PIRING

1908 Words
Gamit ang isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa bakal na hawakan na nakakabit sa dingding ay sinubukan niyang hubarin ang suot na bestida. Ngunit dahil hindi niya abot ang zipper na nasa gawing likuran kung kaya agad siyang napatingin sa nakapiring na lalaking nasa harapan niya na naghihintay lang ng kanyang instruksyon. Nandito ang lalaki para umalalay sa kanya sa pagligo. Bahagya siyang pumihit patalikod dito, hinawi ang buhok papunta sa harapan at kinuha ang kamay ng lalaki para ito ang mag-unzip ng suot na bestida. Buong pag-iingat naman iyong ginawa ng binata, dahan-dahan, at nang bitawan ay kusa iyong nalaglag mula sa kanyang katawan. Kapagkuwan ay sinimulan niya nang tanggalin ang kanyang suot na pang-ilalim. Inuna niya ang kanyang bra na in-unhook gamit lang ang isang kamay, itinapon niya iyon sa kalapit lang na sahig na alam niyang hindi mababasa dahil planong suotin pa ulit iyon kinabukasan. Sinunod niya ang paghubad ng underwear na pagkatapos alisin sa isang paa ay sandaling natigilan. Hindi niya pa rin kasi maitapak ang masakit na paa sa sahig para alisin ang panty mula sa kabila. Nahihiya man ay humingi ulit siya ng tulong mula sa lalaki. Nang pumayag naman ito ay iginiya niya ang mga kamay nito upang mahawakan ang kakarampot na suot. Itinukod niya ang dalawang kamay sa hawakan na nasa dingding upang maiangat ang buong katawan at tuluyang maihubad iyon sa tulong ng binata. Ilang sandali pa nang wala nang saplot sa katawan ay pinihit na niya ang shower knob para buksan. Ngunit nang makitang naaanggihan rin ng tubig ang lalaki ay buong pagpapaumanhin na pinatay ulit iyon. “It's okay sweetheart, huwag mo akong alalahanin, magsa-shower rin naman ako pagkatapos mo,” sagot nito habang nakatayo lang malapit sa kanya. Nagsimula na siyang maligo, nilagyan muna ng shampoo ang buhok na bahagya ring naputikan kanina. Pagkatapos iyong banlawan ay sinimulan nang sabunan ang pang-itaas na bahagi ng katawan, hindi na niya inabot pa ang bandang likuran, basta maalis ang mga putik sa braso at leeg ay ayos na para sa kanya. Sunod niyang inasikaso ang pang-ibabang bahagi ng katawan, nang aabutin na niya ang paa para sabunan ay tila nakaramdam siya ng ngalay sa nag-iisang paa na ipinangtatapak sa sahig kaya muli, sa pangatlong pagkakataon ay humingi ulit ng tulong sa lalaki. “Mahal ko, pwede mo ba akong tulungang sabunan ang mga binti ko?” “Sure, sweetheart,” walang pag-aalinlangan namang sagot nito. Kinuha niya ang mga kamay ni Silver at ibinigay ang sabon na hawak. Iginiya niya rin ito sa pagyuko, pababa upang makatalungko sa pag-upo. Pati ang mga kamay nito ay inakay niya kung saan patungo nang biglang napakislot siya mula sa pagkakatayo, paano’y naramdaman niya ang malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanyang katawan nang madantayan ng kamay nito ang kanyang balat. “Are you okay?” tanong ng lalaki nang maramdaman ang kanyang paggalaw. “Y-yes, I’m okay,” nauutal niyang sagot dito. Ipinagpatuloy ng lalaki ang ginagawa hindi alintana na basang-basa na rin ng tubig ang buong katawan. Marahan nitong pinadadaan ang kamay na may sabon sa binti ng babae na sinundan din ng isang kamay upang maayos na masabunan ang mga iyon. Nang sa tingin nito ay malinis na iyon ay bumalik ang mga kamay nito sa dating kinaroroonang parte ng binti ng babae not knowing na dumako pala ang mga kamay sa bandang itaas ng hita ng babae. Tahimik ang naging reakyon ni Darling. Naipikit niya ang mga mata sa mga kakaibang sensasyong nararamdaman mula roon. Aminado siya na may kakaibang hatid ang mga haplos na iyon ng lalaki sa kanyang katawan. Katunayan ay ramdam niya ang pagbilis na pagkabog ng puso pati na ang pag-taas ng balahibo. Hindi rin niya maikakaila na ang paulit-ulit na paghimas ng mga kamay nito ay nagdudulot ng init sa kanyang pakiramdam. Ibang-iba sa dulot ng init ng maligamgam na tubig na dumadaloy sa buo niyang katawan na nagmumula sa shower head. Samantala, hindi lang si Darling ang may ganoong nararamdaman noong mga oras na iyon kung hindi si Silver rin. Kanina pa ito nagpipigil simula pa noong mahawakan nito ang katiting na tela na pinatanggal dito ng babae. Paulit-ulit itong napapalunok hindi dahil sa tubig na tumatalsik sa mukha nito kung hindi dahil sa malilikot na imahinasyon na kanina pa tumatakbo sa isipan. Para itong lalagnatin noong mga oras na iyon. Paano ba nito hindi naisip na mangyayari iyon kapag tinulungan nitong maligo ang babae. Hindi naman kasi por que wala na itong paningin ay hindi na nito mararamdaman ang pagtaas ng libido sa katawan. Isang katunayan na sa mga oras na iyon ay nagsimula nang maghumindig ang sandata nito sa pagitan ng mga hita. Isang bagay na hindi na nito kayang pigilan sa pagwawala. Halo-halo naman na ang pumapasok sa isipan ng babae. Naglakbay na iyon kung saan-saan. Gusto niyang pagbigyan ang nararamdamang init ng katawan ngunit pakiwari niya’y hindi pa iyon nararapat. Dahil doon ay pinatigil niya ang lalaki sa ginagawa nito at pinatayo. Ngunit sa mga oras na iyon, parang may mahikang nangyari at bigla na lamang bumagal ang pagkilos ng lalaki. Dahan-dahan ang naging pagtayo nito at wala siyang nagawa kung hindi pakatitigan lang ito. Mula sa mga basang labi ng binata pumababa ang kanyang mga mata sa adams apple nito, bumaba sa dibdib at tiyan nitong dahil sa nabasang suot na pang-itaas ay bumakat na ang maskulado nitong katawan. Hindi pa tumigil ang mga titig niyang iyon nang tuluyang makatayo ang lalaki at maiwan ang kanyang paningin sa ibabang parte ng katawan nito. Bahagyang namilog ang mga mata niya nang makita ang kung anong malaki at pahabang bukol sa loob ng pantalon ni Silver. Bigla niyang naiawang ang mga labi kasabay ng pagkuyom ng kanang kamay para pigilan iyon mula sa pag-aasam na muli iyong mahawakan . “I’m sorry sweetheart. Kung ano man ang nakikita mo ngayon down there, just ignore it. I mean, hindi ko talaga siya kayang pigilan. I apologize. Just finish taking a shower. I am fine and this too shall pass,” paghingi ng paumanhin ng lalaki kasabay ng pagtakip nito ng mga kamay sa umbok na bagay na iyon. Sa narinig na mga salita ni Darling mula sa kaharap ay nagbigay pa iyon ng pagpupursigi sa utak ng babae para i-entertain ang kasalukuyang nararamdaman. No doubt, napaka-ginoo ng lalaking kaharap. Despite of what's happening right now, nagagawa nitong pigilan ang sarili para maipakita lang na nirerespeto siya nito maging ang kanyang paniniwala. Sa mga sandaling iyon ay lalong nagsumidhi pa ang kanyang nararamdamang pagmamahal dito. She realized how much love she has for this guy. Pumasok tuloy sa isipan niya na bakit ba hindi na lang niya pakawalan ang kung anong idinidikta ng puso sa mga oras na iyon. Bakit hindi niya na lang ibigay ng buong-buo ang sarili sa lalaki at ipagkatiwala ang isang bagay na lubos niyang pinakaiingat-ingatan. Tutal dulot naman noon ay kaligayahan para sa kanya. Isa pa ay wala namang makakaalam. Kung malaman man iyon ng kanyang ama na siguradong ikagagalit nito ay huli na ang lahat, at kung maging daan man iyon sa tulyang pagtalikod sa pagiging isang prinsesa ay ayos lang dahil hindi naman niya talaga pinangarap iyon para sa sarili. Dagdag pa, ipakasal man siya nito sa kanyang pinsan at least naibigay na niya ang virginity sa isang taong mahal niya, isang bagay na hindi niya pagsisisihan sa bandang huli. Pinakatitigan niya ang lalaki na noo’y patuloy pa rin ang paghingi sa kanya ng paumanhin. Sa kabila noon ay sa isang bagay lamang siya nakatingin. Sa mga basa at mamula-mulang labi nito. Nagpatuloy ang kanyang malilikot na imahinasyon. Dahil doon ay lumakas pa lalo ang loob para isakatuparan ang ipinagpaplanuhang gawin. Lumipas pa ang isa, dalawa at tatlong segundo hanggang sa idinikta na ng isipan na hagkan na ang mga labing iyon ng lalaki. Natahimik si Silver sa pagsasalita at naiwang nakaawang lang ang mga labi ng dampian iyon ng mga labi ng babae. Sa mga sandaling iyon ay buong pusong nakiayon rin ito sa ginagawa ng kaharap. Maya-maya pa ay pinagsasaluhan na nila ang mga banayad na halik na likha ng mga labi ng bawat isa. Her lips slowly touched his lips one and the other, taas baba, papalit-palit. Ang mga mata nila ay relax lang ang pagkakapikit. Halos sabay din nilang ipinaling ang mga mukha sa magkaibang direksyon at pagkatapos ay mabagal iyong iginalaw. Until those kisses goes deepen. They slowly extend their tongue and reach each other’s tongue. May kakaibang sensasyong dulot iyon sa kanilang dalawa kung kaya hindi na napigilan ng babae na magpalabas ng mahinang pag-ungol. Until she reached his head at alisin ang pagkakapiring sa mga mata ni Silver, marahang inihiwalay niya ang mga labi at tumayo sa harapan ng binata. Parang tuod na hindi nakagalaw si Silver. Naibukas nito ang mga mata at diretsong napako ang paningin sa hubad na katawan ng kaharap. “Sweetheart?” naguguluhan ang pagtatanong nito kung bakit iyon ginawa ng babae sa kabila ng wala pa itong saplot sa katawan. Samantalang bahagyang tumango lang si Darling, indikasyon na binibigyan niya na ng pahintulot na makita iyon ng lalaki. Dahan-dahang naglakbay ang mga tingin na iyon ni Silver sa hubo’t hubad na katawan ng kaharap habang dumadaloy ang tubig sa buo nitong katawan. Parang ini-scan ng mga mata ng binata ang kabuan ng katawan ni Darling ng walang pagmamadali. Unang tinambayan ng mga ito ang dibdib ng babae na sa kabila nang pagkakaalam nito na may asawa na ang kaharap ay tila hindi pa nadadampian ang mga iyon ng mga palad ng isang lalaki. Katamtaman ang laki noon pero punong-puno at tayung-tayo lalo na ang mamula-mulang bagay na nasa tuktok. Hindi sinasadyang mabasa nito ang mga labi. Ilang sandali pa ay nagpatuloy ang mga mata nito sa pamamasyal. Bawat kanto at kurba ng parte ng katawan ni Darling ay pinakatititigan. Tila bawat nunal na nasa katawan nito ay kinakabisado kung saan matatagpuan hanggang sa mapunta ang paningin nito sa flat na tiyan ng babae, sa puson at sa ibaba ng puson. Doon ay napalunok ulit ito ng laway nang pakatitigan ang bagay na iyon sa pagitan ng mga hita ni Darling. Halos wala itong buhok doon at ang hiwa nito'y tila nag-aanyaya na upang iyon ay pakasalatin at alamin kung ano ang natatagong bagay sa bandang iyon. Dahil doon ay hindi na mapakali ang isa pang bagay na nasa loob ng pantalon nito. Sa naramdamang init ng katawan ay naibalik nito ang paningin sa mukha ng babae. “Sweetheart,” pinakabasa-basa nito ang mga matang iyon ni Darling kung tama ba ang pakiwari nito sa gustong mangyari ngayon ng kaharap. “Are you sure about this?” tila humingi pa ito ng permiso sa pagtatanong na iyon. Konti na lang kasi ay hindi na ito makapagpipigil. Hindi na sumagot si Darling at hinablot na lamang ang damit ng lalaki palapit sa kanya. Agad niyang tinarget ang mga labi ni Silver at buong pagnanasang hinalikan ulit ang mga iyon. Samantalang isa-isa namang sinimulang alisin ng lalaki ang mga damit na suot-suot habang sinusubukang huwag ihiwalay ang mga labi sa mga labi ng babae. Alalay nito sa isang bisig ang katawan ni Darling upang hindi ito mawala sa balanse. Yakap na rin naman ng mga braso ng babae ang katawan nito. Hanggang sa tuluyan nang maihubad ni Silver ang mga damit at maramdaman ng katawan ang init ng katawan ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD