamang mga kaklase ko sila!” Hindi sila magkasundo ng nanay niya. Halata naman iyon sa kawalan ng gana niya sa pagsagot dito. “N-napansin ko nga…” Tila napapahiyang sagot ni Alma. “Malinis ba `yong kwarto ko?” “Malinis iyon. Inayos ko rin ang mga gamit mo kaya—” “Doon muna kami ng mga kaibigan ko. May group project kami, e.” “Ganoon ba? Gusto mo bang dalhan ko kayo ng pagkain mamaya?” “Hindi na kailangan. Aalis din naman sila agad.” Inaya na ni Aliyah ang mga kasama sa kwarto niya para makapag-usap na silang apat nang walang istorbo. Walang upuan sa kwarto ni Aliyah kaya nagkasya na lang silang apat sa pag-upo sa ibabaw ng kaniyang kama. “Okay lang sa nanay mo na ganoon ka makipag-usap sa kaniya, Your Highness?” usisa ni Jillian. “Hindi ninyo alam ang reason kung bakit ganoon ako sa kaniya kaya huwag niyo akong i-question kung paano ko tratuhin ang nanay ko. Okay?” sagot niya. “Nandito kayo para sabihin ko ang kondisyon na hihingin ko para maniwala ako na loyal kayo sa akin…” “Kahit anong iutos mo ay susundin namin.” Nakangising tumingin siya kay Destiny. “Talaga, Destiny? As in, kahit ano? Kahit na ang i-bully ang dati niyong queen—si Candice?” hamon ni Aliyah na ikinatigil ng tatlo. “Yes, tama ang narinig ninyo. Iyan lang naman ang ipapagawa ko sa inyo. Ibu-bully ninyo si Candice gaya ng pambu-bully na ginagawa niya sa mga estudyante sa RNHS! Ipapatikim natin sa kaniya kung ano ang lasa ng ginagawa niya noon!” Mariin pa niyang turan.   PABALIBAG na ibinato ni Candice ang bag sa isag sulok ng kanilang bahay. Nanghihinang naupo siya sa isang sulok habang nakatingin sa kawalan. Maliit lamang ang bahay na tinitirahan niya. Yari iyon sa pinagsamang kahoy at plywood. Ang bubong ay yari sa yerong kinakalawang na ang ilang bahagi dahil sa tagal. May butas iyon na tuwing umuulan ay may tumutulong tubig. Sinasahuran na lamang nila iyon ng timba para hindi mabasa ang loob ng bahay. Ang tanging kasama ni Candice sa bahay na iyon ay ang kaniyang tiyuhin na si Ruben. Sa ngayon ay wala pa ito dahil nasa trabaho pa. Nagtatrabaho ito sa isang construction site na hindi naman kalayuan. Ito na ang ang naging guardian niya simula nang mamatay ang nanay niya dahil sa sakit na colon cancer dalawang taon na ang nakakaraan. Mahirap ang buhay na meron siya. Kaya naman nakipag-kaibigan siya kina Jillian, Nikki at Destiny dahil sa maykaya ang mga ito sa buhay. Kapag may lakad ang mga ito ay palagi siyang sabit. Mas mayaman man ang mga ito sa kaniya, siya naman ang itinuturing na “queen” ng mga ito. Ginamit niya ang kaniyang talino at ganda para mas umangat sa lahat. Palagi siyang nangunguna sa klase at nananalo sa mga beauty pageant sa school. Mas lalo pang tumaas ang tingin ng lahat sa kaniya nang maging boyfriend niya ang pinaka gwapo at sikat na lalaki sa RNHS—si Rocco. Simula ng maging nobyo niya si Rocco noong 2nd year high school siya ay mas naramdaman niya ang pagiging reyna. Mas lalong lumakas ang loob niya na mambully. Ilang estudyante rin ang nakatuwaan niyang ipahiya at saktan. Marami rin siyang babaeng sinabunutan at sinampal kapag nahahalata o nararamdaman niyang nilalandi si Rocco. Ngunit sa isang iglap ay nawala ang lahat ng iyon dahil sa pagdating ni Aliyah Ramirez! Hindi na namalayan ni Candice na tigam na sa luha ang kaniyang mga mata. Mabilis niya iyong pinunasan gamit ang dalawang kamay nang bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang Tito Ruben. Napatingin ito sa kaniya sabay kunot ang noo. “Umiiyak ka ba?” tanong nito. Tumayo si Candice at bahagyang tumagilid sa gawi ni Ruben. “H-hindi. M-masakit lang ang mata ko. Kaninang umaga pa ito masakit, e,” palusot niya. Tumango-tango ito. Umupo sa sira-sirang sofa at hinubad ang sapatos. Umalingasaw ang mabahong paa ni Ruben. Sanay na siya sa amoy na iyon. Sa ilang taon ba naman na magkasama sila, hindi pa ba siya masasanay? Treinta anyos na ang Tito Ruben niya. Kapatid ito ng tatay niya. Simula nang iwanan siya ng mga magulang niya ay ito na ang naging guardian niya. Sampung taon siya noon nang mapunta sa poder nito. Malaki at batak ang katawan nito dahil sa trabaho. Matangkad at kayumanggi ang balat. Hindi naman gwapo pero hindi rin naman pangit. Tama lamang. “Nakapagluto ka na ba?” Gamit ang paa ay inabot ni Ruben ang remote control ng maliit at mumurahin nilang TV. Binuksan nito iyon para manood ng balita. “Hindi pa, e. Halos kakarating ko lang. Magluluto na ako…” aniya. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa maliit na kwarto kung saan siya natutulog. Kurtina lamang ang nagsisilbing tabing niyon sa pintuan. Hinubad niya ang kaniyang uniform at isinampay iyon. Malinis pa naman ang mga iyon kaya pwede pa niyang isuot bukas. Papahanginan lang niya. Naghahanap siya ng pambahay na damit sa kahon kung saan nakalagay ang kaniyang mga damit nang maramdaman niya na may nagmamasid sa kaniya. Mabilis niyang hinablot ang t-shirt at shorts na nakita at isinuot iyon agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD